Part 2

844 18 7
                                    

[ Updated! =)) For you po =)) ]

~

"A-anong sinasabi mong.. i-imaginary? Totoo siya noh!" Myghaad. Bakit nauutal ako? >.<

"Eh bakit di mo parin siya napapakilala sakin?" Tanong niya.

Nandito kami ngayon sa canteen. Bumili lang ako ng pizza at iced tea. Tipid ako ngayon -_-. Mahirap talaga pag walang pera. Haaist.

"Ah... eh ano kasi.." Isip Alexa! Go! Kaya mo yan.

"B-busy siya. Oo, tama! Busy siya. School works a-and stuffs."( >__________<) Inunahan ko na siyang umupo sa upuang bakante para hindi na niya makita ang itsura ko. Parang ang init kasi ng mukha ko sa kahihiyan.

"Ahh" Tumango tango siya ng dahan-dahan. "B-busy pala. Pfft!" Tinignan ko siya ng masama dahil narinig ko nanamang nagpipigil siya ng tawa. Aasarin nanaman ako nito eh. Arggh! Bakit pa kasi yun yung reason ko?... Pero okay na rin yun kesa naman wala diba?

"Alexa, diet ka?"

"Ha? Hindi naman. Bakit?"

"Eh bakit yan lang yung binili mo?" Bumili kasi siya ng kung anu-ano.Fries, pizza, coke, at iba pang pagkain. Gutom masyado. Psh!

"Ah, ganun ba? Nakakawalang gana kasing kumain eh. Lalo na't andito ka."

"Tss. Ewan ko sayo!" Nabadtrip pa. "Bahala ka sa buhay mo." At nag smirk siya.

"Hahaha! Tampo ka na nyan? xD" Biglang tumahimik ang buong canteen ako tumingin sa akin. Oooppss. Wrong move. Ugh. Yan nanaman ang famouse glares and stares ng mga dakilang FANS ni Lance. Yep, May fansclub yan dito sa campus. Ang sasama ng tingin ng mga babae dito, kasama mo ba naman kasi yung heartthrob. Oh well, MAMATAY SILA SA INGGIT. Whahaha!

"Uh.. eh.. sorry? (^.^)v" Kung nakamamatay lang talaga yung mga tingin nila sa akin, for sure, naaagnas na ako.

"How dare her to treat our prince like that?"

"Yeah right. She's not even beautiful and pretty enough para magkagusto sa kanya si Prince Lance noh. Mas maganda pa nga ako sa girlalu na bruha na yan. "

"I bet slave yan ni Prince Lance, mas bagay naman kasi talaga sa kanya ang maging katulong." At nagtawanan sila.

Hindi ko na sila pinatulan. Tinuloy ko na ang pagkain ko ng pizza. Wala rin naman akong mapapala kung lalapitan ko sila at hahamunin. Haiiist. Bakit ba kasi heartthrob 'tong kasama ko-_- . Kasalanan ng kutong lupa na 'to kaya ako binu-bully . Pssh!

"Pffft. Hahaha." Narinig kong tumawa si Lance. Kahit mahina narinig ko yun noh. "Slave. Haha" Aba! Isa pa 'to. Kala ko naman ipagtatanggol ako. Help me Lord T.T . Sinamaan ko siya ng tingin. Kumuha ako ng isang fries at binato ito sa mukha niya.

"Slave pala ha! Ewan ko sayo" Kumuha pa ulit ako at binato ulit ito sa kanya.

"Wag ka ngang mag-aksaya ng pagkain. Alam mo bang maraming nagugutom ngayon." Kala mo naman kung sinong mabait. Nagbabait- baitan lang naman 'to palibhasa pasikat.

"So? Pag kinain ko ba 'to mabubusog sila, ganun? Tss."

~Riiiiiiiiing~

"Bahala ka sa buhay mo! Ang gulo mong kausap" Kumuha siya ng fries at binato ito sa akin. Tingnan mo, siya nagsabing wag ko daw sayangin yung pagkain, marami raw nagugutom pero nag-aksaya din siya. Hmpp. Ang gulo niya >.<

Time check: 4:00

Uwian na.Inayos ko nalang ang gamit ko para makauwi na ako. Wala namang masyadong nangyari sa araw na ito. Normal lang. Wala parin akong naiintindihan sa mga lessons namin, lalo na sa Math. Sinayang ko lang ang ilang oras ko sa pagpasok sa school. Kung hindi sana ako pumasok edi sana natutulog lang ako o kaya... katext ko siya.

Cellphone [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon