Chapter 1-Probinsya

16 1 0
                                    

Sumakit ang puwetan ko ng bumaba sa bus. ilang oras din ang byahe at masasabi kong nakakapagod talaga. plus naiinis ako sa nakatabi ko. ang gwapo-gwapo na sana ang yabang lang ng kumag!

"Bye Miss!" nag-wave ang kundoktor saakin at kinindatan. kumuha ako ng bato at itatapon ko na sana sa pagmumukha niya kundi lang epal ang lalakeng humawak sa kamay ko.

"Easy. masungit ka na naman!"

"PAKEALAM MO BA?" inirapan ko lang siya at umalis na doon. hindi ko naman kasi siya kilala.

"Tss. Amazona pa! nakaka-turn off!" aniya. Aba naman bakit may sinabi ba akong dapat ma-turn on siya?!!

pinanood ko lang siyang umalis. mabuti pa nga! naglakad-lakad na ako bitbit ang malalaki kong luggage. akala mo naman maga-abroad. masarap talaga ang simoy ng hangin dito sa probinsya at mapayapa ang lugar hindi pareho sa maynila na puro polusyon. kumbaga maputi ka pa pero pagtawid mo sa highway mangitim at amoy usok ka na agad. dagdagan pa ang LRT na sobrang sikip. plus halo-halong amoy ang makukuha mo ron. Ano bang silbi ng mga gobyerno na yan! puro mga corrupt.

"MAGNANAKAAAAW!" natigilan ako sa paglakad at lumingon sa aleng na nagsisigaw. tumakbo ang holdaper sa direksyon ko at nanlaki ang mata ko ng makitang may hawak siyang kutsilyo.

"OH MY GOD!" hindi ko na rin mapigilan ang pagsigaw nakakatakot. wala bang pulis dito?! yung mga ibang tao ay wala ring pakialam. sanay na ba sila sa mga ganon? anong klaseng lugar ba 'tong napuntahan ko?

"TABI KA DIYAN MISS! KUNG AYAW MONG SAKSAKIN KITA SA LEEG!"

OH MY GOODNEEEES! hindi ko alam kung anumang espiritu ang sumapi saakin dahil hindi man lang ako natinag kaya binanga na'ko ng holdaper na nagkakandarapa sa pagtakbo. pero bago pa man ako mag-dive sa lupa may sumalo saakin. OH MY GOD! yung estrangherong nakatabi so bus. nakahiga siya sa lupa at ako na nakapatong sakanya. bago pa man ako gumising sa katotohanang hindi maganda ang posisyon namin naramdaman kong nakahawak yung isa niyang kamay sa dibdib ko.

"MANYAAK KA! AAAAAAAHHHHH!" tumayo ako at pinagsisipa ang gwapong lalake na nakahandusay ngayon sa sahig.

"Easy. Hindi ko sinasadya at hin-"

"MAGPA-PALUSOT KA PA HA? MANYAK!" magpapalusot pa eh an'sarap talagang bigwasan!!

"Look. dapat magpasalamat ka pa saakin dahil niligtas kita!" tumayo siya sa pagkakahiga ng pa engke-engke. "At saka wala ka namang ganon miss ah?" nakita kong pinipigilan niya ang tumawa.

"ANONG GANON?" sigaw ko.

"Wala ka namang ganon. yung ano oh. Ay basta! dapat magpasalamat ka saakin miss!" deklara niya. Bwisit talaga namboboso to eh.

"Ano ba yung sinasabi mong ganon?" nalilito talaga ako sa mga sinasabi ng lalakeng 'to.

"Wala kang ganon."

"Ano nga yung ganon?!!"

"WALA KANG BOOBS!" putang ina!

"ANONG SABI MO?!!"grabe kumukulo yung dugo ko talaga. sinigaw niya iyon kaya halos lahat ng tao ay nakarinig ata at nakita kong nagtawanan at nagbulungan. Bwisit! yung holdaper? di ko na alam kung san napunta! mamatay sana. at hindi lang siya! pati na ang halimaw na kaharap ko ngayon. Sana talaga mamatay sila!

tumayo ako doon at hindi ko na kinaya kaya aalis na lang ako at baka makapatay pa ako ng wala sa oras.

"Miss teka la-"

nilingunan ko siya at binigyan ng masamang tingin. may tumawag sakanya kaya chance ko na iyon para tumakas. bitbit ang aking malaking luggage ay taas noo akong naglakad paalis roon.

"Sir Ken!" Ken...ken.. parang familyar.

"Ahm excuse me, Asan po ba dito ang bahay ng mga VillaFlores?"

"VillaFlores ba? Naku sa kabilang bayan pa ang malawak nilang lupain at rancho. naroon din ang kanilang villa ineng!"
anang tindera na pinagtanungan ko.

"Paano po makakarating doon?"

"Ano bang sadya mo sa mga VillaFlores ineng? naku delikado kung mapadpad ka roon ng walang sadya. malupit ang mga Villaflores! ang kapatid ni Don Saturnino na lang ata ang medyo mabait sa pamilyang iyon. masyado silang mapanghusga at mapang-api lalo na saaming mga mahihirap." aniya

Hindi ako napunta dito para makipag-tsimisan! VillaFlores din naman ako ah! kaya masakit para sakin na marinig na ganun ang tingin ng mga tao dito sa pamilya namin. pero siguro nga ganun talaga. kaya nga itinaboy ni lolo ang mga magulang ko noon. nagkamali ata ako ng napagtanungan dahil mga tsimosa pala 'to. umalis na rin ako doon dahil mabibwisit lang din naman ako. Ayokong pinagti-tsimisan ang pamilya namin lalo na ang lolo ko. siguro malupit lang talaga si lolo kaya kinatatakutan ng mga taga-rito.

At hindi ko pa siya nakikita simula pagkabata kaya kailangan ko na talaga siyang matagpuan at ng makuha ko na ang titulo ng lupa na ipinamana ni lola saamin sa lalong madaling panahon.

"ANONG KAGULUHAN 'TO?"
napalingon ako sa nagkukumpulang mga tao. nakita kong may isang matanda hawak-hawak ang kanyang baston na sinisita ang isang trabahador. nagkalat ang mga buko sa daanan kaya yun siguro ang dahilan ng pagkakagulo.

"AYUSIN MO ANG TRABAHO MO AT HUWAG KANG NAGKAKALAT SA DAAN!" sigaw ng matanda dahilan kung bakit
napakunot ang noo ko at bigla akong nainis. ang yabang naman ng matandang ito. hindi naman ata niya pagmamay-ari ang kalsada.

"Pasensya na po Don. hindi na mauulit!" pagmamakaawa ng trabahador sa matanda pero sinipa lang nito ang kariton kaya hindi na'ko nakapagpigil.

"SOBRA NAMAN PO KAYO! NAGSORRY NAMAN NA YUNG TAO EH!" nanliliksik na mata ang bumungad sakin pagkatapos ko siyang sigawan. nasapo ko ang noo ko dahil sa bunganga kong pahamak talaga!

"At sino ka namang babae ka?"

"Mawalang galang na po. pero sobra naman po yung ginawa niyo dahil hindi naman sinasadya ni manong yun eh." hilaw akong ngumiti sa matanda. kinakabahan tuloy ako baka mamaya ipagbugbog ako nito. Ano na naman ba itong napasukan ko?

"Huwag kang makialam dito. hindi mo ba ako kilala?" ma-awtoridad niyang sabi. marami ng nakatingin saamin at nagbubulungan.

Mali talga siya ng kinalaban.

Napakagandang bata. bago lang ba siya dito? Naku natatakot ako sa maaring gawin sakanya ni Don Saturnino.

"Hindi niya ata kilala kung sinong binabanga niya. Maku kawawang bata. napakaganda pa naman.

inirapan ko lang ang mga sabi-sabi na naririnig ko. Nagsisiliparan na naman ata ang mga tsimosa ng baryong ito. Bilis kumalat ang mga balita eh.

"Uh-uh--Hindi ko po kayo kilala. pero masama naman po ata na-"

"Wag ka na ngang makialam dito bata!" tinabig niya ang kamay ko at malapit na akong madapa. kumulo ang dugo ko nilingunan ang matanda.

"MAWALANG GALANG NA PO! NATUTUNAN KO ANG RUMESPETO SA NAKAKATANDA. BAKIT PAGMAMAY-ARI NIYO BA ANG KALSADA?"

"Pagmamay-ari ko ang lupang tinatapakan mo ngayon bata! bago ko lang ito binili kaya hinay-hinay ka sa bunganga mo." nanlaki ang mata ko ng bigla niyang hinawakan ang aking bibig. napa 0 ang bibig ko at ramdam ko ang sakit doon. yung tulad sa mga teleserye na ginagawa ng mga kontrabida sa mga bida! Physical abbuse ito. ire-report ko ang matandang 'to.

kinagat ko yung kamay nf matanda at dali-daling tumakbo. hinabol naman ako ng mga bodyguards niya. lagot na! ano na 'tong napasukan ko?

"HINAYUPAK KA TALAGANG BATA KA-"

"PA! TAMA NA YAN!"
nakahinga ako ng maluwag dahil may tumawag sa matanda at tinigipan naman ako ng mga bodyguards na to. Nakakatakot sila dahil sa laki ng katawan. baka kainin ako neto.

"Pa! Dont hurt her!" nagising ang diwa ko dahil kilala ko kung kaninong boses 'yun. at tama nga dahil paglingon ko ay nakita ko ang lalakeng nakatabi ko kanina sa bus. what the?

Sprained HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon