Chapter 11

251 11 4
                                    

"Hey" napamulat ako at napatingin ng deretso sa mukha na nasa harap ko. "What the fck! What are you doing here!" Napasigaw nalang ako. Napahawak ako sa sintido ko dahil sa biglang pagsakit nito. Utang na loob, ang aga aga pa para pasakitin niya ang ulo ko. Oh Lord, paalisin mo siya dito. Bulong ko sa sarili ko at pumikit ulit. Umaasa na pagbukas ulit ng mata ko ay guni guni lang ang nakita ko kanina.

Dahan dahan akong dumilat.. "Its late, kumain ka na." Napa-hampas nalang ako sa noo ko at napa iling. "What're you doing here? For Pete's sake napaka-aga pa para bulabugin at guluhin ang beauty sleep ko. Please, leave. " atsaka ulit ako pumikit. "Who says na maaga pa?" Tumingin siya sa iPhone niya at ngumisi.. "Its already 3:57pm, babe. " atsaka niya ipinakita sa akin.

Napabangon ako bigla. "Aw!" Headache shit. "Hey, are you okay?" Napatingin ako sa kamay niya na humawak sa braso ko. I saw those concerned eyes looking at me. Tinabig ko ang kamay niya dahilan para mapaayos siya ng tayo." I'm always okay. "

Hanggang sa makapunta ako sa kusina ay nakasunod siya. Naupo ako at dumukmo sa dining table. Hinaplos haplos ko ang Tiyan ko, I'm hungry. Napabulong nalang ako. Tinignan ko si Gray na nakatayo sa harap ko, wala na ang business attire na suot niya kanina, naiwan ang plain black sando na fitted sa kanya.

Tinignan ko siya mula ulo sa baba, I mean ulo pababa. Messy Hair.. Eyes.. Nose.. Lips.. Adams apple.. Collar bone.. Muscular Chest.. Anim na pandesal.. Hotdog.. Itlog-- what the fck! I'm insane! Ano ba 'tong iniisip ko?! Napatingin ako sa kanya, with his famous smirk, nagsalita siya. "Mukhang busog ka na sa nakikita mo. Kailangan pa ba kita ipagluto?" Sinabayan oa nya ng tawa na nakakapang-akit. Hindi ko siya pinansin at tumayo nalang ako at nilayasan siya. Naghanap nalang ako ng makakain sa ref.

Its already 7pm pero hindi pa din siya umaalis. Maghapon na sya dito sa bahay ko, ano ba ang balak niya? "Wala ka bang trabaho? Bakit ba nandito ka?" Tanong ko sa kanya. Umupo siya sa tabi ko, pero lumayo ako. "Galing ako sa office mo kaninang umaga, ang sabi ay hindi ka daw papasok kaya dito na lang kita pinuntahan sa bahay mo." Ngumiti pa sya na parang nagpapacute.

Lumapit ulit sya sakin at niyakap ako, "Jusko lumayo ka nga! Paano ka ba nakpasok dito!" Singhal ko sa kanya pero lalo lang niya hinigpitan ang pagkakayakap niya sakin. "You left your keys in my car last night." Gigil na gigil siya sakin pero ako, naiinis na. Dala na din siguro ng hormones ng pagbubuntis kaya madali ako mairita.

Nangingilid na ang luha ko sa inis sa kanya at napa-pout na ko which is hindi ko naman ugali pero kusang nangyayari sa katawan ko. "Oh shit. Lalayo na ko, sige na. Wag ka na umiyak oh." Pag-aalala niya ng makita niya yung tumulo na luha ko. Pinunasan niya yon at lumipat sa kabilang couch.

"Mabaho ba ko? Ayaw mo ba ng perfume ko? Nagpalit na ko kasi ayaw mo nung isa. Nasusuka ka ba ulit?" Concern na tanong niya na kitang kita yung pag-aalala sa mata nya. Hindi ko alam pero naiiyak ulit ako. Nagsisimula na ulit ako magluha, "Mommy, kinakausap lang kita, wag ka umiyak. Ayaw mo din ba na kausapin kita?" Umiling ako, wala sa sarili na lumipat ako sa couch na inuupuan nya atsaka ko siya niyakap.

Nagulat ata siya ikinilos ko at hindi sya agad nakagalaw, pero naka recover sya at niyakap din ako. "Wag ka na umiyak, ikaw mismo yumakap sakin. Wala nang iiyak ha?" Masuyo nyang tanong sa akin at hinaplos ang mukha ko. Tumango lang ako sa kanya. "Wag masyado mag-iiyak, mommy. Masama sa baby natin yan." Paalala niya sakin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 04, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Because I'm PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon