[5] New Found Friends

25 0 2
                                    


Chapter 5


"Yah! Chanyeol-ah wag mong pakialaman yan!"


"Kris hyung! Yung medyas ko nakita mo?"


"Kyungsoo-yah! Kyungsoo-yah! Kyungsoo-yah!"


"Hahahahah Troll!!!!"


"Ano ba yan ang ingay!" kinuha ko yung unan na nakapa ko sabay takip sa tenga ko.


Wait? Ingay? Eh mag-isa lang naman ako at soundproof ang buong unit kaya hindi rinig yung ingay sa labas o ng mga katabing unit ah?


I opened my eyes and notice this isn't my room! Napaupo ako agad and check myself. Sht! Bakit ako naka robe lang? I still have my undies which is a boyleg underwear and sports bra na suot ko pero still wala na yung ibang damit ko. Asan ba ako? Bakit may mga naririnig akong boses sa labas? And worse boses mga lalaki pa!


Napaigtad ako ng magbukas yung pinto at pumasok ang isang lalaki and base sa itsura niya ay koreano siya. Agad umikot yung mata para maghanap ng pwedeng pang proteksyon. At nakakita ako ng drumstick kaya agad kong kinuha yun at itinutok sa kanya kaya napatigil siya sa paglapit sa akin.


"WHO THE HELL ARE YOU?! WHY AM I HERE?! WHAT DID YOU DO TO ME?!" I shouted at him at nanlaki naman yung mata niya.


"Miss calm down, okay? Just calm down" at humakbang palapit sa akin.


"STAY WHERE YOU ARE OR ELSE!" tsaka ko pinaikot yung drumstick sa kamay ko na parang arnis yung hawak. Anong akala niyo sa akin lampa? Di kayang lumaban? Master ko kaya ang arnis at blackbelter ako sa taekwondo at judo. One wrong move sa hospital ang bagsak niya!


Lalo namang nanlaki yung mata niya at nataranta. Bigla namang may nagsipasukan pang ibang lalaki at nanlaki yung mata nila ng makita ako. Oo, gwapo silang lahat BUT still hindi ko sila kilala. Humakbang palapit sa akin yung isang lalake na cute pero kahit na cute siya tinutok ko sa kanya yung drumstick na hawak ko kaya napatigil siya. Aba sabi nila looks can be deceiving.


"I'll explain everything, Miss just.....uhmm.....please calm down. We, not bad guys. Actually we are the one who helped you last night when you passed out in the street. We don't know where you live so we.... we...." hindi niya matuloy yung sinasabi niya at nakita kong siniko niya yung maputi at matangkad na lalaki sa tabi niya at bumulong ng rinig ko naman.


"Kris hyung, ikaw na nga kumausap dito nahihirapan ako eh."


"They saw you passed out but they don't know where you live so they just brought you here in our dorm, but don't worry we didn't do anything bad to you." Page-explain nung lalaking tinawag nung lalake kanina na Kris.


Oo nga pala, nilalagnat ako kahapon at nung bumili ako ng gamot ay naabutan ako ng ulan at hinimatay. Binaba ko yung drumstick na hawak ko at tinignan ulit sila. Mukha namang narelieved sila. Then naalala kong nakarobe lang ako kaya inaayos ko yung robe. Mahirap na no!

Whatever It Takes (Exo 엑소 FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon