I don't believe in love.
I hate it when i see people holding hands with each other.
I hate everything about love. Those unicorns, butterflies and rainbow themes? I hate it. It sucks.
I hate love stories, fairytales and happy endings.
Ano ba, gumising nga kayo! Nasa realidad tayo, walang forever dito!
"Oy Mika!" untag sakin ni Ara na kanina pa pala ako kinakausap. "Wala ka talagang silbi kahit kailan! Makinig na nga lang, hindi mo pa magawa."
Paano ba namang hindi lulutang 'yung isip ko, nagke-kwento nanaman kasi Ara ng kung ano ano tungkol sa kanila ni Thomas. Like duh, tinatanong ko ba Ara? Wala akong pakialam sa relasyon nyo ni Thomas! Magb-break din kayo. Walang forever.
Bored na tinignan ko si Ara at inaya ko na siya na bumalik na sa dorm. Napasimangot naman siya pero wala ding nagawa.
Nauumay na ako sa lahat. Pati sa buhay ko, nauumay na din ako.
Wala na nga akong weekly allowance, wala pang love life. Pagkain na nga 'yung love life ko, ipagkakait pa ng tadhana dahil sa kawalan ng pera. Sadlayf.
Napukaw ng walang humpay na pag-ring ng phone ni Ara ang atensyon namin. Agad nya naman itong sinagot at pagkatapos ibaba ay tinanong ako kung pwede ba na mauna na ako umuwi.
"Okay lang ba sa'yo?" tanong ni Ara.
"Bakit? Kapag ba sinabi kong 'hindi', sasamahan mo pa din akong umuwi?" sumimangot naman si Ara. Ew, fles staph! U ain't a cutie! "Joke, oo naman. Okay lang sakin."
Nag-thumbs up pa ako.
That's the thing about people. They ask you questions but when they don't get the answer they want to hear, they'll irk until you give the answer that will satisfy them.
Plasticity at its finest. I'm not surprised.
So ayun, umalis na siya at syempre naiwan akong maglakad mag-isa sa dorm. Siguro blessing in disguise din itong pang-iiwan sakin ni Ara dahil habang naglalakad ay nakita ko ang mga batang naglalaro sa park. Kitang kita ko kung gaano sila kasaya. Namiss ko tuloy ang kabataan ko. 'Yung mga panahong ang tanging problema ko lang ay kung papaano ko hahawakan ng maayos 'yung bola.
Kaya imbes na dumiretso sa dorm ay nagpunta muna ako doon sa park na kinaroroonan ng mga bata at pinanood sila.
May isang batang babae at batang lalaki ang magkasama, magkaholding hands at nakahiwalay sa iba pang mga batang naglalaro. Take note, magkaholding hands!
Agad ko silang nilapitan at tinanong dahil malay ninyo mali lang pala 'yung iniisip ko tungkol sa gesture nilang 'yon.
"Hi!" Ngiting-ngiting bati ko sa kanilang dalawa at nag-wave pa. "Ako nga pala si ate Mika."
"Hi ate Mika!" Masiglang bati pabalik nilang dalawa. "Bakit po?"
"Anong pangalan n'yo?" Umupo ako upang mapantayan ko 'yung height nila.
"Sabrina po."
"Jeffrey po."
Tumango naman ako, "Eh magka-ano ano kayong dalawa?"
Nagtinginan silang dalawa. Alam mo 'yung parang may kakaiba? Ganon!
Aba aba aba! Ang agang kumire ng mga batang 'to ha! Grabe talaga ang new generation, ibang iba ang level sa generation noon.
"Magkapatid po." sabay nilang sagot at niyakap pa ni Jeffrey si Sabrina.
Magka-what? Ano daw? Magkapatid? Eh hindi naman sila magkamukha eh! Tsaka bakit ganyan sila ka-clingy sa isa't isa? It's not what normal children do. Niloloko lang ata ako ng mga batang ito eh!
"Talaga ba? Hindi ba kayo nagsisinungaling?"
Teka. Para naman akong chismosa sa lagay kong ito. Buti hindi sila nawi-weirduhan sa pinagtatanong ko.
"Opo. Binabantayan po ako ni kuya Jepong dahil may sakit po ako."
Sakit?
"May leukemia po si Sab, ate Mika." Leukemia? Diba nakakamatay 'yon? "At stage 2 na po."
Biglang nanikip ang dibdib ko sa sinabi ni Jeffrey. Tinignan ko si Sabrina at kinikilatis siya. Hindi halata sa itsura niya na may pinagdadaanan siya, parang normal na bata lang naman kung tatanggalin 'yung pagiging maputla niya. Bukod doon ay wala ka ng makikitang bakas na may pinagdadaanang ganoon kabigat na sakit si Sabrina.
Ano kayang nararamdaman ni Sabrina? Alam niya kaya ang mga posibilidad na mangyayari dahil sa sakit niya? Buti nakakayanan niya. Nobody knows how scary it is to be ready to die at such a young age.
I was snapped back to reality when both of them held my hand.
"Okay ka lang ate?" Tanong ni Sabrina.
"Oo naman. Mag-iingat kayo palagi ha, lalo ka na Sab." Tumawa naman si Sab. "Oh, alis na ako. Byeee!"
Kiniss muna nila ako sa cheeks bago ako tumayo at naglakad papalayo sakanila.
Bilib din ako kay Sabrina eh. Sa lagay na 'yon, nagagawa niya pang tumawa. Nakakatunaw ng puso isipin na baka dumating ang araw na mapapalitan ng mapapait na luha ang bawat tawa niya.
Bigla ko tuloy naisip sina Mikay at Mikoy, mga kapatid ko. Dapat pala mas ipadama ko sakanila na mahal ko sila dahil who knows? Baka bukas makalawa ay may mangyaring hindi kaaya-aya. Hindi mo naman kasi mape-predict kung kelan ka mawawala sa mundong ito. Walang permanente dito bukod sa pagbabago at kamatayan.
"Ay tae!" Bulalas ng made in China'ng co-varsity ko sa harapan ko. Ewan ko at wala akong pake kung paano 'to napadpad sa kinaroroonan ko ngayon!
"Jeron."
"Ano?"
"Ang baho mo, lumayas ka sa harap ko leche ka!" Walang emosyong pahayag ko.
"Ikaw na nga itong nakabangga sa akin, ikaw pa ang may ganang manglait!" Luh, beastmode agad. "Tsaka ikaw na nga lang ang nakiki-amoy, ikaw pa ang may ganang magreklamo! Hindi mo ba alam na madaming chicks ang naghahabol sakin? Swerte mo dahil may skinship tayo, 'yung iba nagkakandarapa pa para lang maka-skinship ako. Tapos ikaw sasabihan mo lang ako ng ganyan? Where's the manners mah men!"
Grabe, napakahambog talaga ng intsik na 'to kahit kailan! Kasarap lang dagukan.
Tsaka ano, lalaki ba 'to? Bakit mas mabulaklak pa 'yung bigbig kesa sa akin? Ako nga na babae, minsan lang magsalita tapos sya napakadaldal. Siya na kaya 'yung gawin ninyong bida dito? Tangina eh.
"Manners? Nakakahiya naman sa'yo Jeron. You speak that kind of language plus the fact that you're so arrogant and conceited. You always brag about how girls chase you. You're a vainglorious kind of man who always wanted the spotlight. How about showing your humble side to the people?"
Base kasi sa pagkakakilala ko kay Jeron, kahit na mayroon o walang camera'ng nakatutok sakanya ay arogante ang dating niya. Nakakagago man na sabihin pero naiirita ako kapag nakikita ko si Jeron. Parang binubuhusan ng asido 'yung mga mata ko.
"Pota pahinging tissue! 'Yung magandang ilong ko.."
"See? You praised yourself once again."
"Tama na nga, Mika." Nagseryoso 'yung mukha niya. "At dahil sa dinugo ako ng english mo, ililibre mo ako! Hahaha. Tara na!"
Hinila niya na ako kahit hindi pa naman ako pumapayag sa gusto niya.
"Hinila mo na agad ako, sinabi ko na ba'ng pumapayag ako?"
"Hindi pa, pero papayag ka din naman eh." Sabi niya at tumawa pa.
Aba putangina, easy to get ba ako sa paningin niya? Oo, magkakilala kami nitong balahurang 'to pero leche!
"At sinong nagsabi sa'yo na papayag ako?"

BINABASA MO ANG
surreal
Historia Corta"I was once a believer of forever but it changed because my past was so hurtful. I once believed in fairytales and happy endings but shit happened and I fell for someone who didn't recognize my love for him. He hurt me and I started to believe that...