Chapter 8

350 11 0
                                    

❌❌RED❌❌

" You've got to be kidding me! " Hindi makapaniwala na sabi ko habang napahawak sa sasakyan na dala namin. Baka lumabas agad ang anak ko pag humarap ako sa ama niya. " I'm not kidding here, Red. Papasok tayo sa gusto o sa gusto mo. " humigpit lalo ang pagkakahawak ko, no please! " Kailangan niyang panagutan 'yang bata na yan! Anak nya yan! " sabi niya habang tinu-turo turo pa ang tiyan ko na medyo maumbok na.

" Aksidente lang ang lahat, Leila! Atsaka hindi ko naman itinatanggi na anak niya 'tong dinadala ko! " sigaw ko sa kanya. " Kung aksidente, bakit may nabuo! " tanong niya. Napakamot ako sa batok ko, bakit nga ba? " Lasing siya, mabait ako. Macho siya kaya kami nakatatlo! " napatakip agad ako sa bibig ko ng marealize kung ano yung sinabi ko. Napakadaldal mo talaga Red!

" wow! Edi lumabas na din ang totoo ngayon! " sabi niya ng umiiling-iling. " Aksidente pala ha? " wala ng tanong tanong na hinila niya ako. Wala na akong nagawa kundi ang magpahila dahil wala naman akong laban sa babae na to. Natauhan ako ng may madaanan kaming glass wall at nakita ko ang mukha ko. Pambihira! Di niya sinabi sakin na napaka dumi ng dami ng mukha ko! Pinunasan ko ang mukha ko na punong puno ng nutella na kinakain ko kanina.

-
" So anong balak mo sa bata, Mr. Gray? " hindi ako mapakali sa kinauupuan ko at halos gusto ko na tumayo at tumakbo papunta ng pinto. Napabuntong hininga nalang ako dahil sa katotohanan na hindi talaga ako makakaalis dito. Napatingin sa akin si Gray ng dahil sa tanong ni Leila. " Wala naman siyang dapat gawin dahil hindi ko kailangan ng tulong niya, Leila! " atsaka ko tinignan sa mata ni Gray.

Napansin ko na bumuka ang bibig ni Gray. " Wala kang dapat ikabahala, hindi ko kailangan ng tulong mo. Wala din makaka-alam sa pangyayari na 'to. " pauna ko na sa kanya. Alam ko naman na basta businessman, ayaw nila na masira ang pangalan nila ng dahil sa naka-buntis sila. Bakit ba kasi lumandi-landi ka, Red! Sigaw ng utak ko. Iniisip ko nga din e. Kung di lang sana nangyari to, edi sana wala ako sa lugar na to!

Kumunot ang noo niya, bumuka ulit ang bibig kaya naisipan ko ulit na magsalita. " At wag ka din mag-alala dahil hindi ko ipapa-alam sa publiko na magkakaroon ka na ng anak, sasabihin ko din sa kanya paglaki niya na matagal ng wala ang daddy niya bago pa siya lumaki. " tumayo na ako at hinila si Leila na magre-reklamo pa sana pero pinigilan ko na. Nang hahawakan ko na ang door knob ng office niya, may narinig kaming gamit na ibinalibag at nabasag.

Because I'm PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon