Chapter 14

410 11 1
                                    

NAPANGITI ako nang matapos kong ipatag ang lupa sa paligid ng itinanim kong maliit na halaman na balang-araw ay magiging isang puno. Feel na feel ko ang Plant-A-Tree project ng school community service club dahil mahilig ako sa nature. Balang-araw, babalik ako sa gubat na iyon sa Batangas para makita na puno na ang mga itinanim ko. Sana lang, matandaan ko ang eksaktong location kung saan ko itinanim ang mga ito.

Lumipat ako sa kabilang parte ng lupa na may marka at nagbungkal doon.Habaqng nagbubungkal ako ay hindi ko maiwasang tingnan ang kinaroroonan ni Calix. Kasama siya sa Plant-A-Tree project bilang ikatlo at huling partisipasyon niya sa community service bilang parusa sa school offense.Malayo ang puwesto niya.Nakita ko siyang nagbubungkal din ng lupa.

Bigla siyang nag-angat ng mukha at tumingin sa direksiyon ko na para bang naramdaman niyang nakatanaw ako sa kanya. Nagtama ang mga paningin namin. Nag-iwas kaagad ako ng tingin.

Feeling ko, may secret M.U. sila ni Maui. Parang kinukurot ang puso ko kapag naaalala ko kung paano dinampi-dampian ng bulak ni Maui ang sugat sa mukha ni Calix. Ganoon mag-alaga ang isang girlfriend. Baka nga talagang may relasyon sila.

"What's wrong?" tanong ni Gilbert na hindi ko alam na nasa tabi ko na pala at nakatunghay sa ginagawa ko. "Bakit malungkot ka?"

"Ano ba talaga ang trabaho mo? Ang mag-observe ng pagtatanim ng volunteers o mag-observe ng mood namin?" Ngumiti ako.

Ngumiti rin siya. "Actually, ang mood mo lang ang napansin ko.Pagod ka na ba?"

"Hindi, ah! Kahit mga isandaang puno, kaya kong itanim. 'Wag mo akong intindihin. Okay lang ako. May naalala lang ako bigla na nakakalungkot. Pero okay na ako. Oo nga pala, allowed ba tayong i-explore ang gubat pagkatapos natin dito?"

"Hindi, eh. Hindi tayo pinayagan ni Ma'am Olivar," tukoy niya sa adviser ng club na sumama para i-ensure ang safety namin.

"Kahit saglit lang? Kahit during breaktime lang."

"I'm sorry, Nadine. Kailangan nating sumunod sa superior. Baka nga naman mapahamak tayo. This is the safest spot in this forest kaya dito lang tayo dinala."

Tumango na lang ako. Gusto ko sanang ma-explore ang kakahuyan. Sayang.

Nang breaktime na ay kumain ng lunch ang lahat.Hindi kami magkasamang kumain ni Gilbert dahil ang kasabay niya ay si Mrs. Olivar. Habang kumakain ako katabi ang ibang miyembro ng club ay namataan ko si Calix na mag-isang lumakain sa ilalim ng puno.Napansin kong wala siyang inumin. Mukhang pagkain lang ang kinuha niya at hindi siya dumampot ng bottled water mula sa ipinamahagi ng ilang members.

Wala ba talaga siyang pagpapahalaga sa buhay niya? Paano kung mabulunan siya at wala siyang inumin? Hindi ba siya natatakot na ma-choke to death? Kunsabagay, pagkaka-choke pa ba ang ikakatakot niya? Samantalang walang habas niyang inihahambalang ang sarili sa gulo?

May pag-asa pa bang magbago ang isang Calix Roque?

Naniniwala pa rin ako na hindi siya ganoon kasama pero gusto ko siyang magbago. Gusto kong iwasan na niya ang pagsabak sa mga gulo at pagiging isang gangster. Sinabi ko sa sarili ko noon na susubukan kong pagbaguhin siya. Pero mukhang kasama sa kahibangan ko noon ang isiping kaya ng isang tulad niya na iwan ang ganoong klaseng buhay.

Tapos nang kumain si Calix pero hindi siya kumuha ng tubig. Sa halip ay lumakad siya palayo, papasok sa liblib na parte ng kakahuyan. Naalarma ako. Ang first instinct ko ay sundan siya dahil baka kung ano ang gawin niya sa kakahuyan. Baka maligaw siya, matuklaw ng ahas o mahulog sa bangin. Hindi ko akalaing gusto kong protektahan ang isang taong walang pakialam sa buhay niya.

Sumimple ako ng pag-eskapo para walang makakita sa akin sa pagpasok sa liblib na parte ng kakahuyan.

MUNTIK na akong mapatili nang may sumaklit sa braso ko habang naglalakad ako sa trail. Hinila ako ng taong iyon sa ilalim ng puno.

"Anong ginagawa mo?" tanong ni Calix na siyang humila sa akin. "Hanggang dito ba naman ini-stalk mo 'ko?"

Kumawala ako sa pagkakahawak niya sa braso ko. "Bakit ka kasi pumunta rito? Delikado rito."

"Walang deli-delikado sa 'kin. Bakit mo 'ko sinundan?"

"Gusto ko lang paalalahanan ka na—"

"Na-miss mo ba ako kaya mo ako sinundan?"

"Huh?" Namilog ang mga mata ko. "H-Hindi, no! Ba't naman kita mami-miss?"

Ngumisi si Calix at ipinagpatuloy na ang paglalakad. Sinundan ko lang siya ng tingin. Hindi ko siya dapat sundan. Dapat ay umalis na ako at bumalik na sa mga kasama namin. Ni-remind ko ulit ang sarili ko na kailangan ko na talagang layuan si Calix.

"'Wag ka nang lumayo. Bumalik ka na doon dahil bawal daw tayong lumayo. 'Wag kang pasaway. Baka imbes na ito ang huling pagsama mo sa amin, madagdagan pa."

Hindi ako pinansin ni Calix na patuloy sa paglalakad.

"Bahala ka na nga! Babalik na ako doon." Tumalikod na ako at humakbang sa path na pabalik sa mga kasama namin. Pero hindi pa ako gaanong nakakalayo sa puno ay hinagip ni Calix ang kamay ko at hinila ako papunta sa direksiyong tinatahak niya kanina.

Hindi ako nakahuma. Nagpatangay ako sa kanya. Paano ba naman... hawak niya ang kamay ko. Para akong timang na nakatulala habang nakatitig sa kamay naming magkalapat.

Holding hands.

Magka-holding hands kami!Naalala ko ang eksenang magkahawakng mga kamay sina Reid at Mela. Parang ganoon ang eksenang nangyayari ngayon sa amin ni Calix.Sinaway ko ang sarili ko dahil pakiramdam ko ay kinikilig ako.

Tumigil ka, Nadine! Hindi ba at sinabi mong kakalimutan mo na ang gangster stories na iyon? asik ng isip ko.

Pinilit kong bawiin ang kamay ko mula kay Calix nang mahimasmasan ako. Kaya lang ay hindi niya pinakawalan iyon. "Bitiwan mo 'ko, Calix. Kailangan ko nang bumalik doon. Ayokong mapahamak."

Tumigil sa paglalakad si Calix at nilingon ako pero hindi pa rin pinakawalan ang kamay ko.

"Kaya mo ngang harapin ang mga kalaban ko, tapos sa gubat lang, takot ka?"

At talagang ipinapaala pa niya ang kahibangan ko noon. "Hindi ako natatakot. Umiiwas lang ako sa disgrasya."

"Hindi mo naisip 'yan noong umeksena ka sa rambol namin ng mga kaaway ko."

"Tigilan mo na nga ang pagpapaalala sa akin ng kahibangan ko dati!"

Ngumisi si Calix. "Tara na. Ang baduy naman kung nakapunta nga tayo rito pero hindi man lang natin na-explore ang nature.Habang breaktime, let's explore the forest. Don't worry, hindi ko hahayaang mapahamak ka."

Dapat ay pinanindigan ko ang desisyon kong huwag pumunta sa gubat kasama siya pero hindi ko magawang makapagsalita para tumutol sa sinabi niya. Gusto ko naman talagang i-explore ang gubat bago pa ako mapadpad doon. Gusto kong i-explore ang gubat kahit mapanganib.Gaya nang gusto kong makasama si Calix kahit mapanganib.

Hinila ulit ako ni Calix at nagpatangay ako.Hindi naman daw niya hahayaang mapahamak ako. Naniniwala ako sa kanya kahit sinasabi ng iba na hindi ako dapat magtiwala sa isang tulad niya.

St. Catherine High 1: I Knew He Was Trouble By Heart Yngrid (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon