(MUST READ EVERY WORD)
Alam kong marami pa kayong katanungan at hindi maintindihan sa Clan na ito dahil bago pa lamang ito. Kaya sa abot ng aking makakaya ay ipapaliwanag ko po sa inyo ng maayos ang mga napagkasunduan namin ng mga co-admins ko.
Baka nakukulitan na po kayo sa akin dahil update ako ng update ng kung anu-ano tapos hindi pa sinisimulan ang activity. Sorry for that. Since kakaibang clan ito dito sa Wattpad at 'di niyo pa maintindihan ang mga maaaring mangyari dito, gusto ko lang maging malinaw ang lahat bago tayo magsimula.
So, ito po ang mga napagkasunduan namin.
Q & A Corner
1. Ano ang magiging Activity?
Ang magiging activity lamang po ng club na ito ay ang STORY FEATURING. Kung saan every week magkakaroon ng story mula sa mga member (kasama na rin ang mga admins) na co-comment-an, ivo-vote, at babasahin ng lahat ng narito sa clan.
2. Ilang story ba ang mafi-feature in a week?
Isa o dalawang story po lamang.
1 story lang kung ang naka-line up na story ay masyadong mahaba ang parts.
2 story naman kung ang nakaline-up ay maiikli lamang ang mga parts.
3. Deadline ng activity.
One week lamang po to finish the featured activity. Para naman hindi masyadong matagal na maghihintay ang mga naka-line up na stories. Pero kapag sobrang haba talaga ng story lalo na kapag completed na ay baka 2 weeks to finish.
4. Sino ang OBLIGADONG gumawa ng activities?
LAHAT. LAHAT po ay OBLIGADONG MAGPARTICIPATE sa activity INCLUDING ADMINS. dahil kasama rin ang stories ng mga admins ay kasama rin sila sa mga members na gagawa ng mga tasks. At ang bawat author na mapipiling gawa ay obligado ring magreply sa mga comments ng mga members sa story mo.
5. Gagawa rin kayo ng report. Anong report?
Ang bawat member na nakatanggap ng suporta sa activity ay kailangang mag-comment at magbigay ng feedback sa SURVEY CORNER para malaman din naming mga admin kung ano ang masasabi niyo tungkol sa activity as you experience having flood reads, votes, and comments na support sa story niyo.
6. Ano po ang gagawin?
Ang gagawin lamang po ng lahat ay babasahin, ivo-vote, at co-comment-an ang bawat chapters ng story na mafi-featured. Iyong may mga makabuluhang comments lamang po. Madali pong malalaman kung binasa niyo o hindi ang story base sa comments niyo. At ang mga MATA ng mga Admins ay mai-scan agad yan. And we'll give warnings to that.
7.Paano magkakaroon ng line up na walang lamangan o paboran?
Sa unang activity, kung sino po sa inyo ang unang makatapos ng task ay siyang susunod na mafi-feature ang story. Sunod-sunod na po 'yan para fair. Kaya kailangang gawin niyo ang inyong task dahil dito nakabase ang line up.
8.Paano pala kapag tapos na ang story na ma-featured pero on going pa siya?
Don't worry po. Kasi kapag on going pa ang story mo at tapos ng ma-featured, mailalagay po 'yan sa isang corner kung saan ii-store ang lahat ng ongoing na tapos na sa activity. At doon po kayo maga-update kung may mga bago ng parts sa story niyo na nadagdag. At magkakaroon po tayo ng "Special Week" para muling pagtuunan iyon ng lahat.
9. Kailan matatapos ang pagsuporta ng bawat isa sa story?
Kapag COMPLETED na po ang inyong story. Saka lamang ito titigilan ng Clan.
10. Paano pala kapag may member na tapos ng ma-featured ang story tapos hindi na magparamdam at hindi na rin gagawa ng mga task?
Ilalagay po namin ang UN ng member na ito sa DETENTION CORNER kung saan maaari pa siyang bigyan ng pagkakataon para bumawi sa di nagawang task. Pero kapag talagang umabot na sa limit na walang paramdam at all, ilalagay ang UN niya sa BLACK LISTED MEMBERS ng clan. Para magtanda at mapahiya. Ban na rin siya sa clan dahil ginamit lamang ang clan para sa pansariling kagustuhan. Kinasangkapan lang ang clan para maka-gain ng support.
Napaka-Unfair po nito kaya kung magiging busy kayo lagi niyo kaming ii-inform. Madali lang naman po kaming umintindi.
Marami kaming chances na puweding ibigay.
11. Give and Take.
Magbigay. Para po suportahan ng bawat isa ang inyong story ay marapat lang na marunong ka ring sumuporta.
Take. It is always Worth the Wait 'ika nga nila. Wag po tayong maiinip kung medyo matatagalan pa na ma-featured ang story mo kahit full support ka naman palagi sa mga ka-member mo dito sa clan. Dahil darating din po kayo d'yan. At habang tumatagal ay lalo pang madadagdagan ang ating mga members kaya lalo pang dadami ang supporters ng story mo.
12. Walang ibang gusto ang mga admin kundi ang pagkakaroon ng DISCIPLINE.
Ayan masyado na pong mahaba ang litanya ko. Sana po nasagot ang ilang mga katanungan niyo. Kung may hindi pa po ako nasagot, comment down lang po kayo ng mga questions niyo and we'll try to answer it. Thank you!
-Admins
BINABASA MO ANG
WATTPAD CLAN - Active But Not Accepting As Of The Moment
SonstigesA Clan. A Family. And a Home for both Wattpad FILIPINO WRITERS and READERS. Baguhan ka bang manunulat dito sa Wattpad? O matagal ng manunulat pero hindi parin mabigyan ng hustong pansin ang inyong mga gawa? Gusto mo bang magkaroon ng pamilya na sus...