Chapter 3
Kinabukasan, maaga akong nagising. Maaga naman talaga akong gumigising dahil sa trabaho ko.Tulog pa si kuya Eron nang tingnan ko siya sa side ko. Nagkaroon ako ng pagkakataon para pagmasdan siya ng mabuti. Grabe naman ang kagwapuhan ng lalaking 'to. Kahit tulog ang gwapo pa ring tingnan.
Mula sa maamong mukha, bumaba ang tingin ko sa katawan niya. Wala siyang kumot at tanging boxers lang ang saplot. Nagulat nga ako kanina ng makitang halos hubo't hubad na siya tapos nasa tiyan pa niya ang kamay ko. Pinamulahan tuloy ako ng pisngi at bigla akong kinabahan.
Mabuti na lang at hindi pa siya nagising dahil 'pagnagkataon, nakakahiya talaga ng sobra at wala na akong mukhang ihaharap sa kanya. Pero sa kabila nun, napangiti ako. Gosh! For the first time, nahawakan ko ang abs niya. Kyaaah! Ang sarap kayang hawakan nun.
Landi ko talaga.
Bumaba pa ang tingin ko at napako roon sa nakaumbok niyang ano. Napalunok ako dahil nakatayo talaga at parang mapupunit na ang natitirang saplot na nakabalot dito. I wonder how big is it.
"Busog ka na niyan Frey?" Bigla akong naitulos sa aking kinauupuan nang magmulat siya ng mata at nagsalita. "Touch me if you want." Dagdag pa niya. Nakangiti siya ng nakakaloko kasama na ng kanyang mata.
"Ah eh." Nauutal na sambit ko. Mabilis pa sa alas kwatro na umalis ako at tinungo ang banyo. Pagpasok doon, sumandal ako sa pader habang hawak ng isang kamay ko ang dibdib ko. Oh my G. He caught me staring at his greek god like body.
I think wala na akong mukhang ihaharap sa kanya. Waaah! Ang tanga ko naman kasi na titigan yung katawan niya lalo na sa nakabukol niyang alaga sa boxer shorts niya. Sorry lang naman ang ganda kasi ng view pero yun nga lang nahuli ako.
Tumagal ako sa banyo dahil sa hiyang nararamdaman ko. Nawala na ang kaba ko subalit yung hiya nandoon pa rin. Pero dapat maging normal pa rin ako. Matanda naman na kami and after all, we are in America.
Nakatapis ako ng tuwalya habang may nakasukbit din ng ganito sa leeg ko. Hindi naman ako nahihiyang ipakita ang katawan ko kahit pa walang muscles. Maputi naman ako at may laman kaya hindi masagwang tingnan.
"Ang tagal mo naman Frey." Napasinghap ako nang pagbukas ko ng pinto si kuya Eron ang bumungad. May nakasukbit din na tuwalya sa balikat niya. Mukhang maliligo siya.
Nakaboxer pa rin siya. Napako na naman ang tingin ko sa maskuladong katawan niya pero iniwas ko agad iyon dahil baka mahuli na naman niya ako.
"P-Pasensya na kuya. S-Sige maligo ka na." Nahihirapang sabi ko bago lumabas ng pinto ng banyo at nilampasan siya. Pero bago pa man ako nakalagapas sa kanya pinigilan niya ako sa pamamagitan ng paghawak ng kamay ko. Nakuryente ako dahil dun.
Ito ang ikalawang pagkakataon na nahawakan ko ang kanyang kamay. I realize that I'm not totally over him. Pakiramdam ko naging buo ako. Ito siguro yung sinasabi kong may kulang pa sa buhay ko.
"B-Bakit kuya?" Tanong ko sa kanya. Hindi siya nagsalita at mataman lang nakatitig sa akin. Salong-salo ko ang kanyang mata na kulay tsokalate.
Sumunod ang nakakabinging katahimikan. Hindi rin ako nakakapagsalita dahil sa kabang nararamdaman ko at yung fact na nakahawak ang kamay niya sa akin.
"K-kuya." Muling sambit ko. Mukhang natauhan naman siya at binitawan ang kamay ko.
"Ah eh w-wala. Maliligo na ako Frey." Sabi niya at tumalikod at pumasok ng banyo. Naiwan lang ako sa kinatatayuan ko. Ang lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko.
Bakit kaya hinawakan ni kuya ang kamay ko at tila bang may gusto siyang sabihin.
Mabilisan lang ang pagbihis ko at pumunta ng kusina. Maghahanda ako ng almusal.
BINABASA MO ANG
Living with him (Manxboy Short Story)
Cerita Pendek[COMPLETED] [Short Story] Hindi inaasahan ni Frey na makakasama niyang maninirahan sa isang apartment nang pumunta siya ng America ang taong palagi niya sinisilipan noon.