one.

149 12 5
                                    

Ang pagtulog ay parang imposible na habang ako ay nakahiga sa aking malambot na kama, tinititigan ang glow in the dark na bituin na nakadikit sa kisame. Hindi pa tumitigil ang puso ko sa mabilis na pagtibok nito kahit alam kong ako'y nagiging baliw na.

'Halata naman na guniguni ko lamang yung mga libro na nasa lapag'Isip ko sa aking sarili, pero ano naman yung boses?

"HwaMin, nasestress ka lang dito tungkol kay Jungkook." Bulong ko sa aking sarili at itinupi ang aking mga braso.

"Oo, sige..." Rinig ko na sabi ng isang malayong boses at madali akong bumangon sa aking kama.

Butil ng pawis ay tumulo pababa ng aking medyo kayumangging mukha habang ako ay humihinga ng malalim. Nagsimula akong manginig sa lamig kaya hinatak ko ang aking kulay ube na kumot hanggang sa aking leeg. Sumulyap ako sa paligid ng madilim kong kwarto at wala ako nakita ng kahit anong galaw.

"Sino nagsabi no'n?" Tanong ko sa mababang boses habang pinagmamasdan ang kadiliman gamit ang madilim kong mata.

Wala akong natanggap na sagot. Mabilis akong nakaramdam na may umupo sa edge ng kama ko.

"Ajumma!!" Sigaw ko.

Nakarinig ako ng malakas at mabilis na paglalakad sa kahoy naming sahig bago sumara ang pinto ng kwarto ko at ang ilaw ay bumukas. Dahilan ng pagsakit ng mata ko. Tinakpan ko ang muka ko gamit ang mga kamay ko, bago ko i alog ng bahagya ang ulo ko at pumikit pikit para ma adjust ang mata ko sa liwanag na aking nakita.

"Hwamin?! Anong nangyari?!" Sigaw ni Ajumma. Na para bang nakipag takbuhan sa marathon.

Tumingin ako sa dulo ng kama at napansing wala namang kakaiba. Sigurado akong may naramdaman ako kanina.

"Tingin ko may tao sa bahay, Ajumma." Sabi ko sa kanya.

"Ano ang dahilan kung bakit mo naisip yan?" Tanong niya sabay pag kunot ng kanyang noo, habang pumapasok siya sa kwarto.

"Nakarinig ako ng boses at nakaramdam ako ng may umupo sa kama ko."

"Aigoo Hwamin, Na rereliaze mo bang para kang psycho sa sinasabi mo?" Sabi niya atsaka inikot ang kaniyang mata at saka naglakad palabas ng pinto.

"Pero Aju--"

"Hindi! Bumalik ka na sa kama mo." Sabi niya atsaka iniling ang ulo niya. "That Mooncake boy is making you crqzy!"

"Jungkook ang pangalan niya!" Sigaw ko pagkasara niya ng pinto.

"I swear, hindi ako baliw." Bulong ko sa sarili ko.

"Hindi ka baliw.." Sigurado akong hindi ko boses yon.

Nakaramdam ako ng pag hangin at biglang lumamig ang paligid ng kwarto kahit nakasara ang mga bintana. Nag umpisa ng manginig ang mga labi ko at ang gusto ko nalang ay umiyak ngayon. Unti unti na akong nakakaramdam ng takot.

"Hindi ko sinasadyang paiyakin ka.." Rinig ko at agad kong tinaas ang aking ulo.

Walang tao sa kwarto. Bukas ang mga ilaw pero wala akong makita na kung ano man. Pero biglang namatay ulit ang ilaw at muling dumilim ang kwarto. Niyakap ko ang sarili at hinanda ang sarili kong sumigaw.

"Wag ka na umiyak.." Kanina mula sa malayo ang rinig kong boses pero ngayon parang nasa tabi ko na siya.

Tinignan ko ang gilid ko pero wala akong nakita. Itim lang ang nakikita ko dahil madilim. Pinunasan ko ang luha ko at inihanda ang sarili kong sumigaw muli.

"Wag!" Rinig kong salita niya, at agad kong naramdaman na tinakpan niya aking bibig.

Tinulak ko ang taong yon at binuksan ilaw. Bumukas ang ilaw pero wala na akong nakita, except sa lalaking itim ang buhok, nakatayo sa tabi ng kama ko, nakayuko siya at nakatingin sa magulo kong kama.

Hindi ko mapigilang kabahan. Pano kung kidnapin niya ako tapos bigla niya akong ibenta?

May kakaiba sa lalaki. He doesnt look, stable for it seems like If I shove him, he'll turn to dust. Ang kanyang mga balat ay parang snow, ang kanyang mga buhok ang parang charcoal, at mas muka pa siyang hologram imbis na mukang tao. As in he doesnt look solid.

Unti unting inangat ng lalaki ang kanyang muka at mabagal akong hinarap. Walang bahid na pagngiti akong makikita sa kaniyang muka, ang kaniyang mata ay blanko. Nilapitan ko siya at..

"Jungkook oppa?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 13, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ghost (Jungkook)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon