Chapter 2

2.9K 83 7
                                    

kakagaling lang ni Travis sa school.

sinundo siya ng kanyang school bus.

as usual, wala ang mga magulang niya sa bahay nila pagdating niya.

sinalubong kasi siya ng kanyang yaya.

dirediretso nalang siya sa kanyang kwarto.

"travis kakain ka ba? may cake sa ref" ang sabi ng yaya niya.

pero hindi niya ito sinagot.

nilock niya ang pinto.

nilapag niya ang mga gamit niya sa kama at binuksan ang TV.

palipat lipat siya ng channel at pinatay niya.

wala rin kasing magandang palabas.

nahiga siya sa kama at pumikit.

"Psst." narinig niyang may sumisitsit.

pero hindi niya pinansin dahil baka panaginip niya lang iyon.

"psst." "psst."

aba may sumisitsit talaga eh.

minulat niya ang mga mata niya at nilingon ang pinanggagalingan ng boses.

si annika.

kinusot niya ang mga mata niya.

"hindi, hindi. nananaginip lang ako." at pinikit niya ulit ang mata niya.

hindi niya alam pero, there is something within him na hindi niya magawang kalimutan ang mukha ng nakita niya.

maya-maya may biglang yumuyugyog sa kanya.

"uy!! wag mo akong tulugan."

"ano ba?" napabalikwas siya.

dahil dito nagkalapit ang mukha nilang dalawa.

Im inlove with my Guardian Angel ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon