10:58 P.M. And I am still awake consuming my time doing this. Update ko lang pala kayo, unfortunately, birthday ngayon ng isang magandang malditang ubod ng yabang at saksakan ng insecurities to the max level kagaya ng boobs niya. Siya ang nilalang na lumalapastangan sa reputasyon ng kaibigan ko noong highschool na pinagkakalat niyang malandi sa salang pang-aagaw ng kanyang boyfriend which is ex na niya ngayon sa mga boardmates ko. Ex niyang baliw na baliw sa saksakan ng gandang kaibigan ko. Gusto ko pa sanang i-elaborate kaya lang Hindi siya ganun ka-worth it para sakupin ang .01% ng chapter 1 ng Stress Out ko. Tama na'ng siya Ang unang nabanggit na cause of stress ko.
Isang typical na cause of stress ko ngayon, ay ang Information Technology 1 subject ko. Nakakabeast mode eh. I almost spend 3 hours doing my research and assignment when in fact, I would have been able to finish it for 30 minutes to 1 hour at least. Kung kulang ka nga naman talaga sa information about searching eh noh. Mabuti na lang at nagawa ko na ang homework ko Sa Accounting 101 ko, which is my major subject. And thankfully, wala naman halos ang nang ulit sa akin sa Facebook or better yet, 'di ko sila nireplyan. Anyway, ganun na rin yun. Kasalukuyan akong humihikab dahil dinadalaw na ako ng antok at napatingin ako bigla sa wall ko at Saka binasa yung nakasulat, "Ang Tunay na Maganda, NAGREREVIEW". Oh diba, bonggang inspirasyon sa pag-aaral. XD Yung bukod Sa mga tipong , "Ayoko na! Pagod na ako!" sabay tapon ng mga papel, after 3 seconds pulot ulit with matching, "Joke lang, Mahal ang Tuition." , Haha, mas bet na more inspiring diba? Hahaha.
Unang chapter pa lang ng kwentong to, stress agad ang pambungad. Mga estudyante lang makaka-relate siguro dito nang sobra eh. Naiintindihan niyo naman ako diba? At total puro stress lang naman ata ang lang nito eh saga rin ko na lang. Isa pang nakakapagpastress sa akin? Nalaman ko lang naman po kasi na nanganganib akong maipagpatuloy ang pag-aaral ko dito as Baguio. Nalaman ko sa kaibigan ko noong highschool na balak na pala akong ilipat sa isang university sa probinsiya namin. Tanungin ba naman daw ako ng , "Uy bes, lilipat ka na ng school?" Hanu daw? Aba, malay ko naman. Plinano ko na ang buhay ko dito ng limang taon hanggang sa makapagtapos ako.
Pero. Pero, Alam ko naman Ang dahilan Kung bakit. Nahihirapan Ang magulang ko na suportahanang pangangailangan ko lalo na't nasa malayo ako sakanila. Kinakapos Ang budget namin ngayon magkakapamilya. Idagdag mo pa ang lola Kong walang ibang kundi gumawa ng istorya na hindi naman totoo sa daddy ko na Ang ending eh kami ang pinapagalitan, mangangalitong ng kaldero namin kapag gutom. Pero kahit na ganun ang lola namin, mabait rin yun, at mahal namin siya kahit gano on siya. Tinatatak na Lang namin sa utak namin na kaya siguro ganun kasi tumatanda na at wala ng ibang alam gawin. Tsaka, nakakatakot rin yun dahil mas amazona pa sa amazona yun.
Ito lang muna kaya ko, ng powers ko. Kelangan ko ng I-replenish Yung beauty ko. Goodnight!-Signed Out (11:48 P.M.)
