"Itong strawberry ang sa'yo dahil babae ka." saad ni Jeron at inabot sa akin ang strawberry flavored ice cream.
Masakit man aminin pero oo, naisama ako ni Jeron sa isang ice cream parlor malapit sa pinagkitaan namin kanina.
Pinilit niya ako, minolestiya, minanyak at pinagsawaan!
Charooot! HAHAHAHA. Ay ano ba 'yan, dapat cold 'yung image ko eh. Nasira tuloy. :----(
So ayun, hinila hila niya ako pero dahil strong ako ay hindi niya ako napilit. At dahil doon, binuhat niya ako ng parang nagbubuhat siya ng sako ng palay. Ganon na ba ako kapangit para maikumpara sa isang sako ng palay? Ang ganda at sexy ko kaya. :)))
Asdfghjkl?! Saan galing 'yon! Bakit may ganon? Bakit pati ako naging conceited na?! Leche. Kapag talaga may kasama ka, mahahawa at mahahawa ka sa ugali ng kasama mo eh. Tss.
"Porket babae ako, strawberry flavor agad ang ibibigay mo sakin? Ganyan na ba ka-feminine ang tingin mo sa akin?!"
Tumango lang siya.
"Leche ka! Your argument is freaking invalid! Makinig ka sa sasabihin ko, Teng." piningot ko 'yung ilong niya para makinig siya. Paano ba naman kasi, ang layo layo ng tingin niya. Kainis. Dapat nakikinig siya sakin. Hindi niya ba alam 'yung salitang respeto! Kutusan ko 'to eh.
"Keep this in mind, hindi lahat ng babae ay gusto ang strawberry flavored ice cream."
"Eh ano ba'ng gusto mo?"
Ikaw.
Luh? Saang planeta galing 'yang word na 'yan?
"Cookies and cream, duh."
"Okay, I'll keep that in mind. Sush now and eat."
Magsasalita pa sana ako pero pinasak niya na 'yung kutsara niya sa bibig ko. WHERE'S THE MANNERS MAH MEN?!
Tumawa pa siya, halatang nag-enjoy sa ginawa niya. -_-
If Jeron's assertive side will be set aside, I must admit na masarap siyang kasama. Bukod kasi sa palabiro siya, nandiyan 'yung feeling na parang protektadong protektado ka. Sa laki ba naman ng katawan niya, sinong ulol ang hindi magiging safe?
"Hi!" Bati nung staff sa amin ni Jeron. "Congratulations to the both of you! You won the 'couple of the week' award. Here's your free banana split! Enjoy!" Tapos inabot niya 'yung isang malaking plate na naglalaman ng banana split.
Aangal pa sana ako kasi duh, hindi naman kami couple pero pinigilan ako ni Jeron. Nakita ko naman sa nangungusap na mga mata niya na parang sinasabihan ako ng Sayang banana split, magkunwari na muna tayo. Napailing naman ako at nagpasalamat doon sa staff. Wala akong magagawa, patay gutom itong kasama ko. djk.
Ganoon din ang ginawa ni Jeron pero may kasamang kiss sa cheeks ko. Hala punyeta! Chansing ang loko!
Tumango naman 'yung staff na nagbigay ng split sa amin at umalis na. Sinabihan niya pa kami na sobrang bagay daw kami.
Pwe!
"Ang lakas ng trip nung staff ano? Akalain mo 'yun, bagay daw tayo?" i scoffed. "Like duh? Kailan pa bumagay ang isang engkantada sa isang tsonggo? Ew, Jeron Teng. Just ew." sabi ko sabay tingin sa nasa harap ko.
Kung nakakatunaw lang ang titig, malamang kanina pa ako tunaw. Leche'ng Jeron ito oh, crush ata ako. Grabe kasing makatitig. Oo, alam ko namang maganda, sexy at charming ako pero..
"Tapos ka na ba na tunawin ako?"
"Hindi pa. Give me some more time."
"Okay." cold na response ko kahit na deep inside ay naiilang ako sa ginagawa niya.

BINABASA MO ANG
surreal
Storie brevi"I was once a believer of forever but it changed because my past was so hurtful. I once believed in fairytales and happy endings but shit happened and I fell for someone who didn't recognize my love for him. He hurt me and I started to believe that...