Maaga pa lang, gising na ako. Ito na ata ang pinakamaagang gising ko sa summer. Paano ba naman, dito daw sasabay ng breakfast sila Andrew with his friends sa rest house namin. Who knows? Baka kasama pala si Mr. Saver ko.
Pagkababa ko sa dining, abala si mommy sa paghahanda, may tumutulong naman sa kanyang isang babae na mukhang ka-age ko lang, I dunno who is she.
"Hi mom, good morning!" Bati ko sa kanya na inilalapag ang dalang pagkain sa table. Napatingin naman siya sakin at ningitian ako.
"Good morning sweetheart! You woke up early, hmm? Why is that?" Mom said while nakatukod yung kamay niya sa may upuan at nakangiti sakin. More like, she was teasing me.
"I dunno mom. Stop teasing me okay?" I said to her while I'm crossing my arms. Tinawanan niya lang ako.
"Oh well sweetheart, mabuti pa at tulungan mo na lang muna kami ni Cassandra dito. Papunta na rin sila Andrew dito."
Agad akong pumunta sa kinalalagyan nila mommy at tumulong na ihanda yung mga pagkain. Tumingin naman sakin yung Cassandra at nginitian ako, nginitian ko na lang din pabalik ito. I don't want to be rude okay?
"Miss Ayesha, pakilagay naman po nitong mga plato sa table o. Kukunin ko pa kasi yung isang ulam dun sa lutuan." Cassandra said. Napatingin naman ako sa kanya, "oh sure." Kinuha ko naman ang mga pinggan na sinabi niya at inayos na ito sa table.
Makalipas ang ilang minuto, natapos na kami sa pag-aayos ng agahan at tama naman ang dating ng pinsan ko kasama ang mga kaibigan nito.
"Tita! We're here!" Napatingin ako ng sumigaw ito sa may pinto ng makapasok, nagtagpo naman ang tingin namin at bigla itong nakangiti ng malaki sa akin. Ang hyper talaga ng isang ito ever.
"Ayesha! Grabe, ang chix mo na talaga! Kung hindi lang kita pinsan baka niligawan na kita!" Sabi nito habang lumalapit sa akin at yakap. I just rolled my eyes to him. "Your so bolero talaga Andrew! But well, maliit na bagay lang yun." Sabi ko naman sabay yakap pabalik sa kanya.
"Oh my gosh Andrew! My favorite pamangkin! You're here na!" Napabitaw kami sa yakapan namin ni Andrew ng biglang nagsalita si mommy na galing pa sa kusina. Agad itong nilapitan si Andrew sabay pisil ng magkabilang pisngi nito. Napatawa na lang ako ng mahina dahil kita sa mukha ni Andrew ang pagkahiya.
Napatingin naman kami sa may pinto ng may biglang tumawa din. Tsaka ko lang naalala na may kasama pala si Andrew. Bigla na lang akong napangiti at hinanap ng mata ko si Mr. Savior. OMG! Ano kayang sasabihin ko sa kanya?!
"Ay tita! Ito nga pala ang mga kaibigan kong kasama ko sa pagbabakasyon. Si Jane, Anika, George, Patrick, Harold, Krisha, at Macky." Sabi niya kay mommy ng makawala sa panggigigil nito sa kanya. Tinuro niya ito isa-isa. Bumati din yung mga kaibigan ni Andrew sa amin.
Bigla na lang akong napasimangot ng hindi ko makita sa kanila ang hinahanap ko. Hindi naman pala kaibigan ni Andrew yung Mr. Savior ko eh! Oh wait, siya nga ba talaga yun? Bigla na lang akong nawalan ng gana.
"Mommy, akyat na lang muna ako sa kwarto." Paalam ko sa kanya habang nakabusangot ang mukha. Nakakadissapoint talaga!
"Huh? Why sweetheart? Andito na sila Andrew oh. Ay wait!" Bigla akong napatigil sa paglalakad ko ng biglang sumigaw ang mommy ko na parang may nakalimutan, "Andrew, where is your other friend? The one who bring Ayesha nung nahimatay siya? Bakit di ko nakita?" Nabuhayan ako bigla sa sinabi ni mommy. So ibig sabihin, kaibigan talaga siya ni Andrew pero di pa nakakarating? OMG!
"Ah, si Kristopher po ba? May pinuntahan lang po saglit, susunod din yun dito. Bakit, gusto ba itong makilala ni pinsan?" Sabi nito na may panunukso at pataas baba pa ang kilay nito.
BINABASA MO ANG
That Summer Guy
Fiksi RemajaAyesha Martinez. The girl who never likes the idea of summer. She hated it because it only gives boredom to her. One day, she and her friends is planning to have a vacation in Mindanao but her mother refuse it because they will be having a family va...