Spell boring?
S-U-M-M-E-R!
Hay nako, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa buhay dito sa Bora! Isipin niyo, ang kasama ko for this freaking 2 weeks eh mga matatanda? Aba, hindi ko naman masasabayan ang trip nila sa buhay no!
Kanina pa ako pagulong-gulong dito sa kama ko. Ayaw ko namang lumabas at baka maprito pa ako sa sobrang init ng panahon. Ayaw ko na palang mag sun bathing, masyadong nakakasira ng skin.
Nilabas Ko na lang ang phone ko tsaka tinignan ang IG account ko. Napasimangot na lang ako ng makita ko yung post ni Lily na paalis na sila. Naiiyak na talaga ako! Gusto ko talagang pumunta sa province nila Lily kasi di pa ako nakapunta doon ever tsaka masaya daw kasi doon eh. Pati Kasama pa friends ko! Diba amazing?
Nagselfie na lang ako habang nakahiga sa kama. Tinaas ko ang kamay ko na hawak ang IPhone 6 ko. Ikiclick ko na sana kaso kasabay non ay biglang may kumatok sa pinto na sanhi ng pagkahulog ng phone sa mukha ko.
"Ouch!"
Napabangon na lang ako bigla sabay hawak sa ilong ko na natamaan ng phone ko. Ang sakit kaya! Try niyo pa eh, kahit itapon ko pa sa pagmumukha niyo. Sino ba naman kasing mapangahas ang biglang kumatok sa pinto?!
"Ayesha, lumabas ka na diyan sa kwarto. Wag ka ng magkulong diyan, ayaw mo bang ienjoy ang magandang tanawin dito sa Boracay? Tsaka don't you know, andito ang iilan ng mga pinsan mo kasama ata mga kaibigan nila. I'm sure makakasundo mo ang mga iyon."
Ops, si mommy pala yung kumatok kaya binabawi ko na ang mapangahas.
Tumayo na lang ako sa kama ko sabay punta sa may pinto at bukas nito.
"Mabuti Naman at lumabas ka na diyan, akala ko di mo na ako susundin at magrebelde ka na lang. Paano na lang ang maganda mong mommy kung ganuon diba?"
Napanguso na lang ako sa sinabi niya.
"Ang feeling mo talaga mom! Kung maganda ka, dyosa ako."
Sabi ko sabay alis na sa harap niya. Sawang sawa na ako sa mga kaOAhan ni mommy eh.
Nang Makalabas na ako sa rest house---syempre naka two piece na ako!--- nakita ko naman agad ang magandang tanawin. Maliban sa dagat, mga abs naman ng oh-la-la na mga fafa. May Mga ganito din kaya sa province nila Lily? Haha! Ano ba naman tong mga pinagsasabi ko.
Nilabas ko na lang ang IPhone6 ko sabay kuha ng selfie na kita ang mga magagandang tanawin. Haha.
@aye_aye_yesha: having a great time here at Boracay! Haaaay, just chillin' with a great view!
Pagkatapos ko yung ipost, agad naman na may nagcomment at like dito.
@jamesroy: ang ganda mo talaga Yesh, bakit mo pa pinapatagal yung paghihirap ko?
I frowned of what he commented. Hay nako! Nakakainis talaga ang lalaking to, san ba sa ayoko ang di niya maintindihan? Choosy kaya ako sa lalaki.
Dinedma ko na lang ang comment niya at binasa yung iba.
@ohsoprettyfiona: OMG girl! Who's that? Akala ko ba boring summer mo? Pero bakit may fafa diyan?!
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Alam kong maraming papa dito pero anong pinagsasabi niya?
@blahblanche: bat di mo sinabing may kasama ka palang hot guy diyan? Sana pala sayo na lang ako sumama!
Mas lalong napakunot ang noo ko. Ano ba tong mga babaeng to?
BINABASA MO ANG
That Summer Guy
Novela JuvenilAyesha Martinez. The girl who never likes the idea of summer. She hated it because it only gives boredom to her. One day, she and her friends is planning to have a vacation in Mindanao but her mother refuse it because they will be having a family va...