Hi :) based on a true story ulit ito. Haha di kasi ako makatulog kaya share ko na lang to
Hmm? Kung tinatanong nyo kung bakit c.crush yung title ko ay hindi yan tungkol sakin. HAHAHA asa naman kung ako yan. Hindi naman kasi ako maganda. Cute lang Haha JOKE! Alam ko naman na kokontra kayo Haha.
Eto na nga. Yung c.crush na yan ay tungkol sa crush ko. Oo crush ko. Ike kwento ko ba naman sa inyo kung hindi ko sya crush. Duh! HAHAHA Joki joke ulit. :) Ok.
Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya? Nasa kanya na kaya yung mga magagandang katangian ng isang lalaki. Humble, gentleman, matalino, at higit sa lahat Gwapo! pero naging crush ko lang naman sya pagkatapos nung sayaw.
One time kasi nagkaroon ng activity 'cultural dance' maglalaban laban yung grade seven at 4th year highschool. Nung time na yun ay grade 9 palang kami ni 'EM' (sya yung crush campus. Code name ko lang sa kanya yan.) Tapos yun na nga. Pili lang yung sasayaw at kung minamalas ka nga naman nasali ako. hindi pa naman ako marunong sumayaw.
Pagkatapos sabihin kung sino yung mga kasali ay pinatawag ulit kami para papilahin ng by height. magkahiwalay yung boys & girls. Kung sino yung katapat mo yun yung magiging kapartner mo dun sa cultural dance. Edi ayun na nga. Nung tinignan ko kung suno yung katapat ko mapapa HARUJUSKO ka na lang. Ano nalang ang mangyayari kung magiging partner ko yun? di ko na sya idedescribe basta para kaming timang pag kami ang naging mag partner. kaya ang ginawa ko nakipagpalit ako dun sa likod ko. "Dona palit tayo. Mas matangkad kaya ako sayo." Palusot ko. Hindi muna sya sumagot at saka nya tinignan kung sino yung katapat ko.
"Ayoko nga. Mas matangkad ako sayo noh!" Sabi nya pagkatapos nyang makita kung sino yung katapat ko.
parang ayoko ng sumali nung ayaw nyang makpagpalit sakin. Pero syempre di ko ginawa. Aba! Mamaya sabihan pa ako ng 'ang arte mo naman! Di ka naman kagandahan.' Kaya di ko ginawa. Hinintay ko na lang yung oras na lalapit na kami sa mga partner namin.
Tapos yung time na magpupuntahan na sa mga partner. Yung mata ko parang biglang kumislap! HAHAHA kire ko noh? Bakit ba! sino ba naman ang mag aakala na magiging kapartner ko sya? Sino bang mag aakala na magiging kapartner ko yung C.crush also known as EM? di ko talaga alam gagawin ko non. Basta ang saya ko lang na kinikilig na ewan. Hindi ko nga alam kung panong nangyari na sya yung naging partner ko eh. Hindi ko talaga alam. At alam nyo ba? Naku naku naku. magsisisi siguro ako kung natuloy yung pagpapalit namin ng pwesto ni dona. Kasi yung naging kapartner nya ay yung katapat ko nung una. kaya buti na lang at hindi sya pumayag na makipagpalit. HAHAHAHA sising sisi nga sya eh. Sabi nya kasi sakin 'Ano richa? Palit na tayo.' Pero harot nya lang sakin. Nginitian ko na lang sya. Hindi ko alam isasagot ko eh. Speechless parin ako sa mga nangyari. HAHA
Yun din yung first practice namin. Tapos yung kamay ko hindi marunong makisama! Nagbabaha kasi nga pasmado! Pero ok lang. PASMADO RIN KASI SYA 😂 pano ko nalaman? May part kasi dun sa sayaw na magka holding hands habang sumasayaw. Actually halos lahat ng step namin puro magkahawak kamay. Yung kamay talaga namin naglalawa yung feeling na habang nagsasayaw kayo e dumudulas yung mga kamay nyo. HAHAHA oo na! Kadiri na kung kadiri wala akong magagawa ayaw mawala ng pagka pasamado ko e. Minsan nga nacu curious ako sa amoy ko e. Ang bango nya kasi 😂😂😂