[4] Unlucky Alex

15 0 0
                                    

OMG BELATED HAPPY 4TH ANNIVERSARY EXO!

Just watched the awards night and as expected the boys slayed it. 6 awards! I'm so proud of my boys! Congrats EXO!

------

Chapter 4

Alex' POV


"Ma'am we're here." Agad bumaba si manong driver para pagbuksan ako ng pinto. Pagkababa ko ay inikot ko yung paningin ko sa lugar. Nice. Mukha namang safe at tahimik.


"Ma'am kailangan niyo pa po ba ng tulong sa pagakyat ng gamit niyo?"


"No, its okay. I can manage. Thank you." I smiled at him and bowed. Bago siya umalis ay inabutan ko pa siya ng tip kahit ayaw niya sanang tanggapin but then I insisted so wala na siyang nagawa.


Pumasok na ako sa apartment at pagpasok ko ay napailing na lang ako sa nakita ko. Bestfriend ko talaga oo. Tumuloy na ako sa unit na sinabi ni Regine. Sabi niya sa akin eh dalawang unit daw yung sa kanya doon at pinadugtong niya. Pagpasok ko sa loob ay bumungad sa akin ang sobrang garang unit. I sighed and chuckled. Very Regina Tuason. The colors and the furniture are very much like her. Namiss ko tuloy agad ang bruha.


Dumiresto higa ako sa kama pagdating sa kwarto. Ano kayang pwede kong gawin at puntahan dito? I can stay here as long as I like. Perks of being a royalty, walang expiration ang visa. Nagpabaling baling ako sa kama ko.


Ano ba yan 30 minutes na akong nakatulala wala pa rin akong maisip! Makakain na nga lang! Nagbihis muna ako ng mas kumportableng damit tsaka lumabas. Nakakita ako ng restau na konting kembot lang yung layo dito nung papunta kami dito kanina.


Wala pang 10 minutong lakaran ay nakita ko na yung kainan na nakita ko kanina. Pumila na ako para umorder, konti lang naman yung tao mga apat. Ako, si Kuyang na nasa harapan ko at isang matandang kumakain dun sa sulok. Natapos makuha nung nasa harapan ko yung order ko ay malamang ako na sunod. Umorder ako ng black bean noodles at kimchi. Nang magbabayad na eh kinapa ko yung bulsa ko pero napahampas ako sa noo ko ng maramdam kong wala dun yung wallet ko at yung panyo lang nung lalake sa airport yung nandun, tsaka ko naalala na nasa bag ko yung wallet ko at hindi ko siya nadala.


"Miss 6000 won lahat." Paguulit nung aleng nasa cashier. Shet! Nakakahiya ka Alex!


"Ahh....pwedeng pa void na lang po yung---" Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko ng sumingit yung kuyang nasa harapan ko kanina. Akala ko umalis na siya.


"Ahjumma eto po yung bayad sa inorder niya atsaka pwede pong humingi ng disposable spoon" Sabi niya sabay abot ng bayad kaya napatingin ako sa kanya at nakita kong nakatingin din siya sa akin at mukhang nakangiti siya sa akin tho hindi ko talaga makita kasi nakafacemask siya pero halata sa mata so I smiled back at him tsaka ako nagbow sa kanya. What's with Koreans and facemasks?


"Salamat. Wag kang mag-alala babayaran kita. Taga-rito ka lang naman diba? Hintayin mo ako kukunin ko lang yung wallet ko"  Tatakbo na sana ako palabas para bumalik sa apartment at kunin yung wallet ko  pero agad niya akong pinigilan at umiling sa sinabi ko.

Whatever It Takes (Exo 엑소 FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon