Bakit ganon? Waaaaaaah! Di ko alam magiging reaksyon ko kasi..... Kasi akala ko sa wattpad lang nangyayari yung nangyari sa akin last last day! Kasi ganon yung iba kong nababasa e. Ganon na ganon talaga! Waaaah! Ang saya lang!Hi! Ako ulit to at syempre ishe share ko ulit yung isa sa mga nangyari sakin ngayong senior high na ako. Naalala nyo pa ba yung kwinento ko sa inyo noon? Yung last chapter bago ko to isulat? Yung tungkol kay EM? Waaaaah! Pano ko ba uumpisahan ulit? Hayyys! Eto na nga.
07-22-16
Una.
-Wala kaming klase ng mga oras na yun kaya ang ginawa ko lumipat muna ako sa room ng mga kaibigan kong 'monggoloid' Pfffft monggoloid ^_____^ so yun na nga nandun na ako sa room nila para makipag daldalan at para makipag kwentuhan ng mga walang kwentang bagay. Mayamaya pa ay dumating na yung teacher nila. Dahil wala nga kaming klase ay nagpaalam muna ako sa teacher nila na magsisit in a lang ako tutal teacher rin naman namin sya sa subject na yun e. Tapos yun na nga.Tumabi ako dun sa isa kong kaibigan tutal wala naman nakaupo dun sa tabi nya e. At Dahil dakila akong tsismosa (pero joke lang. Medyo lang naman Hihihi) tinanong ko kung sino yung nakaupo doon sa katabi ng inuupuan ko. Bakante kasi yun e kaya na curious lang ako. Tapos sabi nya si EM daw yung nakaupo don! Waaaah! Syempre wala pa sya don kasi sumali 'daw' sa poster making e. Tapos mayamaya pa may pumasok sa room tapos.......
Waaaaah! Ayan na sya! Ayan na sya! Ayan na sya-- eh? Dun sya naupo sa may bakanteng upuan sa likod. Syempre umasa ako na dun sya uupo sa tabi ko kasi nga dun naman talaga sya dapat naka upo! Sa isip isip ko. Bakit naman sya tatabi sakin? E pwede naman siguro lumipat. At tsaka baka ayaw nya talaga akong makatabi. Tapos kahit di ko sya katabi yung kamay ko ayaw nanaman makisama! Bukod sa napapasmado ay sobrang nangangatog! Nakakainis! Nagsusulat pa naman kami nun tapos mangangatog pa sya! Di talaga marunong makisama e.
Tapos mayamaya sinabi ng teacher nila o namin na bumalik nga kayo sa proper sits nyo! Oo galit sya kasi mga maingay sila kaya pinapabalik sila sa mga upuan nila. At ang ending? Ayun! Tumabi sakin si EM. Waaaaaah! Kilig kilig nanaman! Pero syempre di ko pinapahalata. HAHAHAHA Tapos si lenlen naman pang asar talaga. Sabi nya 'richa di ka ba pinagpapawisan?' Yan sabi nya. Epal talaga sya e. Al am ko na ibig nyang sabihin. Tapos hindi rin ako nakatiis at umalis ako dun sa pwesto ko kahit na katabi ko sya.
Labag man sa kalooban ko na umalis dun sa pwesto ko na katabi sya ay wala akong magagawa. Sabi nga ni sir ay bumalik sa proper sits diba? E hindi ko naman yun proper sit e kasi nga naki sit in nga lang ako diba? Sabi ko na lang. Sya dito e. Proper sits daw e. So sad diba? Tapos nung umalis na ako dun kinakausap naman nya yung lumipat dun sa pwesto ko kanina! Waaaah! Bakit ako di nya kinausap? :( (baka kasi close kayo diba? -___-) oo nga pala! Di kami close!
Pangalawa
- Uwian na namin yung mga oras na to e. Tapos nagbabalak kaming pumuntang walter. Yung una nga dalawa lang dapat kami aalis ng isa kong kaibigan e. Di ko alam kung paano namin napapayag na sumama yung dalawa pa naming kaibigan. Ang alam ko simula nung may paparating na bus ay sumama na rin sila samin.Yung mga oras rin na yun ay nakita ko si EM na pasakay na rin sa bus kahit na ang alam ko ay lagi syang nag ji jeep pauwi. At sakto! May nag aya sa mga kaibigan ko na sumakay na kami sa bus na yun! Kayaaaaaaa! Takbo!! Sa isip isip ko ang saya lang kasi makakasama ko si EM kahit sa maiksiang byahe manlang. Nang makasakay na kami ay napili ni lenlen na maupo dun sa tapat ng kinauupuan ni EM. Lilipat pa sana ulit si lenlen sa likod kasi nandon yung dalawa ko pang monggi na kaibigan e. Pero pinigilan ko nalang sya hindi dahil gusto ko don sa kinauupuan ko kundi dahil umaandar na yung bus! Yun lang! Mamaya masubsob pa kami e.
Nagke kwentuhan kami ni lenlen habang papuntang walter ng bigla na lang naagaw ng atensyon ko yung naririnig ko sa tv. Kaya agad naman akong napatingin don.
Naaalala nyo pa ba yung kwinento ko sa inyo na naging partner ko si EM sa sayaw namin noon? Basta yon! Kasi yung tugtog na naririnig ko sa tv ay yung mismong tugtog na sinayaw namin noon! Take note DALAWANG MAGKASUNOD NA KANTA PA NA SINAYAW NAMIN NOON ANG PINATUGTOG! hindi ko alam kung paano nagkaroon ng ganong tugtog sa tv. Malay ko ba kung nagkataon lang yun? Puro wattpad lang kasi ako kaya wala na akong masyadong alam sa tv na yun. malay ko ba kung pwedeng magkaroon ng tugtog dun! Tapos ayon na nga! Edi sa sobrang kilig ko napatingin ako sa likod ko kung san nakaupo si EM. Sa kasamaang palad di ko sya msyadong makita kasi napakataas ng sandalan ko. Kaya tumingin na lang ulit ako sa tv at tsaka nakinig ulit. Hayyys!
Walang ibang mas sasarap sa pagtitinginan natin
Sana ay di na magwakas itong awit ng pag ibig 🎶🎶Isa yan sa mga pinatugtog dun sa tv. Dahil sa sobrang kilig ko ay bumulong ako kay lenlen at tsaka ko sinabi na 'lenlen eto yung tugtog sa sayaw namin non ah!' Tapos kilig na kilig pa rin ako!
Mayamaya pa ay pumara na sya at.... Wala na. Back to normal.
Yun lang! Thank you sa pagbabasa! Ang sinasabi ko lang na mala wattpad ay yung eksena sa bus ;)
P.s kung kilala nyo ko at kilala nyo kung sino yung tinutukoy ko. Parang awa nyo na! Wag kayong maingay! Pls? HAHAHAHA Salamat! :)
-EM