Chapter 2

11.9K 359 19
                                    

             
Chapter 2
    
   
Dumating ang araw ng kaarawan ng kapatid ni kuya Eron at pumunta nga kami sa bahay nila. Marami ang bisitang dumalo lalo na ang mga bata.

Hindi rin naman ako tumagal doon at kumain lang dahil nga hindi ko naman din makakausap si kuya Eron.

Wala na akong pag-asa diba? Ayos na sa akin na nakausap siya ng malapitan nung pumunta siya ng bahay. Actually, I never imagined that to happen.

Lumipas ang mga araw at hindi na talaga nasundan ang pag-uusap naming dalawa. Hindi ko na rin siya nakikitang nageexercise sa likod ng bakuran nila tuwing umaga. Marahil alam niya na bibusuhan ko siya.

Lumipas ang ilang linggo at isang buwan, hindi ko na talaga siya nakikita.

Kahit ni isang beses hindi ko na siya nakikita. Baka naman nagpalit siya ng shift o baka nagkakasalisihan lang kami. Pero mas okay na ng hindi ko siya nakikita para makalimutan ko na siya. Kahit hindi iyon madali, alam kong mawawala rin ito. Hindi pa naman ako gaanong nahuhulog sa kanya. Sana nga.

Lumipas pa ang ilang linggo at hindi ko na siya tuluyang nakita pa. Hanggang sa nabalitaan ko na lang na nasa ibang bansa na sila. Sa kanilang mga magulang. Kung hindi pa sinabi ng kapatid ko, hindi ko pa malalaman. Sabi nito, doon na raw titira ang mag-anak.

Nalungkot ako syempre, pero hindi naman iyon nagtagal at habang lumilipas ang araw unti-unting nakakalimutan ko na siya.

Lumipas ang limang taon nakatapos na ako sa pag-aral at nakapagtrabaho na ako sa isang kompanya. Tuluyan ko ng nakalimutan si kuya Eron at sa tingin ko naman nakapag-asawa na siya.

Nakailang boyfriend na rin ako. Pero hindi tumatagal dahil ewan ko ba wala man lang akong nararamdaman na kahit ano. Siguro ifatuation lang at pagkagusto pero ang mas higit pa roon, hindi pa.

I never encountered sex also dahil ewan ko rin, ayaw kong subukan. Pakiramdam ko kasi kapag nakipagtalik lang ako at lust lang ang naramdaman, mawawala ang dignidad ko.

Isa rin iyon sa dahilan kung bakit nakikipaghiwalay ang mga boyfriend ko sa akin or vice versa. Hanggang first base lang ako. Halikan lang. Ganun. Pabebe ba ako? Parang hindi naman. Ahahaha.

After ng break-up namin ni Caleb. Ang ikatatlang boyfriend ko, hindi na ako muling nagkaboyfriend pa. Itinuon ko na lang sa trabaho at pamilya ang atensyon at panahon ko.

"Bakit ka magreresign Frey?" Tanong sa akin ng katrabaho ko pagdating ko sa table ko. Galing ako sa HR at katatapos ko lang ipasa ang resignation ko.

"Mag-aabroad kasi ako. Sa States. Kukunin kasi ako ng Tita ko para doon magtrabaho. Maganda kasi roon dahil may naghihintay na sa akin na trabaho."

"Ganon ba. Sabagay, malaki naman talaga ang sahod kapag nasa ibang bansa ka, hindi gaya dito sa Pinas na magkakandakuba ka na sa pagtatrabaho eh kakarampot pa rin ang kinikita mo."

"Oo nga eh. Kaya pumayag na lang talaga ako. Besides, ayaw ko na rin rito dahil suplado si Boss."

"Sinabi mo pa. Ako rin nagpaplano na umalis dito. Maghahanap ako ng ibang kompanya."

Kinabukasan naaprubahan ang resignation letter ko and after three days, umalis na nga ako sa kompanya.

Sinumulan ko kaagad kumuha ng mga requirements at nag-ayos ng mga papeles para makalabas ng bansa. After almost two months nakaalis na nga ako.

Tumuloy agad ako sa tinutuluyan ni tita sa America. Meron siyang apartment na nirerentahan niya roon.

Matagal na si tita sa America pero hindi siya bumibili ng bahay. Instead kasi na ipapagawa niya ng bahay dito eh sa Pilipinas na lang siya magpapatayo. Wala naman siyang balak na tumira ng matagal. Actually uuwi na siya sa susunod na limang buwan.

Living with him (Manxboy Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon