Chapter 13

418 10 0
                                    

TATLONG araw nang hindi pumapasok si Calix. Hindi ko naman malapitan sina Mark, Magz at iba pang miyembro ng Mercurial Gang para itanong kung bakit absent si Calix at kung mayroon bang masamang nangyari sa kanya dahil baka kung ano ang isipin nila. Nag-aalala ako kaya pagkatapos ng klase ay nag-decide ako na puntahan ang hideout ng Mercurial para lang makita kung okay siya.

Ang balak ko ay gawin ay sisilip lang ako at pagkatapos ay aalis na kung makikita ko si Calix doon na nasa mabuti namang kalagayan.Para akong ninja na ingat na ingat ang bawat paghakbang at panay ang linga sa paligid habang nilalakad ang papunta sa gilid ng abandonadong bodega.

Nang makarating ako sa bintanang madumi ay idinikit ko ang mukha ko para silipin ang nasa loob. Nakita ko si 'makeup girl' at ang dalawa pang babae. Busy ang lahat sa kani-kaniyang gadgets. Mukhang isa sa kanila ang may pocket wifi. Parang sila lang tatlo ang naroon. Wala si Calix sa dating kinakapuwestuhan niya habang nagbabasa ng libro noong una ko siyang nakita roon.

Nasaan na kaya si Calix? Sana naman walang nangyaring masama sa kanya.

Napasinghap ako nang may biglang humawak sa balikat ko at iniharap ako't itinulak para lumapat ang likod ko sa pader.Si Tony na semi-kalbo ang ulo ang nakita ko. Napangiwi ako dahil sa pagtama ng likod ko sa matigas na bato.

"Bubuwit? Ikaw ba 'yan?"

"Bubuwit? Obviously, hindi ako bubuwit."

Ngumisi si Tony. "Anong ginagawa mo rito? Bakit ka nanunubok?"

"Bale... ano... hinahanap ko lang si Calix."

"Bakit? 'Di ba schoolmates kayo? Ba't di mo na lang siya sa school hanapin?"

"Wala siya sa school. Tatlong araw ko na siyang hindi nakikitang kasama nina Mark. Parang hindi siya pumapasok."

"Bakit mo siya hinahanap? Anong kailangan mo sa kanya?"

"Okay lang ba siya?" balik-tanong ko."Wala bang nangyaring masama sa kanya? Bakit hindi siya pumapasok? 'Wag mong sabihing nag-drop out siya."

Pinakatitigan ako ni Tony. Pagkatapos ay bumuntonghininga siya at biglang lumungkot ang mukha. "Ang totoo... may nangyari ngang masama sa kanya."

Biglang kumabog ang dibdib ko. "A-Anong nangyari sa kanya?"

"Napuruhan siya sa gang war, eh. Dalawang araw siyang na-comatose. At kanina lang... sumuko na siya."

"A-Anong ibig mong sabihin?" tanong ko kahit parang alam ko na kung anong ibig niyang sabihin. Sobrang lakas ng kaba ko.

Umiling-iling si Tony. "Wala na siya."

Shocked ako. Mga ilang saglit akong nakatulala lang bago ako nakapagsalita ulit. "Hindi totoo 'yan! Hindi siya namatay! Hindi totoo 'yan!"

Tinakpan ni Tony ang bibig ko at pagkatapos ay sumilip sa bintana. "Shhh! 'Wag kang maingay. Oo na. Hindi na totoo 'yon. Joke lang 'yon."

Hinawi ko ang kamay niya. "Hindi ka dapat nagbibiro ng gano'n!"Hindi ko maipaliwag ang relief na naramdaman ko.

Ngumisi si Tony. "Hmm... why do you care that much about Calix? Syota ka ba niya?"

"Huh? Hindi."

"Hindi pala, eh. Ano ngayon sa 'yo kung may nangyari mang masama sa kanya?"

"I-Itinuturing ko na siyang... parang kaibigan."

"Kaibigan?" Nagbuga ng hangin si Tony. "Hindi naman friendly si Calix. Paano kayo naging magkaibigan?"

"Parang nga lang. Nasaan ba talaga siya? Bakit tatlong araw na siyang absent?"

St. Catherine High 1: I Knew He Was Trouble By Heart Yngrid (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon