Chapter 10

181 6 0
                                    

"So ano na plano mo? Iniintay naman na pala ni Mr. Deramas ang oo mo at magpapakasal na agad kayo." Tanong sakin ni Leila. "Hindi ko alam. Ayoko sa kanya, at hindi ko pinangarap na maging asawa sya!" For goodness sake, bakit ga gusto niya ko pakasalan?! "Pwede naman maging last name ng anak ko yung pangalan niya. He don't need to marry me." Sagot ko. I don't have any plan to marry that jerk. "Why don't you try?" Singit nya. "Try what?" Napabuntong hininga na ko.

"Try living with him. Malay mo mag-work yung relasyon niyo." Halos manlaki na ang mata ko ng dahil sa sinabi niya. What? Live with him? A big no no. "Leila, are you out of your mind? Parang hindi mo alam kung anong klaseng tao si Grey! Lahat na ata ng uri ng pambababae ay alam niya." Hinding hindi ko gagawin yung suggestion nya. "Malay mo naman baka magbago siya para sayo at para sa anak ninyo." Naputol ang pag uusap namin ng may kumatok sa pinto ng office ko.

"Good afternoon, Ma'am. May meeting po kayo ng 2pm sa HN designs, 3:30pm with Mr. Arevalo ng Danes, 6pm with Ms. Villa for the fashion show, at 6:30pm po pupunta daw po kayo sa venue para sa fashion show." Napahinga ako ng malalim. Tumango na lang ako sinenyas na lumabas na sya. "Ang hectic ng schedule mo. Magpahinga ka para sa anak mo." Tumango na lang ako at nagpaalam sya na aalis na at may duty pa sya sa ospital.

Napatingin ulit ako sa papel na pinagdo-drawing-an ko ng design, isang white long dress na pangkasal. Nababaliw na ata ako, hindi ko alam kung bakit ako nagdrawing ng pangkasal, masyadong umiikot ang mundo ko sa alok nya na hindi ko naman papatulan.

Napasandal ako sa swivel chair ko at huminga ng malalim at napahawak sa tiyan ko. Hindi naman nagiging maselan ang pagbubuntis ko, medyo malakas lang ako kumain at minsan ay sumasakit, yung morning sickness na hindi mawawala at pagkawala ng gana ko kung minsan. Hindi pa masyadong halata ang baby bump ko, at wala pa din masyadong nakakaalam tungkol sa pagbubuntis ko. Iniisip ko kung ano magiging tingin sakin ng magulang ko pag sinabi ko na nabuntis ako.

Nabuntis ako na walang pinapakilalang boyfriend sa kanila, ano na lang iisipin nila? Napatigil ang pag iisip ko ng bumukas ang pinto at pumasok si Grey kasunod ang secretary ko.

"Ma'am, pasensya na po. Nagpupumilit po kasi si Sir Deramas na pumasok para makausap ka." Sabi ng secretary ko habang naka yuko. "Okay lang. Sige at lumabas ka muna, lalabas ako mamaya para sa meeting."

"Hi, goodmorning wife" palapit sya at sumenyas lang ako na tumigil siya. "Ano kailangan mo?" At tumayo ako sa swivel chair para harapin siya. Nginitian nya ako ng pagkatamis-tamis at hinubad ang coat na suot nya at ipinatong sa sofa. "Yung oo mo, ikaw at ang anak ko." Kinikilabutan ako ng dahil sa sinasabi niya.

"Diba napag usapan na natin yan?" Umikot sya sa likod ko at niyakap ako, binaon nya ang mukha nya sa leeg ko. Ano ba problema nito? "Grey umayos ka nga." Pilit ko tinatanggal yung pagkakayakap sya sa bewang ko at napatingin ako sa mukha nya, naramdaman ko yung mainit na paghinga nya sa leeg ko at bigla nyang hinalikan na dahilan para makiliti ako.

"Deramas, teka nga. Lumayo ka. Masusuka na ko sa amoy mo. Dun ka, teka ano ba. Naduduwal na ko." Napaatras sya at napatakbo naman ako sa lababo sa CR at napasuka ng dahil sa amoy nya. Masyadong matapang at ayoko ng amoy na yon. Naglinis na ako ng sarili at nakita ko syang pumasok ng CR.

"Layo, dun ka. Ayoko ng amoy mo. Wag kang lalapit." Napasimangot sya at lumabas ng CR. Sumunod ako sa kanya at nakita ko sya na umupo sa sofa. "You okay?" Umiling ako sa kanya at naupo sa swivel chair ko at nagpunas ng kamay. "Wag kang lalapit at ayoko ng amoy mo, masusuka ako." Napabuntong hininga sya. "I think I need to change my perfume from now on." Aniya.

"Nakapagpa-check up ka na ba? I want to go with you. Magpapa-set na ako ng appointment." Aniya na parang interesadong interesado kung ano magiging resulta ng check up. "Hindi pa ako nakakapag pa-check up but I'm planning to. Wala pa masyado nakakaalam ng pagbubuntis ko maliban sayo at si Leila." Nagulat sya.

Because I'm PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon