Heto na naman po kame at maglilitanya na naman. Pasensya na po ng marami, kailangan lang talaga naming ipaalam ang importanteng bagay na napag-usapan naming mga admin.
Again, may changes na naman. Pero last na po talaga ito. We promise.
Warning: Medyo madugo po ang chapter na ito at kailangan naming mag-comment ang lahat ng members pagkatapos mabasa ito.
1. Cut off
Yes. We decided to put a cut off para sa batch 1 ng Clan. Dahil naisip namin na magiging complicated po ang activity kung patuloy ang pagtanggap namin ng mga members while the activity is on going. Kaya para maging fixed and proper, magkakaroon po tayo ng cut off.
2. Kailan po ang Cut Off?
By tomorrow evening. At exactly 11:59pm.
3. Start of the activity.
The day right after the cut off.
4. Paano malalaman kung kasali ka sa cut off ng batch 1?
Pagkatapos ng madugong litanya ko dito, kailangan niyong mag-confirm kung talagang sasali kayo o hindi.
5. Paano ang basehan ng Line up?
First come, first served parin according sa form niyo. Pero ang HINDI mag-CONFIRM automatic hindi makakasali.
6. Story Entries.
Kailangan po ng tig-dadalawang stories. On going or completed. BAWAL na rin po ang mga ONE SHOT stories.
Sa mga nag-fill up na ng form at may tig-iisang story lang, PLEASE make it 2. Pero kung wala talaga kayong ibang maibibigay, okay lang. Basta willing kayong gumawa ng mga task.
Sa mga may 1 shot stories, PLEASE paki-palitan ng on goings or completed stories.
7. Limitations for the story entry.
Tinatanggal na po namin ang lahat ng ipinagbabawal. Kahit may SPG ay accepted na. Dahil hindi ginawa ang Clan na ito for discrimination, kailangang ang bawat members ay maging OPEN-MINDED. Bahala na lang po tayong mag-adjust sa story na may restricted parts. Anyhow, magbibigay parin po ako ng warning sa bawat post kung saang chapter ang may ganoong tema. Para mapaghandaan niyo po.
8. For Foreign Member.
Since, hindi namin matanggihan ang disidido talagang sumali, FYI, may isa po tayong foreign member. So, what you gonna do with their stories ay pure votes lang. Dahil iyon lang din naman ang makakaya niyang ibigay, since 'di sila maka-intindi ng Tagalog.
8. Back out
Para sa mga gustong mag-back out, ngayon pa lang mag-back out na kayo kung hindi niyo kayang gawin at sundin ang mga rules ng clan. Hindi po kami namimilit dito. Dahil ang kailangan lang po namin dito ay ang mga members na may ISANG SALITA, may DISCIPLINE, TIYAGA, PAGTITIMPI, at marunong UMINTINDI.
At kung nakasali na kayo sa cut off ng batch at gustong mag-back out, 2 lang ang reason para payagan namin kayo.
Una, kung idi-delete niyo na ang account niyo sa Wattpad.
Pangalawa, kung isang taon kayong mawawalan ng connection ng internet.
Pero kung on going na ang batch 1 at hindi pa naman na-feature ang stories niyo, puwede pa kayong mag-back out. But once na nagawa na ang task sa stories niyo at saka niyo gustong umalis sa clan, asahan niyo ng mapapahiya talaga kayo. Sa BLACK LIST ang bagsak ng UN niyo with matching screen shot ng account niyo.
Hindi po kami demanding. Gusto lang namin ng may disiplina at isang salita.
9. After Batch 1
Sa mga old members ng clan, puwede pa po kayong sumali sa 2nd batch. Pero ibang stories na ang ipapasok niyo.
Ibibigay naman po namin ang lahat ng aming makakaya para intindihin ang nga explanations niyo. We'll give you all the posible chances.
10. For All
Kung sa tingin niyo pong kaya niyong gawin ang lahat ng mga napag-usapan natin sa rules and regulations, PLEASE CONFIRM RIGHT AFTER YOU READ THIS PART. Dito na rin kayo mag-confirm.
Just comment down. "ENGAGED TO THE CLAN" (again, think twice before engaging).
"A Road to Success" po ang tema ng ating Clan at kita niyo naman sa book cover na zigzag ang road. Ibig sabihin hindi madaling umangat at magtagumpay. Kailangan ng matinding PATIENCE at COMMITMENT.
Confirm na po kayo para makapag-simula na tayo ng activity. Ito na po ang last warning namin. Sana malinaw na ang lahat.
BINABASA MO ANG
WATTPAD CLAN - Active But Not Accepting As Of The Moment
RandomA Clan. A Family. And a Home for both Wattpad FILIPINO WRITERS and READERS. Baguhan ka bang manunulat dito sa Wattpad? O matagal ng manunulat pero hindi parin mabigyan ng hustong pansin ang inyong mga gawa? Gusto mo bang magkaroon ng pamilya na sus...