Chapter 5
FREY
"Frey lumabas ka na. I'm worried kanina ka pa nandiyan." Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong tinawag ni kuya Eron mula sa labas ng banyo at kung ilang beses ko na rin siyang hindi sinasagot.Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit ako nagtatampo at nasasaktan.
"Frey! Please, lumabas ka na." Pamimilit pa rin niya.
I decided to go out. Ang panget kasi kung magtatagal pa ako rito. Baka kung ano pa ang isipin ni kuya sa akin. Alam ko naman na wala na ang babae sa apartment namin dahil sinabi niya iyon sa akin kanina.
But before that, humugot muna ako ng malalim bago nagdesisyong lumabas ng banyo.
Again, I heave a deep sigh bago binuksan ang pinto. Agad na sumalubong sa akin ang nag-aalalang mukha ni kuya Eron pero hindi ko iyon pinansin at dumeretso na ako sa kama. Alam kong nakasunod siya sa akin pero wala akong pakialam. Tumalikod akong humiga sa kanya.
Hindi ko dapat nararamdaman ito. Walang kami ni kuya Eron at wala akong dapat ipag-alala kung may kahalikan siyang babae.
Gosh! I'm starting to hate myself right now.
"Is there something wrong Frey? Bakit ka nagkulong sa banyo? Nag-alala ako sayo. May sakit ka ba? Diba masakit 'yang ulo mo?" Sunod-sunod na nag-aalalang tanong niya.
"Okay lang ako kuya. Pagod lang ako sa trabaho. Don't worry. I just need some rest." I said.
"Ganun ba?" I heard him sigh. "If you need anything just call me, okay." Sabi niya at naramdaman kong umalis siya. Ako naman nanatiling nakahiga lang. Dala ng sakit ng ulo, hindi ko namalayan na nakatulog ako.
Paggising ko, nadatnan kong naghahanda si kuya Eron ng pagkain sa mesa. He smiled when he saw me na papalapit sa kanya.
"Are you okay now Frey?" I nod as an aswer. "Come here, let's eat." Anyaya niya. Bahagya akong ngumiti.
Dumeretso ako sa sink at kumuha ng baso sa taas ng cabinet at nagmumog. Pagkatapos, umupo na ako sa mesa paharap sa kanya. I'm not totally over in the unknown feeling towards him but I need to act normal. I just realized na hindi dapat ako magpaapekto. Ako ring madedehado sa huli.
Ang hirap kasi dahil kahit lumipas na ang ilang taon ay gustong-gusto ko pa rin si kuya. And I admit na naging buo ako nang makita siya ulit. Hindi ko alam pero parang siya ata ang pumuno ng kakulangan na nararamdaman ko sa aking buhay.
Naiilang ako sa presensya niya pero hindi ko na lang siya tiningnan. Tahimik kaming kumakain at tanging ingay lang ng nagsasalpukang mga kubyertos at pinggan ang maririnig. Wala akong balak magsalita at gusto ko na matapos na ang araw na ito though I want to see him all the time.
Kainis naman kasi. Bakit ganito pa ang nararamdaman ko? Mismong sarili ko, hindi ko mawari.
Mabilis ang naging pagkain ko at tumayo na kaagad, mabilis ding hinugasan ang pinagkainan at dumeretso ng banyo. Mabuti na lang at di masyadong nagtatanong si kuya kaya nakakahinga ako ng maluwag.
Baka iniisip niya na may sakit lang siguro ako dahil ganito ako. Kung alam niya lang na selos ang nararamdaman ko dahil sa ginawa niya. Uo, nagseselos ako at naiinis nga ako sa sarili ko dahil wala naman akong karapatan para magkagano'n.
Mabilis lang akong nagpunas ng katawan. Kanina hindi ako nakapaglinis dahil nga sa nakita ko at tumambay lang ako sa banyo ng ilang oras.
Nakasando lang ulit ako at nakaboxer. Kasalukuyang nakahiga si kuya ngayon sa kama na nakaboxer lang din. Mukhang nasasanay na ako na ganito siya dito sa apartment. Pero hindi ko parin maiwasan na mamangha sa perpektong katawan niya. Pero dahil sa masama ang loob ko ngayon, tila bang walang naging epekto sa akin ito ngayon.
BINABASA MO ANG
Living with him (Manxboy Short Story)
Short Story[COMPLETED] [Short Story] Hindi inaasahan ni Frey na makakasama niyang maninirahan sa isang apartment nang pumunta siya ng America ang taong palagi niya sinisilipan noon.