Bakit mahal mo pa rin yung mahal mo kahit sinaktan ka na nya?
Bakit nga ba? Kasi tunay kang nagmamahal. Tunay ‘yang pagmamahal na meron ka para sa kanya. Kasi yang pagmamahal na yan eh di yan biglaan, di biglaang dumadating at di biglaang nawawala. Pag nahulog ka kasi, talo ka. Swerte mo na lang kung nahulog na rin sya. Sabay kayong nahulog sa isa’-isa kaya kahit masaktan man kayo sa pagbagsak nyo eh di ganun kasakit yun kasi andyan naman yung isa’t-isa para mag tend sa needs nyo. Eh pano kung hindi? Well, malas mo. Nalaglag ka, wala kang kasabay kasi hinayaan ka lang nyang malaglag mag-isa. Kaya nung nalaglag ka eh wala. Mag-isa kang lumagapak. Masakit na nga yung paglagapak mo, mag-isa ka pa.
Di naman masama malaglag eh. Basta pipiliin mo yung taong pagkakahulugan mo. Kasi mahina ka. May puso ka eh. May sensitibong puso ka, kahit gaano mo pinatigas yan eh pag yan nalaglag patay ka!
Diba? Pag nalaglag ka either mananalo ka o matatalo ka. Ang tao kasi pag nainlove yan parang Entrepreneur (nakanaks! haha) magtetake yan ng risk. Pag yan nagtake ng risk syempre alam nyang malaki yung tsansa nyang magsucced kaso di maiiwasan yung mga fortuitous events na yan kaya magpefail at pefail yan kahit anong mangyari. Aba! Di naman pwede laging Masaya at malaki yung profit na makukuha mo eh. Swerte mo nun! Gaya ng isang negosyo maraming ups and downs ang love, ikaw ang bahala kung paano mo iwowork-out yun para magtagal yung business mo, yung relasyon nyo.
Ang pinakamalaking difference lang ng entrepreneur sa taong inlove eh ang taong inlove pag nagfail eh kung ano-anong gagawin nyan, worst is magiging suicidal yang mga yan, may magpapakawasted, may biglang magbabago. Eh ang entrepreneur? Pag nagfail, iisip ng bagong paraan para palaguin, ayusin at patagalin pa yung business nya.
Kasi ang tao pag nainlove ang mindset nyn nag-iiba. Kasi pag inlove ka, di mo maiiwasang hindi iprioritize ang love. Nagiging bias at selfish ka. Yung sa kanya na lang umiikot mundo mo na umabot sa puntong napapabayaan mo na yung mga bagay na kasing halaga ng mahal mo.
Mahirap kasi pa gang love sinabayan mo ng ibang areas na importante sa buhay mo eh. Kayang kaya nyang maapektuhan lahat. Yung ‘ikaw pag nasa trabaho’, ‘yung ikaw pag kasama kaibigan mo’, ‘yung ikaw pag kasama mo pamilya mo’ at yung iba pang ikaw na meron sa ibang tao.
Puro negative no? wala eh. Pag nainlove ka kasi talo ka. Talo ka di lang sa mahal mo, pati sarili mo tinatalo ka, at magiging point of view mo eh lahat ng nasa paligid mo tinatalo ka na.