Chapter 19

1.6K 38 4
                                    

sorry for the loooooooonnnnnnggggg wait :))

hahahaha

may tinapos lang akong story :))

owkie atin nang tapusin at muling subaybayan ang kanilang pag-iibigan

NAKS!!!

oh basa na :D

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

halos mapatakbo si jenny sa nakita pagbukas ng gate. isang lalaking naka business attire ang nakita niya. pero, hindi lang isang ordinaryong lalaki ang nakita niya. para kasing dalawa ang katauhan niya. nagulat siya dahil biglang lumabas ang mukha ng lalaking may pakpak na nakita niya kagabi.

"sandali!" halos mamutla si jenny dahil nagawa siyang hawakan ng lalaki.

"matutulungan kitang alalahanin ang lahat ANNIKA." sa hindi malamang dahilan, ay parang nahipnotismo si jenny. pumasok silang dalawa sa bahay.

unti unting lumapit si brandon sa kanya. kailangan niyang maalis ang mga alaala ni travis sa kanyang memorya para tuluyan na niyang makalimutan ang binata.

nagulat na lamang siya nang makaramdam siya ng mahigpit na pwersana bumabalot sa katawan niya.

"hindi ka talaga patas lumaban brandon." napilitan si brandon na ilabas ang tunay niyang anyo. unti unting tumubo ang mga pakpak niya. nakita niyang kay donna nanggagaling ang pwersa na humahawak sa kanya.

"akala ko ba walang kapangyarihan ang mga guardian devils na katulad niyo? tsk. tuso talaga ang mga demonyo." inagis ni donna si brandon sa kung saan. nilapitan niya si jenny na tulala parin. halatang nasa ilalim parin ito ng kapangyarihan ni brandon.

"ganyan ka ba kasakim ha brandon?! bakit ba hindi mo magawang maging masaya nalang para kay annika?! kung mahal mo siya, hahayaan mo siyang maging maligaya." nakita ni donna na nakatayo na si brandon na para bang walang nangyari.

"nilalayo ko lang si annika sa kahibangan niya. hindi nila magagawang ipaglaban ang pagmamahal na yan!! imortal na siya."

nilapitan ni donna si brandon. "nagawa na nila brandon. naipaglaban na ni travis si annika. ginawa na ni annika ang parte niya. kaya siya nagbalik dito sa mundo para kay travis. ISANG BAGAY NA HINDI MO NAGAWA!" napatakip ng bibig niya si donna. bigla ding tumulo ang mga luha niya.

"a-anong ibig mong s-sabihin?!" hinawakan ni brandon ang magkabilang balikat ni donna. "ANONG NALALAMAN MO?!" niyugyog niya si donna.

"MAHAL KITA BRANDON." natigilan si brandon sa narinig. "hahahaha. b-baliw ka na ba? i-isa kang d-demonyo! hindi ka maaaring umibig sa akin!" sagot nito sa kanya.

"bakit sinabi ko bang mahal kita dahil warrior angel ka?! minahal kita nung tao ka pa!" hinawakan ni donna ang noo ni brandon. alam niyang kasalanan na ibalik ang alaala ng isang anghel o demonyo, pero handa siyang hamakin ang lahat para lang kay brandon.

biglang bumalik sa mga alaala ni brandon ang lahat. bigla siyang natauhan at sa hindi malamang dahilan, parang hindi na magawang makilala ng puso niya ang pangalang annika. namuo ang poot sa puso niya para sa demonyong kaharap niya. pero, sa maliit na porsyento ng puso niya, para bang sinasabi nito na patawarin siya sa lahat ng naging kasalanan ng ama.

"harvey!!" biglang pumasok si travis. nakita niya si harvey na nakatutok ang espada kay donna. (A/N: ang katauhan ni harvey ang nakikita ni travis dahil hindi siya imortal. gets?)

napansin din ni brandon na tulala si jenny sa kanyang kinauupuan. nilapitan niya ito at niyuyugyog para bumalik ito sa katinuan.

"ANONG GINAWA MO SA KANYA?!" galit na tanong ni travis kay harvey. "ibalik mo siya sa dati!!!" akmang susuntukin ni travis si harvey pero a gad itong nakaiwas.

naguguluhan parin si brandon sa mga nangyayari. napaupo siya sa sahig.

nalilito na ako!!

hindi ko na alam ang gagawin ko!

"Alam moang gagawin mo. sadyang ayaw mo lang gawin." napatingin silang lahat sa pinanggagalingan ng boses.

"A-ANNIKA?!"

***************************************************************************************************************

nadatnan ni ericka ang kanyang ina na tulala na naman na nakaupo sa kanyang kama. pumasok siya sa kwarto ng ina at tinabihan sa kama.

"ericka ikaw ba yan?" natutuwa siya dahil nagagawa na siyang kilalanin ng kanyang ina.

nakangisi ito sa kanya at hinawakan ang kanyang dalawang kamay. "may sasabihin ako sayong secret." lumapit pa ito sa tenga niya. "AKO ANG NAGPAPATAY SA DADDY AT MOMMY NI TRAVIS. HIHIHI" nabigla naman si ericka sa sinabi ng ina.

"WHAT?! PERO BAKIT MA?!" luminga linga muna ito sa paligid at nang masigurong walang tao, ay may kinuhang isang brown envelope sa ilalim ng unan nito. "dahil dito oh. hihihihi." kinuha ni ericka ang brown envelope.

ANG LAST WILL AND TESTAMENT NG MGA MONTEMAYOR!

xerox copy lang ito, pero kahit na matagal na itong nakatago, hindi pa naman ganun kalabo ang mga letra. nabasa ni ericka na kung sakaling mamatay ang mag-asawang montemayor, ipapamana kay travis ang 3 condo unit, 1 villa, 2 mansion ng pamilya montemayor, ang 20% ng share sa kumpanya at ang tumataginting na 500 million pesos. hindi pa kasali dito ang villa ng mag-asawa sa london, pati na ako 300 million dollars na nakadeposit sa isang bangko sa america.

halos lumuwa ang mata ni ericka sa nabasa. patuloy niyang binasa ito. sabi pa dito, kung sakali daw na may mangyari sa buong pamilya at namatay rin ang nag-iisang tagapagmana( si travis) mapupunta ang lahat ng ito sa kanilang mag-ina.

"anak, alam mo ba kaya ko inalagaan si travis ay para lasunin siya?? pero, may sa demonyo ata yun eh. kung hindi matatapon yung pagkain, may ibang kakain. hahahahaha. kaya nga sabi ko sayo, pakasalan mo si travis. kaso lang lumayas ka eh." nakuha niya ang gustong iparating ng ina. nais nitong makuha ang kayamanan ng mga montemayor.

umuwi na si ericka dala dala ang envelope na naglalaman ng last will ng namatay na mag-asawang montemayor. nagtatalo ang utak niya kung ipapapatay ba niya si travis o hindi.

umuwi siya sa bahay at nakita niya na parang gulong gulo ang lahat. halos mamutla din siya dahil si travis ang nagbukas ng gate.

"a-asan s-si jenny?" tanong niya dito. aya niyang ipahalata na may nalalaman siya sa pagkamatay ng kanyang mga magulang.

"nasa kwarto niya. may sakit. nagpadelive na ako para sa pagkain nating dalawa. si patrick nasa kwarto na niya at tulog." ngumiti lang siya kay travis at nagtuloy tuloy na sa loob.

*************************************************************************************************************

nilabas ni brandon ang cellphone niya na konektado sa langit. ginagamit ito ng mga warrior angel pala makipag usap sa mga archangels. tinawagan niya si archangel uriel. maya-maya pa ay nasa harapan na niya ito.

"alam ko na ang gusto mong pag-usapan natin." panimula ni archangel uriel.

"gawin mo akong demonyo." nabigla si archangel uriel sa narinig. "pero bakit?!"

"mahal ko siya." yun lang ang mga lumabas na salita sa bibig ng anghel.

"mahal mo si annika kaya gusto mongmaging demonyo?"

"hindi si annika kundi si donna." huminga ng malalim si brandon. "akala ko noon, si annika ang nakita ng puso ko. pero tanga ng mata ko. banlag ata. nasa tabi niya pala ang babaeng mahal ko. siguro, kaya ko lang nasabing mahal ko si annika ay dahil naiinggit ako sa kanya. nagawa niyang ipaglaban ang pagmamahal niya para kay travis. isang bagay na hindi ko nagawa para kay donna. si donna, bumalik siya sa mundong ito para makita akong muli. kaya ako, bababa ako sa impyerno para makasama siya." ngumiti si archangel uriel sa narinig.

hinawakan niya si brandon sa kanang balikat nito. "iyan na ata ang pinakabusilak na pagmamahal na narinig ko."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

hala!!! two chaps nalang pala ito wahehehehe :D

sorry kung maikli lang ha :))

Im inlove with my Guardian Angel ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon