Crush?

36 1 0
                                    

Hi guys share ko lang to sa inyo ah. Haha . Actually matagal na to eh siguro nung mga first year pa ako nung nangyari to. Ngayon ko lang naisipang isulat dito kasi nga ngayon lang ako gumamit nitong wattpad.

This is a real short story.

Ahmmm pano ko ba uumpisahan? Hahaha sige na nga eto na.

Totoo ba yung sinasabi nilang love at first sight? Kasi kung totoo man yun o hindi naniniwala pa rin ako.

Lumipat kasi kami noon sa sta cruz village. Tapos may mga nakilala ako. Yung mga kakilala ko na yun ay laging pumupunta sa chappel. One time inaya nila ako doon tapos sumama rin naman ako.

Nang makarating na kami dun ay nagmisa kami. Nakakahiya nga lang kasi yung suot ko ng mga oras na yun ay pambahay lang. (Biglaan lang kasi talaga tapos hindi ko alam na magsisimba pala. Sabi kasi practice lang daw nila e.)

Nang matapos na yung misa ay may napansin akong lalaking nakaupo sa may likod ng inuupuan ko.

Na curious naman ako doon sa itsura nung lalaki. Kaya tinignan ko ito.

Payat

Gwapooo! Hahaha

Nung nakita ko yung lalaki ay parang nagkaroon ng heart shapes yung mga mata ko. (Napakakire!) Yung itsura nung lalaki ay cool lang habang nag ce cellphone. Tapos simula nung nakita ko yung itsura nya ay nagpapansin ako. Hahahaha ang kire ko noh? (Sobrang kire!) pero totoo nag papansin talaga ako sa kanya. (Super duper kire!)

Hindi sa nag iimagine ako, pero kahit nakatagilid ako konti sa kanya ay parang nakikita ko talaga syang tumitingin sa akin *^▁^*

Matapos yung oras na yun ay lumabas na kami para umuwi.

Hanap dito hanap doon. Tingin dito tingin doon at Tadaaaaa! Nakita ko na ang hinahanap ko.

Nakatayo sya dun sa may isang pinto ng chappel at may kausap na babae.

Habang nasa labas kami ay palagi akong tumitingin doon sa lalaki.

At maya-maya!!!!!!!!!!!

"Jay ano pangalan nyang kasama nyo?" sabay turo sa akin nung babae. yung babae yan yung kausap kanina nung lalaking nasa likudan ng upuan ko kanina.

Oo tinuro nya ako. Tapos kasama nung babae yung lalaki.

"Ito ba?" Sabay turo niya sakin. "Si *Name ko* yan." Pagpakilala sakin ni kuya jay.

"Ah. Crush ka daw nito oh." Sabay turo nya dun sa lalaki kanina.

Oo tama kayo ng pagkakabasa. Crush daw ako nung lalaking tinitignan ko kanina. Hahaha sobrang saya ko nga noon eh. kahit na di ko alam kung totoo ba yun o loko loko lang.

Maya-maya pa ay nagpapaalam na kami para umuwi.

Yung totoo? Lulusawin nya ba ako gamit ang mga titig nya? Haha kung makatingin kasi sa akin eh akala mo parang lulusawin ako.

*****

Lumipas yung mga araw na naging textmate kami at halos araw-araw ko syang nakikita sa may chappel.

Tuwing nakikita ko sya ay nginingitian nya ako.

at hanggang sa isang araw nag ka girlfriend sya.

Ang saklap noh?

Siguro masyado pa akong bata para sa mga love love na yan kaya hanggang ngayon puro crush lang muna.

At higit sa lahat dapat aral muna.

Sa ngayon ay fourth year na ako. Naabutan na nga ako ng k-12 eh. Pero ok lang yun masaya naman eh.

Kung tinatanong nyo kung kamusta na kami nung crush ko na yun dati ay hindi na kami nagkakatext. At sa pagkakaalam ko marami na yung naging girlfriend. Chickboy kasi eh. Hahaha

Wag nyo na tanungin yung name nya. Naka private eh. Hahahah 😜✌

Yun lang :)
Thanks sa pagbabasa.

Crush Ka Ba Ng Crush Mo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon