Ika-pito

9 0 0
                                    



Lyn's POV

nang makarating kami sa baba na inabot kami ng isang milyong taon.. hahahah joke

"Ahmmm ano nga pala pangalan mo??, kanina pa tayo nag uusap hindi mo manlang sinasabi.." aba lokong to hindi ako pinansin! Nakangiti lang siya.. walang duda mongoloid to..

"Andito na po tayo.." aahhh??? Bat walang tao??? Baliw ata to eh..

"Huh..?! Buang ka ba?? Walang tao dito nakaharap kaya tayo sa dingding!" Pano ba naman nakaharap kami sa dingding ano kami nag tatagotagoan? Langya! Nagulat naman ako nung ...nung pinindot niya yong isang naka awang na brick ng dingding at bigla itong magic na nagbukas hahaha ang yaman talaga oh..

Naglakad kami sa isang malaking parang library ata ito madaming libro eh! Langya pagbabasahin ata ako nito eh!

"H-hoy! Ano ginagawa natin dito..? Di ka ba marunong magbasa at magpapaturo ka saakin?" Natawa nalang siya bigla hala siya oh...
"Upo ka po muna diyan" turo niya sa isang mahabang couch na kulay pula.. edi... umupo.. iniwan niya lang ako don .. ay naku!

Ilang minuto din akong nag aantay doon wala namang dumadating so.. naglakad lakad ako sa buong library naghahanap hanap ng babasahin kinuha ko yong isang libro maganda kasi yong cover eh hahahahaha may narinig akong nag lalakad so lumingon ako sa likod ko.. hindi na ko nakalingon dahil may biglang yumakap sa likuran ko.... ang bango niya.. kita ko sa nakapalupot niyang kamay saakin kung gaano siya kaputi may red fingernails din siya, bakit ganito yong feeling parang safe na safe ako...

"A-anak..." nung pagtawag niya saakin ng anak yong boses niya parang narinig ko na somewhere

"Po?" Tinanggal ko ang mga kamay niyang nakayakap saakin at , at tumingin sa kanya..?
"Sino po kayo..? Bakit tinawag niyo po akong anak?" Naguguluhan kong tanong sa taong nakaharap saakin tumutulo na rin ang kanyang mga luha at dahan dahan itong naging hikbi.. nasaktan ko ata siya.. nilagay niya ang kanyang mga palad sa kanyang mukha base sa itsura ng nakaharap sa akin matangkad siya ng kaunti saakin at tapos naka gown siya ng red and black na stripes anong trip nitong mga taong to? May party ba.. leche di ako informed... lol hahaha ang pinagtataka ko lang bakit may korona itong ginto at may mga ruby na nakalagay dito

Tinanggal niya na ang kamay niya at tumingin saakin wow... tomboy na ata ako ganda eh walang ka wrinkles wrinkles oh shocks!!

"Hi po.." kumaway ako sa kanya dahilan para mabago ang ekspresyon ng kanyang mukha nakangiti na ito ngayon..

"Kamusta ka na anak??"sabay hawak nito sa mukha ko

"Po? H-hindi ko po kayo kilala.." kita ko sa mga labi niya ang pagngiti ng mapait at mas nagpalala ng lungkot sa kanyang mga mata

"Ako ang iyong totoong ina.. sana pakinggan mo ko sa mga sasabihin ko at huwag kang mabibigla .. ahmm nung ipinanganak kita may kumuha sa iyo.. isang napakasamang tao.." napapaiyak nanaman siya feeling ko nasisira ko ang kagandahan niya..

"Nung araw din na iyon ang pagsalakay ng ibat ibang kaharian dito sa atin dahil akala nila ako ang kumuha sa mga anak nila .. pero nagkamali sila nawawalan din ako pero hindi sila naniwala saakin sinira nila......"palakas ng palakas ang mga hikbing iyon

"Sinira nila ang kaharian natin maging ang iyong ama ay nasawi ng tamaan ito ng lason sa kanyang dibdib.. ang mga taong nasa ating kaharian na lubos kong giniginto ay sinira ng digmaang iyon ang kanilang kinabukasan.." napayuko ako dahil naaawa ako, naaawa ako sa taong nasa aking harapan ngayon

"Inilayo ka saakin ng masamang tao na iyon at dinala sa ibajg mundo.. pinahanap kita ,hindi ako tumigil para lang mahanap kita .. nang malaman ko na nasa mundo ng mga mortal ka ay pinabantayan kita sa ating isa sa matapat na kawal .. nasaksihan ko lahat.. lahat ng paghihirap mo nung walang tao sa tabi mo na dumadamay sa tuwing umiiyak ka.. ang mga ngiti mo na nakakapagpasaya saakin ay lubos kong ikinatutuwa.."ng marinig ko ang kwento niya ay hindi ako makapaniwala.. bakit.. bakit ang saklap naman?

"So.. ano po bang lugar ito?? Bkit may mundo ng mha mortal?"

"Ito ang mundo kung saan ka nagmula ang mundo ng phyro (pay-ro)"naguguluhan man ay napatango nalang ako ng matapos na ang usapang ito nagulat naman ako ng bigla niyang ikumpas ang kanyang kamay sa aking uluhan may naramdaman nlng akong mabigat sa ulo ko

"Pwede po bang mutulog po muna ako??" Tumango naman siya kaya lumabas na ko roon..ano ba yan san na ko neto naliligaw ata ako...

after 1000 years andito na rin ako sa kwarto ko ... hahaha laughtrip ako kay drake kanina nadaanan ko kasi yong kwarto niya.. at pano ko nadaanan..? Syempre inisa isa ko kasi yong kwarto andami kasing kwarto eh nasa ika anim na palapag ata yon..  grabe feeling ko nga pumayat ako eh nakita ko kasi yong face niya nakaharap sa may pinto habang natutulog balot nabalot ng kumot hindi naman malamig hahaha tapos pumasok ako don hindi pala kalakihan ang kwarto niya.. pumunta ako sa cr at kumuha ng tubig sa balde at ibinuhos sa kanya hahaha epic napabalikwas siya tapos tinignan ako ng masama haha patakbo akong lumabas doon dahil tumayo siya at hahabulin ako pag labas niya ng kwarto ay saktong pag labas ng tao sa kaharap nitong pinto din at tinawag niya ang pangalan ni mongoloid hahaha

Ang tanga ko pala.. yong kwarto ko nasa pinaka toktok ng kastilyong ito nyerk tagalog na tagalog tapos yong pinto doble door may nakasulat sa pinto.. ginamitan nila ito ng rubies Prinsesa elena nakakapagtaka naman kaya hindi ko nalang pinansin at pumasok nalang.. at isa pa palang katangahan dala dala ko yong libro na maganda yong cover.. lagot ako nito.. tsk tsk

GUARDIANS The Six KingdomsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon