The End

4 1 0
                                    

Corny ng title ko no? HAHAHAHAHA Sorry na. Pagbigyan niyo na ako. Last na to e. Promise.

04-23-19

Hi Em! My 5 years crush. Thank you thank you so much sa lahat ng memories. (Kahit konti lang yon.) Thank you sa lahat ng mga bagay na ginawa mo. (Meron nga ba? HAHAHA)  Thank you sa effortless mong pagpapakilig. Ayon. Wala lang. Gusto ko lang mag thank you kasi kahit minsan hindi ko man lang sinabi sayo yon e. Natatandaan mo pa ba? Noong nilibre mo ako ng pamasahe noon? Hindi man lang ako nakapag thank you sayo. Sorry. Nahihiya lang ako. Tapos noong nasa likod ka ng pinto at nakita mong bumubukas yung pinto? Sumisilip lang ako sa room niyo noon para tignan kung may teacher kayo pero nagulat ako bigla mong binuksan yung pinto kaya pumasok na lang ako. Ikaw na rin ang nagsara. HAHAHA thank you. Bait mo talaga e. Nakakainis. Bakit ka ganyan? Charot.

Naaalala mo rin ba nung graduation? Yung nagspeech ka? Grabe ang galing mo non. Ikaw na talaga. Kaya crush na crush kita e. HAHAHA tapos naaalala mo rin ba nung binigyan mo ng picture mo si Jam? Naghihintay din kaya ako na bigyan mo rin ako. HAHAHAHA yun pala hiningi yon sayo ni Jam para ibigay sa akin. Shookt ako ha. HAHAHAHA! Thank you doon sa picture mo. Alam mo ba, laging nakalagay yon sa likod ng cellphone ko. Tapos kapag may nakakakita, tinatanong kung boyfriend daw ba kita. HAHAHAHA sana nga e. Charot. O kahit hindi na boyfriend. Alam ko naman ang tipo mo sa mga babae ay matangos ang ilong, maputi, sexy at higit sa lahat maganda. Well sexy lang ako e. HAHAHAHA ayon. Sana naging kaclose lang kita. Yun lang. Okay na ako don. Aral muna. HAHAHA

Tapos madami pa akong gustong ikwento e. Kaso feeling ko ako na lang ang nakakaalala ng mga yon. Pinapahalagahan ko kasi yung mga memories na kasama ka e. HAHAHAHAHA

Alam mo ba, nakakatampo ka. Hindi mo man lang siniseen yung last message ko sayo. Okay lang iseen e. Kaso ma inboxzoned? HAHAHAHAHA de okay lang. Okay lang talaga.

Kamusta ka naman diyan sa bagong school na pinapasukan mo? Sana okay ka lang. Pero mukhang madami ka ng bagong friends ah? Dami na din nagkakagusto sayo. Tapos madami din akong nababasa sa mga nagcocomment sa mga status mo na inaasar sila sayo. Well. Sa bait at gwapo mong yan? Hahaha for sure yon!

hmmmm ano pa ba?

Madami pa akong gustong sabihin kaso wag na lang. Alam ko naman na hindi mo mababasa 'to e. Sure na sure akong hindi mo mababasa to kaya malakas loob kong magkwento dito. HAHAHAHAHAHA corny ba? Sorry na. Gusto ko lang kasi na kapag matanda na ako at maalala kong magwattpad ay mababasa ko to at babalik lahat ng memories nung highschool ako. Hayyys tama na nga. Corny na talaga e. Hahahaha

Thank you so much sa lahat ng memories! Isa ka sa dahilan kung bakit naging masaya yung highschool life ko HAHAHAHAHAHHAHA KIRE POTEK! Yun lang! Bye! Till we meet again? (potek akala mo magkabilang mundo e)

-The end

Crush Ka Ba Ng Crush Mo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon