Chapter 17

1.6K 37 2
                                    

wahahahaha.....

enjoy enjoy

sorry na po kung hindi madalas ang UD ko ngayong sembreak namin aa...

busog na busog naman kayo ng UD kapag pasukan ee... kaya ok lang

nga pala malapit na matapos to siguro mga 10 chaps nalang ang maximum???

hahaha

osya enjoy

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"wag ka nang malito---- ANNIKA"

hindi malaman ni jenny kung ano ang pinagsasabi ng babaeng kaharap niya. nagkahalu halo na ang emosyong nararamdaman niya. takot, kaba, pagdududa. hindi na niya alam.

"a-ano bang pinagsasabi mo?? s-sino ka ba??"

doon lamang napagtanto ni donna na nagbalik na si annika sa katauhan ng ibang tao. at natitiyak niyang patay na ang kaluluwa ng babaeng ginagamit nito. gusto niyang itanong ang lahat kay annika upang lalo niyang maintindihan ang nangyari kay brandon. pero, mukhang wala rin siyang makukuhang matinong sagot dito dahil, wala rin itong naaalala. wala siyang ibang choice kundi ang tanggalin nalang ang mga alaala ni jenny ngayong gabing ito.

tinapat niya ang palad niya sa may noo nito at gamit ang kapangyarrihan niya, susubukan niyang paniwalain si jenny na isa lang itong panaginip. ito ang malaking kasalanan ng mga demonyong katulad niya. may mga taong nakakakita sa kanila at kapag paulit-ulit na nakikita sila ng tao paulit-ulit din nilang pinaniniwala ang tao na isa lang panaginip ang lahat. at kapag paulit-ulit ang pangyayari, nasisiraan ng bait ang mga tao.

nakatulog si jenny sa ginawa ni annika. kahit papano, natutuwa siya dahil nagawang ipaglaban nila travis at annika ang pagmamahalan nila. hindi katulad nila ni brandon. hayyysss....

bumalik na naman sa alaala niya ang lahat.

FLASHBACK

"kawawa naman siya diba?" sabi niya sa guardian angel ni brandon na si ariane. oo guardian angel ito, pero kung umasta kay brandon, ay para bang ito ang guardian devil

"Psh. wag ka ngang maawa. hindi ba't tayo lang mga guardians ang nagbibigay ng options sa mga tao, pero may mga freewill silang gawin kung ano man ang gusto nila. kaya wala tayong kasalanan."

tama ito. pero, hindi parin niya maiwasang maawa sa binabantayan. namatay kasi ang mga magulang niya, pero imbes na mapabuti ay lalo pa itong nalugmok sa kalungkutan. ang resulta? kung ano anong masasamang bagay ang ginawa niya.

"gusto kong magpakita sa kanya." nanlaki ang mga mata ni ariane sa narinig.

"hahahahha... nasisiraan ka ba ng bait ha donna? baka imbes na maging kaibigan ka niya ay matakot pa siya sayo. DEMONYO KA DONNA. DEMONYO."

naiinis na talaga siya sa anghel na ito. naalala niya ang sabi sa kanya ng head ng mga guardian devil sa baba. ang ugali raw ng guardian devil o angel ay nakadepende sa paraan ng pagkamatay niya. example, kung hindi pa nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay niya, magiging bitter daw ang ugali nito kahit na angel pa ito, tulad nito ni ariane. pero kung may nangyaring maganda sa pagkamatay mo, magiging mabait ka daw kahit na isa kang demonyo.

tapos ang pagiging angel o devil mo naman ay nakadepende sa naging mga kasalanan mo sa mundo. kung halimbawa, nakagawa ka ng isang immoral na gawain nung nabubuhay ka pa, eh di demonyo ka. pero, hindi ibig sabihin na nakapatay ka na eh demomyo ka na kaagad, syempre sinusukat parin kung bukal sa loob mo ang pagsisisi.

naisip ni donna na siguro napakalaki ng kasalanang nagawa niya, pero, marami paring nagmamahal sa kanya kaya naman maganda ang kinahantungan ng pagkamatay niya.

Im inlove with my Guardian Angel ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon