Hindi ko na inisip pa ang kalokohang iyon at nagpatuloy sa naunang plano.At iyon ay ang paggawa ng pelikulang magpapatunay na ang chain message na ito ay totoo at walanag halong biro.
Nagsimulang dumistansya sa akin si Cheryl kahit na hindi ko na dapat pang itanong ang dahilan.Sa grupo,ito lang ang hindi nagpaparticipate,ito lang ang tahimik,sya lang ang nasa sulok.
Ang pagbabantang iyon ng multo ng matanda ay hindi ko na ininda pa.Pero sa tuwing naiisip ko ang duguan nyang mukha,ang nakakatakot nitong mukha ay kinikilabutan ako sa hindi maiplaiwanag na dahilan.
Ako ang inatasang maging cameraman ni Jonald.
Pero,sa bawat tingin ko sa lente ng camera ay naroon ang matanda.Nakangisi,nakatingin ng direkta sa kanya.Lagi syang umiiling at inaalis ang pigura nito sa utak nya pero hindi iyon mawala.
"Sinabi ko na sa'yo,wala tayong takas..." bulong sa akin ni Cheryl na hindi ko namalayang nasa likod ko na pala.
"Kasalanan nyo itong lahat...At pagbabayaran natin ito ng malaki..."
Umalis si Cheryl na para bang may mabigat na dala-dala sa mga balikat.Nawalan ng sigla ang kaibigan at palagi itong umiiyak
Kahit kinikilabutan ay nagpatuloy ako sa pag-shoot ng aming munting pelikula kahit na parang ang nakukunan ko na lamang ay ang pigura ng payat at duguang matanda na sumasakop sa buong lente ng kamera na para bang sa bawat tingin nya ay papalapit ito ng papalapit sa kanya.
At sa muli nyang pagtingin sa lente nito ay laging gulat ko ng mismong mata na nito ang nakuhannan ko!
Pulang-pula na para bang kakainin sya ng buhay.Nanginginig ako at bigla ko na lamang nabitawan ang kamera.Literal na mata sa mata ang naging sitwasyon sa pagitan namin.
Pero,kahit wala na ang mga mata ko sa kamera ay nasa harapan ko pa rin sya.Ang nakatahing bibig nito ay muling ngumisi sa kanya.Mas lalong nanlaki ang mga mata nito.
Kinakapusan na sya ng hininga.Takpt na takot na sya na baka muli na naman sya nitong lapitan at hawakan.Bigla syang napatakbo ng wala sa oras at napalapit sa tanging kaibigan na nakakakita rin dito si Che.
"Che! Che! Tulungan mo ko!" ani ko sabay napatago sa likuran nito.
Pero hindi ito sumagot at nanatiling tahimik.May kakatwa sa ikinikilos nito.Ang brasong hawak nya ay napakalamig.Bigla akong napaharap sa kanay at laking gulat ko ng makita ang matanda!
"HINDI KA MAKAKATAKAS...BAKIT HINDI MO KO TINULUNGAN? NAKITA MO NMANG BUHAY PA AKO HINDI BA? PERO ANO ANG GINAWA MO? NYO? TINAWANAN NYO LANG AKO AT TINAKBUHAN SA TAKOT NA MAPAGBINTANGAN...ANG SASAMA NINYO KAYA DAPAT LANG DIN KAYONG MAMATAY!"
Nabigla na lang ako ng bigla nya akong sakalin at i-angat sa lupa.Napa-ubo na ako sa sobrang higpit ng pagkakasakal nya sa akin at para bang hindi sila napapansin ng mga kaibigan nya na busy sa kanay-kanyang nakatokoang gawain.na para bang hindi sila nakikita ng mga ito.
"T-T-tulungan...N-nyo...K-Ko...!"
Ngumisi lang sa akin ang matanda na sa payat nito na para ng kawayan ay balewala lang sa kanya ang kanyang bigat at ang pagsakal nito sa kanya.
Nagsuka na ng dugo ang bibig ko.Malapit na akong malagutan ng hininga ng bigla na lamang akong bitawan ng matanda.At sa nandidilim kong paningin,doon ko nakita ang pagsaboy ng kung anong likido ni Che sa espiritu at saka naman iyon nawala na para bang bula.
"Liza! Liza!" simasampal-sampal na ako ni Che para magising pero tuluyan ng nagsara ang talukap ng aking maga mata.
"LIZA!!!!!!"
Lahat sila na tila ba anhipnotismo ay bigla na lamang napalingon sa direksyon ng kaibigan at lahat sila ay napanganga sa nakitang dalaga na anakahandusay sa kalsada.
"Guys,tulungan nyo ko! Si Liz...Si LIz...."
Litong-lito man ang lahat at natataranta ay agad nila itong dinaluhan at dinala sa pinakamalapit na ospital.
"Ano bang nagyari?" tanong ni Jonald habang sakay sila ng van.
"H-Hindi ko din alam!" histerical an sigaw ni Che.
"Kung hindi mo sasabihin sa amin ang mga nangyayari ay wala kaming maitutulong para masolusyonan nito!" si Shiela.
"Iniisa-isa na nila tayo...."
"Huh?! Nino naman?!" takang tanong ni Eleazar.
"Ng...Ng...."
"Ng?" iritadong sambit ni Mary Ann
Nangingiunig ang buong kalamnan ni Che at tila ba hindi nya mabigkas-bigkas ang nais sabihin na sya namang ikinairita ni Mary Ann.
"Ano ba ayaw mo bang-----"
"Ang matanda sa chain message....Ang matanda sa chain message....INIISA-ISA NA TAYO!!!!!!!"
Isang hindi makapaniwalang tingin ang ibinigay ng grupo sa dalaga.Tinawanan naman ni Jonald ang sinabi nyang iyon.
"Ano ba naman yan! Ano kayo bata na naniniwal sa fairy tale?! Kalokohan lang ang chain message na iyon! Mtatakutin ka lang talaga,Che"
"Kung ayaw mong mainiwal bahala ka! Hindi ko na proble-----"
Biglang natigilan si Che ng mapatingin ito sa may bintana ng van.
"O,ano namang drama yan?" si Jonald ulit.
"N-Nasundan nya tayo..."
Sinundan ng tingin nila Mary Ann,Eleazar,Shiela at Alyssa ang tinitingnan ni Che at ganoon n alang ang gulat ng lahat...
"OH...MY...GOD!" si Mary Ann.
"I-Imposible!" sabi namn ni Eleazar.
"Ahhh!!!!" sigaw ni Shiela.
Naiiritang tiningnan din ni Jonalad ang tinitingnan ng mag ito at nanlaki ang mag mata nya sa nakita.
MAY MATANDA! MAY MATANDANG DUGUAN SA BINTANA!
"Jonald mababangga tayo!1" sigaw ni Che.
At bago pa mailiko ng binat ang manibaela ay huli na...