"Lyn's POV"
"LYNNN!!"
"LYN..." napadilat ako sa narinig kong malakas na sigaw na iyon pamilyar ang mga boses na paulit ulit na umikot sa aking paligid na tila parang sirang plaka lang ang sakit niya sa ulo ,napapikit ako ng madiin naaalala ko ang mga nangyare kagabi. wait bakit ang lambot ng hinihigian ko.. ang naaalala ko ay nahulog ako sa bangin at tumama ang likod ko sa isang matigas na bagay... at yon lang...
dahan dahan akong dumilat at natatanaw ko ang kesame na kulay itim na parang may mga ruby na parang sinadya upang gawing parang glow in the dark stars dahil kumikintab ang mga ito na idinikit sa kisame pero ito, iba ruby ang mga naka dikit dito ang masasabi ko lang ay "ang yaman naman nila"
dahan dahan akong umupo at ramdam ko sa bawat galaw ko ang pagsakit ng katawan ko pinagmasdan ko ang paligid ko naghalong pula at itim ang aking paligid may mga rosas ang ang bawat dulo ng kamang hinihigaan ko wala ka talagang makikitang ibang kulay kundi puro itim at pula at ang mga kagamitan na nakikita ko ay mga antique.. ano bang ginagawa ko dito.. kailangan kong mahanap ang mga kaibigan ko
tatayo na sana ako ng may narinig ako ng biglang pagbukas ng pinto kaya bigla kong itinaklob ang kumot saakin naririnig ko ang mga yapak sa pag pasok ng kung sino man
"alam ko pong gising na kayo.."nagulat ako dahil isang tao pala ang pumasok sa kwartong ito dahan dahan kong sinilip kung sino man iyon at nagulat ako sa nakikita .. ang laki niyang tao siguro kung magkatabi lang kaming dalawa ay hanggang balikat niya ako iyon ay ang pagkakatantya ko, ang mukha niya.. napaka gwapo meron siyang maninipis na labi at saktong tangos ng ilong ang balat niya bakit ganon ang putla?! di bale gwapo paren naman siya.
"A-ahmm sino ka?!" sabi ko sa kanya at biglang umupo napataas ata ang boses ko dahil nagulat siya
"s-sorry.." umayos ito ng tayo at ngumiti saakin inilahad niya ang kanyang kamay saakin nag aalangan ko iyong tinanggap siguro naman ay hindi siya killer or hindi naman siya gagawa ng masama
"ipinapatawag po kayo ng mahal na reyna" what?! ano to? wala akong naalalang may kilala akong reyna ang pangalan? "a-ha-ha-ha? wala akong kilalang reyna ang pangalan?"ang sarap gumawa ng pekeng tawa sa lalaking to nakakabaliw tong tao na to agaaga ay binibiro ako "nasaan ba ko?" tanong ko sa kanya at biglang nag crossed arms na iintriga ako eh "nasa kwarto mo po mahal na prinsesa.. maayos na po ba ang lagay ninyo?" argghh!! ano daw mahal na prinsesa?!
"h-huh" mahal na prinsesa?,daw? "hahaha kayo talaga.., magbihis ka na po ,maghihintay nalang ako sa labas ng kwarto mawalang galang na po" napatingin ako sa suot ko.. kulay pula itong maluwag na parang duster hay naku ang yaman yaman nila tapo-- wait sino ang nagpalit ng damit ko?! "teka!!" napahinto siya buti nalang at hindi niya pa naisarado yong pintuan "s-sinong nagbihis sakin?" pakiramdam ko ay namumula na ang mga pisngi ko dahil tinanong ko pa iyon sa kanya "ang iyong mga alalay mahal na prinsesa wag po kayong mag alala at ipapakilala ko rin sila sa iyo mamaya" alalay talaga? "salamat.." pagkatapos non ay lumabas na siya at nagsimula na kong maghanap ng masusuot ko.. ang laki pala ng kwarto na to.. may dalawang pinto sa kanan sa kaliwa ko naman ay may veranda akong nakikita may mga pulang rosas din duon tumingin ako sa kanan ko at pumasok sa isang pinto dahil ang isa naman ay pintuan palabas at kung saan pumasok si... ahmm si.. oo nga pala hindi ko natanong pangalan niya..
pagpasok ko sa loob ay mayroon itong isang pinto sa kaliwa ko sa harapan naman ay makikita mo ang isang malaking shower room at malaking bath tub na pula, pinagmasdan ko ang itsura ko sa malaking salamin bakit ganun kulay pula yong buhok ko at ngayon ko lang iyon napansin ang mga Mata ko ko ay pula rin .. Sinong mga baliw ang nag kulay ng buhok ko habang tulog ako? Tsk nakakainis pero yong mga Mata ko talaga.. Nakakapagtaka hindi naman siya contact lenses dahil natural na natural siya.. Bahala na mamaya ko na to itatanong sa lalaki..
Pumasok ako sa isang pintuan d2 sa loob ng shower room aba ang ganda dito ah nakakabilib ito lang ata ang kwarto na may puti hahaha kaso yong mga damit , sapatos mga alahas ay puro red and black?! Ano ba magmumukha akong emo nito red and black tsk!
Ang nakakagulat pa ay puro mga gown ang naririto ano ba yan.. Parang may pupuntahan akong ball nito. Pinili ko yong gown na open yong buka hanggang tuhod pero mahaba sa likuran fit na fit ito sa aking katawan na Parang papatayin ako sa higpit pero kaya naman..
Meron silang lipstick dito na red, black violet ang kulay kaya yong red nalang ang pinangkulay ko.. Sa kabilang kabinet madaming sapatos ang mga naririto kinuha ko yong alam kong magiging komportable ako isang doll shoes na itim.
Lumabas na ko ng kwarto at kinalabit yong lalaki kanina nagulat pa siya nong pagkaharap niya saakin siguro ay nabighani sa aking ganda hahaha "mahal na prinsesa" kinuha pa nito ang kamay ko at hinalikan nakakagulat naman
"Maganda na ba ako?" Ngiting tanong ko sa kanya habang naglalakad patungo sa isang mahaba at malaking hagdan
"Ahmm palagi naman po kayong mganda mahal na prinsesa , sa araw araw po na nakikita ko kayo walang araw na hindi kayo maganda" nakaka curious man ang sinabi niyang sa araw araw niya kong nakikita ay hindi ko nalang iyon pinansin dahil kinilig ako sa mga sinabi niya ..
Hindi ko namamalayan na nakababa na pala kami.. "Ang laki naman ng bahay na ito.?" Tanong ko sa kanya habang palinga linga sa paligid " hindi po ito isang bahay lang prinsesa" sabi ni kooooyaang naka ngiti haha koya talaga ang landi ko
"Huh? Eh ano pala?" Ano tong bahay na to drawing?! Hindi totoo? " Mansion ba to?" Nakaka intriga kasi eh
"Isa po itong kastilyo mahal na prinsesa.." Sagot niya habang naka ngiti na naglalakad hindi manlang tumitingin sa akin.. Tsk mukha siyang mongoloid.*H
BINABASA MO ANG
GUARDIANS The Six Kingdoms
AcakKaya mo bang ipag palit ang inyong pagkaka ibigan para lang sa ikabubuti?. kaya mo bang itaya ang lahat lahat para lang sa pag hihiganti. kaya mo bang kalimutan ang inyong mga masasayang alaala para lang sa inyong resposibilidad