Part 4

693 14 4
                                    

ThankYouu sa cover :">

~~~

Naglalakad ako papunta sa classroom. Hindi ko na napapansin yung mga schoolmate ko na nabubunggo ko na and for sure pinagtitinginan na nila ako -__-. Hanggang ngayon lutang parin ako sa nangyari kagabi.

~BLAG~

Dahan dahan kong inangat yung ulo ko. "Ah Lance ikaw pala. Sorry ah" Pagkasabi ko, naglakad na ulit ako.

"Huy Alexa, ok ka lang ba? Parang puyat na puyat ka ah. Ano bang ginawa mo kagabi at hindi ka nakatulog?" Paano ako makakatulog kung hindi ako makagetover sa paguusap namin ni Gab. Dagdag mo pa yung panaginip ko.. ay mali, NIGHTMARE pala... kasama ang antipatikong Gabriel yun.

"Ah w-wala. Binangungot kasi ako kagabi. May halimaw daw na palapit ng palapit sa akin."

"Hala! Anong klaseng bangungot naman yun. Osya, sabay na tayo sa classroom." Tumango ako at sumunod sa kaniya. Palapit na kami sa classroom ng bigla naming nakasalubong si Gabriel mula sa opposite side ng way. Siguro dun siya dumaan sa gate 2. Like I care, naiinis parin ako sa kanya. Pinagsayang niya lang ako ng laway, gabi pa ako nakauwi. At ang masaklap, napanaginipan ko pa siya. Arrghh. Inirapan ko nalang siya at dire-diretsong pumasok sa loob.

"I smell something fishy" Kasalukuyang nagtuturo si maam nang biglang magsalita si Lance.

"Oh shut up Lance."

"What? Talaga naman eh. Whahaha" I glared at him. "Okay, okay I'll stop. Pero bakit mo siya iniiwasan kanina? Anong nangyari kahapon?"

"Hay nako, kung alam mo lang. Grr."

"Kayo na ba?"

"WHAT KIND OF QUESTION IS THAT LANCE? HINDI KAMI, HINDI MAGIGING KAMI NI GABRIEL WHY? BECAUSE I HATE HIM!!"Nagtakip ng tenga si Lance habang nakangiti. AAAAAAAHHHHH! Napalakas ang sabi ko.

"Uh oh. Oo..pps. S-sorry"

"What about Gabriel, Ms. Delos Santos? Is there something wrong with him? May nangyari bang masama kahapon kaya nagagaliy ka sa kanya?"

"Ah.. eh.. maam.. w-wala naman po."

"Yiiiiiiieeee" Epal. -________- Di ko na sila classmates :"((

"Attention seeker. Tss." Sinamaan ko ng tingin si Gabriel. Minsan nalang to magsalita, mangaasar pa. Sana naging pipi nalang siya. Arrrrgggghhhh.

"We're waiting Alexa" Epal talaga 'tong Lance na to.

~Riiiiing~Riiiiiing~

Saved by the bell. Yes! Whoooo! Buti nalang. Muntik na ako dun ah. Tsaka wala namang dapat sabihin diba? Tss.

"I guess luck is on Ms. Alexa's side. That's all for today. Goodbye class."

~Break time~

"Huy Alexa"

"Ay kabayo. Kung mangulat naman 'to oh. Ano bang kailangan mo ha?"

"Nakonako, May Gabriel ka lang kinalimutan mo na agad ako. Tss" OMYYY. Kilala niya si Gab?! How come?

"YOU KNOW GABRIEL? HOW ? WHEN? WHERE? WHY?" I-I can't believe this. Di ko naman nakukwento sa kanya si Gabriel ah.

"Uh yes. Baka kasi classmate natin siya. Take note, NATIN, means classmate mo rin. What wrong with you?" Ayyyy... Oo nga pala -____- Masayado ko na siyang iniisip. Muntik pa akong mabuko. Tsktsk.

"Ah.. eh.. hehehe. joke lang. Syempre kilala ko yun noh." Palusot!

"Tsk. Kumain ka na nga lang. Gutom lang yan." At ngumiti siya sakin.

Cellphone [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon