Chapter 20

1.3K 28 14
                                    

DALAWANG araw nang hindi pumapasok si Calix at hindi ako kinokontak o sumasagot sa tawag ko. Nakasalubong ko si Magz at naglakas loob akong itanong kung nasaan si Calix pero sinabihan niya akong "Stay away from him, bitch." Halatang galit siya sa akin.

Mukhang nakarating na sa mga miyembro ng Mercurial ang nangyari. Mukhang naramdaman na ng gang ang epekto ng ginawang pagluhod ni Calix sa miyembro ng Ruckus Gang.Siguradongdisappointed sila kay Calix at ako ang dahilan kung bakit nasira ang reputasyon ng lider ng Mercurial.

Naglakas-loob akong pumunta sa tambayan ng Mercurial pero bago pa ako makarating doon ay nakasalubong ko si Tony at sinabi sa aking huwag na akong lalapit sa teritoryo ng Mercurial dahil mainit sa akin ang buong gang. Ako raw kasi ang dahilan kung bakit pinagmukhang gago ni Calix ang sarili niya. Ipinagkalat ng Ruckus ang kuwento sa likod ng pagluhod ni Calix sa larawang nag-circulate sa buong Ruckus at Mercurial. Pinagtatawanan ng Ruckus si Calix dahil isang babae lang daw pala ang naging dahilan para ma-defeat ang lider ng Mercurial.

Pag-uwi ko sa bahay ay naabutan ko si Mommy na may kausap. Nagulat ako nang makita si Calix na nakaupo sa sofa namin. Papasok nasa ako para kunin ang atensiyon nila pero natigilan ako sa sinabi ni Mommy kay Calix.

"Umalis ka na, Calix. At huwag na huwag ka nang makalalapit-lapit sa anak ko."

"I'm sorry po. Kasalanan ko po ang lahat. 'Wag po sana kayong magagalit kay Nadine dahil wala siyang kasalanan." Ipinatapat na ba ni Calix kay Mommy na isa siyang gangster dahil sa guilt?

"Umalis ka na at ayoko nang makita ang pagmumukha mo."

"Mommy!" Hindi ko matanggap na sinabihan ni Mommy ng ganoon si Calix.

Tumayo si Calix nang makita ako. Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.

"Pumanhik ka sa kuwarto mo, Nadine!"matigas na utos ni Mommy.

"Pero, Mommy, kailangan ko munang makausap si Calix."

"Pumanhik ka sabi!" Niyon lang ako nasigawan nang ganoon ng mommy ko.Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya.

Wala akong ginawa buong gabi kundi ang mag-iiyak sa loob ng kuwarto ko.Mukhang iyon na ang katapusan ng pagkakaibigan namin ni Calix.Pinagbilinan siya ng mommy ko na huwag nang lalapit pa sa akin. Hindi ko man lang nasabi kay Calix ang tunay kong feelings para sa kanya.

Hindi ito ang inaasahan kong magiging takbo ng mga pangyayari sa real-life gangster love story ko.

"CALIX!" tawag ko sa kanya nang bumungad ako sa "lair" niya.Sumubok lang ako na makikita ko siya roon kaya nabuhayan ako ng loob nang maratnan siyang nakaupo sa armchair desk doon.

Tumingin siya sa akin at isinampay ang beats sa leeg niya. Malamlam ang mga mata ni Calix.

"Bakit mo sinabi sa mommy ko na ikaw ang may kasalanan?" tanong ko nang makalapit ako sa kanya."Ako ang may idea na itago mo ang pagiging gangster mo sa kanya.Ako ang may kasalanan."

Tumayo si Calix at hinarap ako. "Kung hindi ako pumayag, hindi mo magagawang lokohin ang mommy mo kaya ako may kasalanan."

Umiling ako. "Bakit mo sinabi?"

"Dahil hindi na kaya ng konsensiya ko na lokohin ang mommy mo. Napakabait niya para lokohin lang natin."

"Iyon lang naman ang kasalanan natin. Naglihim lang naman tayo tungkol sa isang bagay sa pagkatao mo. Pero ikaw pa rin 'yong taong nakilala niya. Akala niya siguro nagpanggap kang ibang tao. Pero kung mapapaliwanagan ko siya nang mabuti, maiintindihan niya. Lalo na kapag nalaman niya ang pinadaanan mo at mga pinagdadaanan sa buhay. Alam ko, maiintindihan rin niya kung bakit ka naging ganyan."

Umiling si Calix. "Naiintindihan ko ang mommy mo. Gusto ka lang niyang protektahan. Mapapahamak ka lang sa isang tulad ko. At tama naman siya na hindi ka dapat makipaglapit sa isang tulad ko. She almost lost a daughter because of me."

"Calix..."

"Kapag naiisip kong nanganib ang buhay mo nang dahil sa akin, nagagalit ako sa sarili ko. Alam kong puwedeng mangyari ito. Pero nakipagkaibigan pa rin ako sa 'yo. Kahit hindi dapat. I should have had control with my feelings. Hindi ko na kilala ang sarili ko simula nang mahulog ako sa 'yo."

Napamaang ako.

"I have special feelings for you, Nadine.I liked you more that just a friend. Kaya nga napilitan akong gumawa ng school offense para makasama ka. Kahit magmukha akong estupido sa pagva-vandalize ng pader ng school, ginawa ko para obligahin ako ng discipline committee na sumama sa community service club kasi nandoon ka. Nagseselos kasi ako kapag nakikita ko kayo ni Gilbert na magkasama."

Hindi ako makapaniwalang ako pala ang dahilan kung bakit nagawa ni Calix na mag-vandalize sa school.

"I wanted to be near you pero gusto kong magkaroon ng barrier sa pagitan natin para makontrol ko ang sarili ko from wanting to be closer to you. Pero hindi ko pa rin napigilan ang sarili ko. Nang mag-open up ako sa 'yo tungkol sa buhay ko, pakiramdam ko, parte ka na ng buhay ko at gusto kong makasama ka. Pero aware pa rin akong hindi tayo puwede dahil maraming hadlang. My life is a mess I can't drag you in it. I know your parents won't approve of me. At ayokong ako pa ang maging dahilan para suwayin mo sila. Kaya kahit gusto kong magtapat ng feelings sa 'yo, pinigilan ko ang sarili ko. My last option was to be a friend to you in the meantime.

"Hindi ako makapaniwalang kaya kong gawin ang ganoon, Nadine. I didn't imagine myself possessing that kind of self-control.I used to be reckless and impulsivelike how a delinquent teenager would usually behave. But when I started to like you, feeling ko, nag-mature akong bigla.Suddenly, I wanted to be a normal teen.Ayoko nang maging delinkuwente. Ayoko nang maging gangster. Gusto ko nang baguhin ang buhay ko pero hindi ganoon kadali. Kaya naisip kong hindi puwedeng maging tayo.I just want to keep you with me kaya kinaibigan muna kita.Kinabigan kita nang pasekreto. Hindi ko alam na mapapahamak pa rin nang dahil sa akin."

Namasa ang mga mata ko. "Calix...pareho lang naman tayo ng nararamdaman, eh. Gusto din kita."

Ngumiti nang mapait si Calix. "I had a feeling that you do.At masaya ako dahil pareho tayo ng nararamdaman. Pero hindi puwede. Hindi pa tayo puwede sa ngayon. Sabi ko naman sa 'yo, 'di ba, may tamang panahon para sa pag-ibig?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Gusto kitang protektahan, Nadine. Ayokong masaktan ka at magulo ang buhay mo nang dahil sa akin. So, I think kailangan ko munang lumayo."

"A-Alis ka?"

Tumango si Calix. "Umalis na ako sa gang dahil hindi ko na kayang maging lider pagkatapos ng pagsira ko sa image ng Mercurial. Lalayo muna ako. Mawawala muna ako. Aayusin ko muna ang buhay ko.Apart from my life as a gangster, alam mo kung gaano kagulo ang buhay ko, 'di ba?"

"Iiwan mo 'ko?" Tuluyan nang pumatak ang mga luha ko na kaagad na pinawi ng mga daliri ni Calix.

"Muna. Pero babalik ako. Kapag naayos ko na ang buhay ko, kapag sigurado na akong hindi mo ikakapahamak na makasama ako. Babalik ako kung gusto mo pa akong bumalik sa buhay mo. Kung wala pang ibang nagmamay-ari sa puso mo pagbalik ko. Bata pa naman tayo. Hindi natin kailangang magmadali."

Yumakap ako sa kanya at ipinagpatuloy ang tahimik na pagluha. Tama naman si Calix. Mga bata pa kami. Hindi pa dapat pina-prioritize ang pag-ibig lalo na kung maraming issues sa personal na buhay na kailangan munang pagtuunan ng pansin at ayusin. Nakakamangha na sa isang gangster ko pa natutunan ang tungkol sa bagay na iyon.

a<4

St. Catherine High 1: I Knew He Was Trouble By Heart Yngrid (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon