Part 1

1.4K 31 7
                                    

"Good Morning ! (^_^)"

"Good Morning din."

"Tamlay mo ah." Sabi niya at inakbayan ako.

"Ha? Hindi naman ah. Tsaka wag ka ngang umakbay sakin, ang bigat ng braso mo eh !" Tinanggal ko yung braso niya na naka akbay sakin. Ang hilig mang-akbay. Haiist.

"Aakbay lang eh. Kinikilig ka lang kasi.(^_______^)" Ngumiti siya ng malapad na parang nang aasar.

"In your dreams! Bakit naman ako kikiligin kung may umakbay sakin na may mabigat na braso? FYI, may boyfriend ako noh! Bleh!" Ngumiti ako ng palihim.

"Sino ba kasi yang so-called-boyfriend of yours? Mag-iisang buwan ko ng tinatanong yan sayo. Di mo man lang ipakilala sakin. Ganyan na ba ang mag-bestfriend ngayon? Naglilihiman? Psh :3"

"Hoy Lance Adrianne Fajardo, wag ka ngang ngumuso. Panget mo."

"Hoy Alexa Marie Delos Santos, ako? .. Papanget? Sus! Di uso sakin yun noh. Wala nga sa vocabulary ko yun eh." Proud pa niyang sabi. Ang yabang lang.

" Ang hangin naman dito. Tss. Feeler!."

"Gwapo naman ~wink~" Ugh. Annoying talaga to. But totoo din naman yun. Gwapo, maputi, matangkad, lahat na ata ng perfections nasa kanya na. Kahit lamok at iba pang insekto, nahihiyang dumapo sa balat niya dahil sa kinis nito. Maski isang pimple, ayaw tumubo! Minsan nga naiisip ko kung tao ba talaga 'tong bestfriend ko o robot. Tss. =___=

Ako? Eto mukha namang tao kahit papaano. Whaha. Hindi naman ako maganda pero hindi din naman panget. Sakto lang. Yun lang.

"Yabang. Psh!" Inirapan ko siya.

Nauna akong maglakad sa classroom namin. Yes, classmate ko siya. And he's my seatmate. How great right? 3rd year na kami. We're on the same age, kaya nga magkaklase kami eh. Ano ba yan Alexa, uso gamitin ang utak. Oh well, our parents are close to each other kaya no doubt kung bakit ang FC ng lalaking 'to. Haha!

Pag karating namin sa classroom dumiretso agad ako sa upuan ko. Siya? Ayun nakipagdaldalan pa. Boys will be boys. Maya-maya dumating na si ma'am at mukhang badtrip. Uh oh, terror side. Nakalimutan ko, katabi ko pala si Lance. At for sure kukulitin nanaman ako niyan. Nagdisscuss lang si maam ng kung anu-ano. Wala naman akong maintindihan kaya matutulog ako pero saglit lang.

"Huy Alexa!"

O___O Kiniliti niya ako sa tagiliran na dahilan ng pagkagulat ko.

"WHAT?!" Pabulong kong sigaw. Sinamaan ko siya ng tingin dahil ngumiti lang. -___-

"Really Lance? Kiniliti mo ko for me just to see you smile? Are you out of your mind? Uggh!" Buti nalang at di ako napatili. Baka mamaya lumabas ang monster side ni maam pag nalaman niyang di ako nakikinig and worse is natutulog ako(^.^)v.

"Pfft!..Hahaha! Yung... yung m-mukha mo.. Hahaha! Pricele- Aray ! Binatukan ko siya. Hinawakan niya lang yun habang nagpipigil ng tawa.

"Che! Tigilan mo nga ako! Di ako clown para pagtawanan mo." Sinubsob ko nalang ulit yung ulo at natulog :D Buti nalang di kami napapansin ni maam kasi sa may likuran kami nakaupo \m/

~Riiiiiinnnggg!~

Nagising ako ng marinig ko na nagbell na. Recess na pala O.O Ibig sabihin ... TWO HOURS AKONG ... NAKATULOG? Omyy. Tinignan ko yung katabi ko. Tulog rin, kaya naman pala tahimik. Inayos ko yung ang ibang gamit na nagkalat sa desk ko at ginising ko siya.

"Huy Lance ... Lance" No comment.

~pokes harder~

"Laaaaaaaaaaance!" Niyugyog ko na, wala parin. Tulog mantika.

~pokes harder~

"Huy Lance, gumising ka na. Break na natin oh." As expected, wala pa rin -__-

Binatukan ko siya. Nabigla naman siya sa ginawa ko kaya nagising.

"Aiish! Natutulog yung tao oh. Amazona!" Aba! Siya pa ang nagalit.

"Pasalamat ka nga ginsing pa kita. Baka matapos na yung break natin tulog ka parin. Ikaw na nga 'tong ginsing, ikaw pa 'tong galit. Hmp! Matulog ka na nga lang ulit." Tumayo na ako at lumabas ng clasroom.

Narinig kong tumakbo siya palapit sakin at inakbayan ako. " Gusto mo lang ako kasabay eh. At tsaka alam ko naman na mamimiss mo lang ako pag di tayo magkasabay ng ilang minuto. Baka nga di ka pa makakain sa pagiisip mo sakin eh." Then he flashed his killer smile that can make other girls drool.

"STAHP! Ang feeler mo talaga. Super. Tigilan. Nakakakilabot. Tsaka sabing wag mo akong gawin sampayan ng braso mo. " Pinipilit kong tanggalin pero useless. Sabi ko nga, malakas siya -_-

"Gusto mo naman. (^_____________^)"

"A-S-A"

"Kilig ka eh. Haha.. Dine-deny pa. Tss."

"Hindi nga sabi eh. Ang kulit mo. Tsaka-"

"Tsaka may boyfriend ka na.Yeah yeah, Blah blah blah. Ilang bese mo na bang nasabi sakin yan? Di ko nga alam kung totoo o imaginary lang yun kasi hanggang ngayon, di mo parin pinapakilala sakin yun. Hahaha!"

May boyfriend naman kasi talaga ako. Actually magiisang buwan na kami. Di ko pa talaga napapakilala yung boyfriend ko kay Lance. Isa lang naman ang dahilan kung bakit di pa niya nakikita yun ay dahil ...

Kahit kaming dalawa...

HINDI PA NAGKIKITA.

~

Part 1 done ! =)) May kasunod pa yan ah. ! Hahaha =))

Watcha' say guys? Comment po kayo or message me.=))

Hope you'll enjoy !

~ Kitkat

Cellphone [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon