[3] New Dorm

15 0 0
                                    


Chapter 3


A/N: Pag naka Italic po is Korean guys then pag naka normal is Filipino. Anyways, enjoy guys :)


----------------


Third Person's POV


"Mga bubwit magsi-gising na kayo at bumaba. Nandito na tayo" Isa-isa silang ginisin ni Manager Hyung. Nagsunuran naman lahat kahit inaantok pa.


Kagagaling lang nila galing sa world tour nila kaya parang mga lantay gulay pa sila dahil sa pagod pero heto sila maglilipat. May mga sasaeng fans na kasing umaligid sa dati nilang dorm kaya heto't naglilipat dorm sila.


"Ang hassle talaga. Lipat na naman, nakakailan na tayong dorm ah?" Reklamo ni Baekhyun. Habang binibitbit mga gamit niya. Laking pasasalamat niya at yung dala lang nila galing sa tour yung kailangang bitbitin dahil nauna nang inilipat iba nilang gamit aayusin na lang nila pagdating.


"Anong mas gusto mo lilipat tayo ng dorm o may mga gamit na naman natin silang makukuha?" Chen na katulad ng iba ay binibitbit din palabas ng van nila mga gamit nila.


"Sabi ko nga lilipat na lang eh. Nakailang t-shirt at underwear na rin sila sa akin." Sagot ni Baek kay Chen. Pagkatapos nilang ilabas lahat ng gamit nila mula sa van ay saktong paglapit ni Manager Hyung sa kanila.


"Ano? Tapos niyo na bang ilabas lahat mga gamit niyo?" Tanong nito sa kanila


"Opo, Manager hyung." Sagot nila.


"Kung ganun pumasok na kayo." Aalis na sana si Manager Hyung at papasok na sa bago nilang dorm ng pigilan siya ni Sehun.


"Wait lang Manager, sigurado po bang okay na, na magstay kami dito?" Sabay tingin sa building kung nasaan yung dorm nila. Medyo pa condo kasi yung style pero mababa lang mga 6 floors siya pero malawak.


"Oo naman, mahigpit security nila dito kasi mga high profile din ang mga may-ari ng mga unit dito. Atsaka occupied na lahat ng units dito kaya walang makakasunod na sasaeng sa inyo. Pasalamat nga tayo naisipan ng may ari na ibenta yung unit niya sa atin dahil di naman niya nagagamit." Napatango naman silang lahat sa sinabi ng kanilang Manager.


"Oh tara na. Pumasok na kayo paara maiayos niyo na yung mga gamit niyo at makapagpahinga na rin kayo." Sumunod naman sila. Pagpasok nila ay napapanganga sila itsura ng first floor. Parang lobby lang ng isang five star hotel. Hindi nila inaasahan na ganun yung itsura nun dahil ibang-iba ang itsura ng building sa labas. Mukha lang itong ordinaryong apartment pero mukhang hotel sa loob.


"Hyung ang ganda!" bulong ni Sehun kay Luhan na kasabay niyang maglakad.


"Oo nga eh, akala ko simple lang pero ang ganda pala dito sa loob." Sagot nito sa kanya.


Sumakay na sila sa elevator paakyat sa 4th floor kung saan nandun yung unit nila. Pagbaba nila ay dumiretso na sila sa pangalawang pinto.


"Eto na yung unit niyo. 3 lang kayo dito sa floor na ito kaya umaayos kaya at baka magreklamo yang mga yan sa kaingayan niyo. " Sabay tingin kayna Baekhyun at Chanyeol. Tumango na lang silang lahat samantalang ngumiti at nagpeace sign yung dalawang bubwit na binanggit ng kanilang Manager.


"Oh siya!Aalis na ako at kayo pumasok na. Eto na kanya-kanya nyong susi." At inabot na sa kanila ni Manager Hyung yung mga susi nila bago umalis.


Pagkapasok nila ay namangha na naman sila sa interior ng unit. Kahit maraming box dahil sa mga gamit nila ay hindi maikakaila na maganda nga yung unit nila at ang laki.


"Sabi ni Manager Hyung apat lang yung kwarto sa taas pero malalaki naman kaya hindi masikip at may kanya kanyang cr." Paliwanag ni gramps sa mga member niya. Pinagusapan nila kung sinong magkakaroom and ang napagdesisyonan nila na magkakasama ay sina: Baekhyun, Chanyeol at Chen. Luhan, Sehun at Lay. Xiumin, Kris at Tao. And lastly, D.O, Kai and Suho.


Pagkatapos nilang magusap kung sino-sinong magkakasama sa kwarto ay nagsi-akyatan na sila at nagpasukan sa kanya-kanyang kwarto para magayos ng gamit. Habang nag aayos sila ay may isang myembro silang hindi mapakali at parang may hinahanap.


"Huy para kang tanga diyan, anong hinahanap mo?"


"Eh kasi yung panyo ko, yung may logo natin hindi ko makita." Tinignan nito ang kagrupo sandali sabay tingin ulit sa bag.


"Diba gamit mo lang yun kanina sa may airport? Hawak mo yun nung nagpaalam kang magc-cr." Dun niya naalala yung babaeng nakabanggan niya.


"Oh natulala ka dyan Chanyeol? Naalala mo na ba kung nasaan?" tanong ni Baekhyun habang inaayos yung mga damit niya sa cabinet.


"Ahhh oo. Mukhang nahulog ko kanina nung may nakabangga sa aking babae." Napabuntong hininga si Chanyeol. Sayang kasi yung panyo dahil yun pa naman yung paborito niya dahil lahat silang EXO meron nun.


"Hayaan na nga. Mukha namang aalagaan nung nakapulot nun yung panyo ko." Sabi ni Chanyeol sa isip niya  at nagpatuloy na siya sa pagaayos ng mga gamit niya, still thinking about the gurl she bumped into.


Whatever It Takes (Exo 엑소 FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon