Chapter 4

9.2K 297 10
                                    


Chapter 4

    
"I f*cking want you." Sabi ni kuya nang hiniwalay niya ang labi sa akin.

"Damn!" At muli na naman niya akong hinalikan. This time agressive na siya.

I admit that I like it pero natauhan ako kaya naitulak ko siya. Nagtagumpay naman ako at bumagsak siya sa tabi ko. Mukhang nabigla rin siya kaya napaupo sa higaan.

"Oh f*ck! Sh!t! I-I'm sorry Frey. I-I didn't mean to do tha. I was just...uhm... F*ck!" Pagpapasensya niya. Tigagal ako at gulat pa rin sa nangyari.

Bakit niya ako hinalikan?

Bakit parang ganon si kuya? "O-Okay lang kuya." Sabi ko at bumalik sa pwesto ko. Anong okay lang Frey?

Okay na okay kaya.

Ay anu ba 'yan. Nakukuha ko pa talagang magbiro.

"G-Good night kuya."

Kinakabahan pa rin ako at gulat pa rin sa nangyari. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at nag-good night din siya sa akin bago humiga.

Pinilit kong ipikit ang mata at huwag isipin ang nangyari. Pero wala eh. Hindi mawala sa utak ko. Ewan ko kung makakalimutan ko pa ito.

Ilang oras din ang hinintay ko bago ako dinalaw ng antok. Matagal din bago humupa ang kabang nararamdaman ko.

Kinabukasan, wala na si kuya Eron sa tabi ko. Nauna ata siyang gumising sa akin. Bigla namang bumalik sa akin ang lahat ng nangyari kagabi. Hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin ang malambot niyang labi sa labi ko.

Tumayo na ako at dumeretso na ng kusina. Laking gulat ko nang makita siyang nagluluto. Hindi na ako nagulat kung marunong siyang magluto dahil matutunan mo naman talagng magluto kapag independent ka na.

Nagulat lang ako kasi nakaboxer pa rin siya pero ngayon nakasuot siya ng apron. Kahit likod lang niya ang nakikita ko hindi ko pa rin maiwasan ang humanga sa hubog, ganda at kakisigan ng kanyang katawan. Pinagpala talaga ang lalaking 'to.

Matagal din ako nakatitig sa katawan niya bago naisipang lumapit sa kinaroroonan niya para kumuha ng baso. Naramdaman niya ata ako kaya napaharap siya sa akin. Mas lalo akong napahanga dahil kahit magulo ang kanyang buhok napakagwapo pa rin at bagay ito sa kanya. Kung ganito lang siguro ang makikita mo tuwing umaga, ewan ko lang kung hindi magiging buo ang araw mo.

"Morning." Nakangiting bati niya. Mabango yung niluluto niya. Maliban kasi sa ininit niyang pagkain kagabi may niluto pa siya. Hindi ko alam kung ano ang tawag pero sa tingin ko masarap at mabango. Pero wala na sigurong mas sasarap at babango sa kanya.

Kailan pa ako naging malandi ng ganito?

"Good morning too kuya." Kumuha na ako ng baso at nilagyan ng tubig para makapagmumog. Kasabay nang pagkatapos kong magmumog at maghilamos ay siya namang pagkatapos niya sa niluluto.

Hinain na niya ito at tinulungan ko siya tapos kumain na kami. Mabilis lang din kaming kumain.

Ako ang naunang naligo dahil siya naman ang naghugas ng pinagkainan namin.

Parang awkward yung atmosphere namin ni kuya dahil simula ng kumain kami hanggang sa makaalis ng bahay ay hindi kami nagkikibuan at umiiwas lang ng tingin sa isa't-isa.

Ganon pa rin ang nangyari sa trabaho ko kaso kinukulit na naman ako ni James. Pinoy din siya at nanliligaw sa akin. Nakakainis dahil palaging text ng text at sunod ng sunod sa akin. Hindi niya ako kinulit ng isang buwan dahil wala siya at umuwi ng Pilipinas. Akala ko nga hindi na siya babalik pero ito, bumalik siya ngayon.

Living with him (Manxboy Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon