Goodmorning world! Goodmorning sunshine! Goodmorning beautiful me! (weeh?) ahahah! umagang umaga palang hyper na hyper na ako! excited kasi ako sa araw nato dahil birthday lang naman ng aking bff na si Hana! :D
Hehe, tatanda na naman sya ng isang taon, as in tatanda naman sya at heto ako still batang bata parin, baby face ba..hehe.as in mas matanda na sya sa akin ngayon! (evil laugh) haha. pero joke lang yun, excited kasi ako sa gift na ibibigay ko sa kanya, alam kung magugustuhan nya ito, mahilig kasi itong mag beach si Hana, kaya ang gift ko sa kanya ay maraming maraming swimwear! ^_^
Mga two piece at one piece! mahilig kasi yung loka na yun mangoleksyon ng mga swimwear, syempre naman mahilig syang magsuot ng mga ganun pag mag su-swimming kami, ok lang naman kasi ang sexy nun! yung mapapatingin ka talaga sa kanya, lakas kasi ng sex appeal ng babaeng yun! at ako? heck noh?! mahiya naman ang mga baby fats ko sa ka sexyhan ng kaibigan ko noh! pero syempre joke lng din yun! super sexy ko kaya! alam nyu naman same feathers flock together, syempre kaya lahat kami ng kaibigan ko magaganda at sexy! woooh! itaas ang bandera namin! ^____^
Haha.di ko lang talaga carry mag suot ng mga sexy na swimwear ayokong may makakita ng aking kasexyhan. gusto ko kasi itong e preserve at gusto kung ang unang unang makakita sa super sexy kong katawan ay ang magiging labidabs ko! haha. teka, daldal ako ng daldal hindi ko pa pala napapakilala ang sarili ko, ako nga pala si Aliyah, MAGANDA, SEXY, MAKULIT, MABAIT at childish daw sabi ng barkada, eh paki ko bah! tssss. basta mas makikilala nyu pa ako, soon :)
So, balik na nga sa story, bago ako maligo gagawin ko muna ang aking everyday gawain pagbabangon nako, 'turn on rock music, maximum volume.at tadaaa! super ingay na ng kwarto ko ngayon, at heto ako. sayaw ng sayaw. pampagising sa medyo nahihimbing ko pang diwa, ng..
*tok, tok, tok...
maid1: Princess Aliyah, ano po bang nangyayari dyan? ok lng po ba kayo?
maid2: parang hindi yata ok si Princess Aliyah, para kasing may gyera sa loob eh!
maid3: ano ba naman kayo, ritual lang yan ni Princess, kada umaga para namang hindi pa kayo sanay.
maid4: pero kailangan na nyang bumaba kasi naghihintay na yung mga kaibigan nya sa baba..
Aliyah: (naku2, ito talagang mga miss nato, atat na atat, oo nga pala ayaw ko kasi tawagin silang maids ayaw ko ng ganun kaya miss ang tawag ko sa kanila ^_^
tssssk. pakibuksan na nga ng pinto at bibiglain ko. haha (evil laugh) ) Hello mga miss, Goodmorning! :D
maid1234: Ahh, hehe. GOODmorning din sayo Princess Aliyah! ^_______^
Aliyah: (at in chorus pa talaga? haha.heto na naman tayo sa pangaral) haha, naku wag nyu na kasi akong tawaging Princess, Aliyah nalang kasi...
maid1: Pero Princess, yan po dapat ang itawag namin sayo bilang paggalang namin, at tsaka pag tinawag namin kayo sa inyong pangalan lang at marining kami ng mayordoma. patay kami dun!
Aliyah: So mas makikinig pa kayo sa mayormda kesa sa akin? -.-
maid1: ah. hehe. hini naman po sa ganun. -.-
Aliyah: (smiles) Sige ganito nalang mga miss, pag tayo tayo lang at wala si mayordoma, dapat Aliyah lang ang itawag nyu sa akin ok? last na talaga toh, tssk. i hate formalities kasi. :)
maid1234: Ok Miss aliyah! :D
Aliyah: ano ba yan, wala na ngang Princess pero may miss pa din, pero pagbibigyan ko na kayo, miss nalang itawag nyu sakin kesa princess :)
maid4: Ok miss Aliyah, pagkatapos nyu dyan baba na po kayo kasi naghihintay na po yung ibang kaibigan mo.
Aliyah: ano ba yan, mas excited pa sila sa akin! haha, Sige, pakisabi nalang sa kanila. malapit na kung matapos, at kapag iniwan nila ako uupakan ko talaga sila, pakisabi din nun! :)