CHAPTER 4

139 1 2
                                    

CHAPTER 4-2 YEARS AFTER

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ilang gabi na rin akong hindi makatulog ng maayos.Lagi akong nanaginip o mas magandang sabihing...Binabangungot...Nasa harapan daw kami ng isang malaking gusali na may higanteng orasan at ano mang oras mula ngayon ay parang may darting na delubyo.Marami akong kasama... Abalang-abala sila sa kani-kanilang mga gawain.Hindi ko maisip kung ano ito.Basta ang tanging alam ko lang ay natatakot ako at ang babaeng katabi ko.Maya-maya pa nga ay nagsalita na ito...

"Anong ginagawa mo? Tumakas ka na..."

"Tumakas? Kanino? At sino ka ba?"

"Hindi mo na kailangan pang alalahanin kung sino kami...Basta't magtago ka na...Dahil nandiyan pa rin sya..."

"Sinong sya? Sino ba ang tinutukoy mo?!"

"Magtago ka na....Nasa paligid pa rin sya...Naghihintay ng pagkakataon..."

At matapos noon ay unti-unti itong lumalayo sa kanya.Sinubukan ko syang habulin.

"Teka sandali! Sino ka ba?!"

Inabot ko sya pero hanggang sa hindi na matanaw. Tanging hangin na lang ang nadama ng aking palad.Maaring isa lang iyong ilusyon na ginawa ng aking isipan.Pero bakit may pakiramdam akong nanganganib ako gaya na rin ng gustong iparating ng taong iyon.

Pero kanino?! Saan?! Paano?!

 "Janna! Janna gising!"

"Huh?!"

Napabalikwas ako ng bangon sa aking kama.At nabungaran ko ang aking ate na si Sonia. 

 "Ano ba ang nangyayari sa'yo ay kanina ka pa hindi mapakali dyan sa kama? Binabangungot ka ba?" may pag-aalaa sa boses nito.

Hindi pa rin ako makahanap ng aking sasabihin.Litong-lito pa rin ako sa aking napanaginipan. Pakiramdam ko talaga ay mas nais iparating sa akin ang babae na iyon. 

"Hoy! Janna! Kinakausap kita!"

"Ano nga ulit tanong mo?"

"Ang sabi ko,ano na ba ang nangyayari sa'yo?" 

"H-Hindi ko rin alam..."

"Anong hindi mo alam?"

"Mayroon akong panaginip at may isang babaeng nagsasabi sa akin na kailangan ko daw tumakas pero hindi ko lam kung saan at kanino...."

"Sus! Kalokohan mo na naman yan,Janna.Ang hilig mo kasing manuod ng horror movie sa gabi kaya kung anu-anong napapnaginipan mo..."

"Totoo ang sinasabi ko Ate!" 

"Ah talaga?! Pwes kung totoo nga ay bumangon ka na dyan dahil late ka na ta may psok ka pa hindi ba?! Ano ba naamna yan ang tanda-tanda mo na ginigising ka pa din.Ano ka batang paslit?!" 

Matapos maisara ni Ate ang pinto ay sinubukan ko ng kumilos pera sa pagpasok.Pero sa bawat galaw ko ay lagi kong naiisip ang babae sa aking panaginip at ang gusto nitong iparating.

Bago mahuli ang lahat ako nga pala si Janna. Isa akong mass communication student.Mostly nasa field ako,mga taong laging nasa bingit ng kamatayan.Gusto ko kasing magbigay ng makatotohanang balita sa mga manunuod.Ipakaita sa kanila ang katotohanan at hindi balitang pera-pera lang.

 Yung lugar kung saan kami nakatari,kahit isa itong sikat na subdibisyon ay may pakiramdam akong nasa mundo kami noong Spanish Era.May mag bahagi kasi ang subdibisyon na medyo makaluma.

Mahilig ako sa mga nakaatakot na bagay.Paano ba naman kasi hindi iyon totoo.At Alam ko namang gawa-gawa lang iyon ng mga tao. 

Mga alas-diyes ng umaga ng makarating ako sa school.Daalawang subject na rin ang na-miss ko but it's okay.Hate ko naman ang 2 subject na iyon.Math and College algebra.Pagkapsok na pagpasok ko sa media class namin ay na-assign-an agad ako ng assignment.

"Ms.Gomez,investigate the last 2 years' issue about a group of teenagers who met an accident due to their so called CHAIN MESSAGE..."

'Sir! Kalokohan naman yan no! Baka naman lasing lang talaga ang driver ng sasakyan kaya sila naaksidente."

"That's why I need you to investigate this matter.IMMEDIATELY!" 

Napakibit-balikat na lamang ako sabay umupo sa na-assign kong upuan.Bigla akong nagulat ng kalabitin ako ng isa kong kaklase na nasa likuran.Ang geek ng klase si Moreen.

"Totoo ang  cahin message,Janna.Sinubaybayan ko ang kwentong iyan noon dahil mahilig din akong pasahan ng mga chain message ng mga barkada ko."

Napatingin ako sa harapan kung saan nagtuturo ang prof namin at sinubukang hindi magpahalatang nakikipagdaldalan lang ako kay Moreen.

"Ano bang kwento yun? At ano ang chain message?"

"Ang chain message ay isang uri ng text  or e-mail messages na obligado kang ipasa to a certain amount of  people you know.At sa dulo ng chain message nakalagay doon na kapag hindi mo iyon naipasa agad,maaari kang mamatay..."

"Kalokohan!"

"Totoo iyon at iyon ang nangyari sa magbabarakada na iyon.All of them died but one of them survived pero namatay din kaagad.Ang sabi bago sya namatay ay panic itong nakatingin sa may pinto at sumisigaw sabi naroon daw ang matanda sa chain message."

"Matanda?"

"Ms.Gomez and Ms.Sanchez would you like to share to the rest of the class what tour talking about?" galit na sabi ng kanilang professor.

Napapahiyang napatungo na lamang ang dalawang dalaga.Pero dahil sa mga narinig,nagsimula ng mapukaw ng istoryang ito ang atensyon ni Janna.

'Tiyak na mataas ang makukuha kong grade dito!' sa isip nya. 

Pero,ang hindi inaasahan ni Janna ay ang pagpasok nya sa mundo ng kathang-isip na naging isang realidad. 

CHAIN MESSAGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon