Marami sa atin dito ang mga magagaling na manunulat pero hindi mabigyan ng pansin ang ating mga akda dahil hindi tayo sikat o famous. Dahil kakaunti lamang ang ating mga reads at votes.Marami rin sa atin ang mga baguhang manunulat na sumusubok na gumawa ng kuwento kahit hindi sila bihasa at 'di ganoon kagalingan. Pero nagsusumikap na matuto dahil ito ang kanilang gusto.
Marami rin sa atin ang mga manunulat na may matataas ng reads at votes pero halos wala o kakaunti lamang ang comments or reviews sa kanilang akda. Dahilan para mawalan tayo ng ganang ipagpatuloy.
At alam kong marami na rin sa atin ang nag-UNPUBLISHED ng kanilang akda dahil sa mga kadahilanan katulad ng:
•Walang nagbabasa o pumapansin kahit na may katagalan na ito sa works list mo.
•Dahil napaulanan ito ng mga bashers o masasamang kumento mula sa ibang mga walang pakundangang manunulat.
•At higit sa lahat, dahil pakiramdam mo ay nawawalan ka na ng pag-asang ipagpatuloy dahil wala namang tumatangkilik. At walang mga mambabasa ang nagmo-motivate sa'yo o nagbibigay inspirasyon para tapusin ang iyong akda.
At napakarami pa ring dahilan para magpatuloy tayo. Para hindi tayo sumuko.
Isa na roon ang Clan na ito.
(Para lalong maintindihan, basahin po ang layunin)
BINABASA MO ANG
WATTPAD CLAN - Active But Not Accepting As Of The Moment
AcakA Clan. A Family. And a Home for both Wattpad FILIPINO WRITERS and READERS. Baguhan ka bang manunulat dito sa Wattpad? O matagal ng manunulat pero hindi parin mabigyan ng hustong pansin ang inyong mga gawa? Gusto mo bang magkaroon ng pamilya na sus...