CHAPTER 3-OLD LADY
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Mabilis ang pagbulusok namin pababa ng bangin na iyon.Lahat kami ay mahigpit na naghawak-hawak at tahimik na nagdasal na sana kami ay mailigtas sa trahedyang napasukan namin.
Naroon ang takot at pagkagulat sa mukha ni Jonald ng masaksihan ang nasasabing matanda sa chain message na iyon.At ngayon ko lang napagtagni-tagni ang mga nangyayari...Na totoo pala ang lahat at hindi gawa-gawa ng aming imahinasyon.
Sa pagdilat ko ng aking mga mata upang tingnan ang nangyayaring pagkahulog namin nagulat ako ng makitang nakaroon pa rin ang matanda sa bintana.Dilat na dilat ang mata,nag-aapoy,nakatingin ng direkta sa aking mga mata.
Ang duguan nitong mukha,ang nakatahi nitong bibig,ang namumulang mata,lahat ng ito ay ayaw ng mawala sa aking isipan.Iyon ang akala ko....
Pero sa totoo lang..Ang matanda ag ayaw mawala sa aking harapan!
Hanggang sa tuluyang naming maramdaman ang pagbagsak namin sa lupa at ang pagkalat ng amoy gasolina ng sasakyan.
Isa ito sa ipinagtataka ko...Kung paano kami nahantong sa isang bangin.Nasa gitna kami ng highway kaya imposibleng mapunta kami sa bangin.
Gusto ko mang buksan ang pinto ng sasakyan upang makalabas ay hindi ko magawa dahil naroon pa rin ang matanda,nakasabit at tila walang balak umalis doon.
"A-Ano na nag gagagwin natin ngayon?!" panic na tanong ni Mary Annkay JOnald pero hindi sya nito sinagot.
"Ikaw ang may kasalanan nito!" sigaw naman ni Alyssa.
"Tama sya! Kung di dahil sa kalokohan mo hindi sana tayo mapupunta sa sitwasyong ito!!!" sabi naman ni Shiela.
Papagitna sana ako sa pagbabangayan nila ng sa hindi mawaring pakiramdam ay tila bigla akong pinawisan ng malamig sa de aircon nilang sasakyan.At tila ba may pwersa na ngatutulak sa aking lingunin ang bintana na nasa aking likuran lamang.
Noong una,hindi ko ito pinanasin,pero ng mapansin ko ang pananahimik ng aking mga kasama at ng makita ang panlalaki ng kanilang mga mata,doon na akong nagsimulang kumilos upang lingunin ang nasabing bintana.
Dahan-dahan lang ako sa ginawa kong paglingon.Tila aabutin na yata ako ng isang taon bago ko malingon ang nasabing bintana.Napakabigat ng aking pakiramdam.At hanggang sa tulyan ko na nagang malingon ang lugar na iyon.
Para bang literal na lumabas mula sa aking katawan ang aking puso ng makita ko kung sino o ano ang naroon.
ANG MATANDA! ANG MATANDA!
Muli na naman itong ngumiti sa akin.....Sa nakakatakot na pamamaraan.
Ang tahi sa bibig nito ang humaba na aabot na sa tainga nya.Nagsimula na akong manginig ng ilagay nito ang isang duguang kamay nito sa may bintana.Kumakatok,tila gusto nitong makapasok.
Doon na nagsimulang magpakawala ng panic at takot ang aking mga kasama.Nag-uunahan sila sa pagbukas ng pinto ngunit hindi iyon mabuksan.Sinubukan na nilang kalampagin ang bintan at sinubukan din itong basagin pero walang nangyari.
Hanggang sa makita namin ang dahan-dahang paggalaw ng seradura ng pinto ng kotse.Ang tila napakalakas na pag-CLICK ng locked nito at ang biglaang pagsabog ng aming sasakyan.
"IYAN ANG NABABAGAY SA INYO!" sabay tawa ng matandang multo sa nasusunog na sasakyan....
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
NEWS FLASH!
"Isang grupo ng kabataan ang nagtagpuan sa isang nasusunog na sasakyan dito sa may boundary ng Manila at quezon City.Ang ipinagtataka ng kinauukulan ay ang mismong pagbangga ng kanilang sasakyan sa isang punong balete...Alamin po natin ang opinyon ng ating mga pulis..." ulat ng isang lalaking reporter.
"Sa tinggin ko ay lasing ang nagmamaneho ng sasakyang ito.Sa ngayon ay hindi pa namin masasabi ang buong detalye kung may buhay pa ba o wala na sa mga pasahero at sa kasalukuyan ay hindi pa namin matukoy ang mga sakay nito..."
"At iyan po ang ating ulat sa umaga na ito back to studio..."
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Pinatay ang dalaga ang nag-iingay na telebisyon sabay napabaling sa katabing nurse.
"S-Sino ang ngadala sa aking d-d-ito?" mahinanag tanong nito.
"Pasensya na po ma'am pero mas mabuti po na kayao na ang magka-usap..."
At maya-maya pa nga ay iniwan na sya ng naturang nurse.Sinundan nya ito ng tingin hanggang sa may pinto.At sa pagsara niyon ay nakita nya mula sa salamin nito ang isang pamilyar na bulto.
"AAHHHHHHH!!!!!!!!!!!"