Hello po sa lahat! Happy Weekend!
We just wanna give reminders po sa lahat ng mga hindi pa nakakagawa ng kanilang mga task sa ating First Activity. Malapit na po ang Deadline.
And again, we'll still move to the next featured story kahit hindi pa kayo tapos sa task. Deadline is Deadline!
Ang lahat ng members na hindi makakagawa ng task sa itinakdang palugit ay malalagay sa DETENTION PAGE ng Clan. Kung saan, puwede kayong mag-explain kung bakit hindi niyo nagawa ang task. At bibigyan pa namin kayo ng ilang araw para tapusin ang task.
I told you, mababait po kaming mga Admins dito kaya papahintulutan pa namin kayong mag-participate sa susunod na activity kahit nasa Detention Page pa kayo. Dahil kapag natapos niyo ang lahat ng mga task ay ibabalik namin ang slot niyo na na-pending sa line up.
Pero! Pero kung hindi niyo parin ginawa ang task niyo pagkatapos ng 2nd Chance na ibibigay namin sa Detention Page, SORRY again, but we need to REMOVE you from the Clan.
As long as hindi pa nalalagay sa BLACK LIST ang UN niyo ay may chance pa kayong sumali sa mga susunod na batch ng clan kahit natanggal na kayo sa 1st Batch. Make it sure lang na kaya niyong manindigan. We'll give all the chances na kaya naming ibigay sa inyo. Pero may limitations din po kami. Kapag dalawang beses na kayong napaalis ng Clan, there's NO MORE 3RD CHANCE.
Kapag nalagay naman ang UN niyo sa Detention Page at kayo na sana ang nakasunod sa line up, SORRY pero mapi-pending ang pag-feature ng story mo. Ifi-feature namin ang story ng person na dapat sana'y nakasunod sa'yo. Para fair naman po sa mga gumawa ng task.
Alam niyo na kung sino ang mga susundan niyo sa line up kaya better watch out!
Kung kayo na po ang susunod sa line up at hindi niyo natapos ang activity before or on deadline, mamo-move po ang line up niyo at iyong nakasunod sa inyo sa line up na nakatapos ng task ay siyang susunod naming ifi-feature ang story.
Hindi ko na papangalanan isa-isa kung sino pa ang mga hindi gumagawa ng kanilang mga task dahil marami-rami pa talaga.
WARNING lang! Alam ko po kung sinu-sino kayo. Kaya basa-basa na rin kayo kahit ilang chapters lang sa isang araw matatapos niyo yan!
Masyado po akong maraming ginagawa para palagi kayong i-remind sa mga task niyo. Nag-CONFIRM kayo sa Clan sa pangalawang pagkakataon na nagtanong ako sa inyo kung makakaya niyong sundin ang mga rules and regulations dito kaya kayo nasali sa First Batch.
Mga Anak naman, kailangan po natin ng Isang salita at disiplina dito.
Hindi po ako nagagalit. Alam kong mga busy rin tayo pero sana lang po matapos nating lahat ang task. Okay?
Happy Sunday!
Godbless us all!
BINABASA MO ANG
WATTPAD CLAN - Active But Not Accepting As Of The Moment
De TodoA Clan. A Family. And a Home for both Wattpad FILIPINO WRITERS and READERS. Baguhan ka bang manunulat dito sa Wattpad? O matagal ng manunulat pero hindi parin mabigyan ng hustong pansin ang inyong mga gawa? Gusto mo bang magkaroon ng pamilya na sus...