Five

9K 142 6
                                    

SPG

Sa isang linggong pagpaplano sa renovation ng Casa Valentina ay nagpasya silang isara muna iyon maliban na lamang sa restaurant na talagang dinadayo doon.

Well, hindi nya naman pwedeng pagbakasyunin si Becca. Ngayon pa na abot kamay na nya ito.

"Monica nakita mo ba si Rebbel?" Rinig nyang tanong nito sa waitress na naka duty sa counter.

Luminga linga sya sa paligid dahil kanina lang ay kasama nya ang bata at naglaro pa sila.

Naiiling na lumabas na lang sya ng restaurant para sya ang maghanap dito. That boy reminded him so much of himself when he was a child. Kung saan saan din sya nagsususuot noon.

"Kuya pwede ako rin? Sige na please" rinig nyang sabi ni Rebbel sa lalaking nagpipintura.

"Hindi pwede. Wag ka ng makulit" malambing na turan naman dito lalaki na nagpipintura. Mukang natutuwa din ito sa bata.

"Hey big guy" bati nya kay Rebbel na agad namang umaliwalas ang muka.

"Sir Adam" tumakbo ito sa kanya at niyakap sya sa hita. Napangiti sya sa inasal nito. He's one sweet kid. 'Yun siguro ang dahilan kung bakit magaan ang loob nya sa bata at tila may humahaplos sa puso nya pag nakikita ang ngiti nito.

"What about tito Adam big guy?" Umupo sya para magpantay sila "kasi di naman kita employee kaya dapat di mo ko tinatawag na sir" ginulo nya ang buhok nito. Ngumiti ang bata at tila natutuwa.

"Ok tito Adam" sa gulat na lang nya ay niyakap sya nito. Nangingiting tinugon nya iyon.

"You wanna play?" Tanong nya sa bata. Medyo masama ang pakiramdam nya pero ano ba naman ang ilang oras na pakikipaglaro dito. Isa pa, he can feel better kapag pinagbigyan nya ang bata.

"Ayaw ko po" umiling ito "i want to do that" itinuro nito ang lalaking nagpipintura.

"O, you want to paint?" Nakangiting saad nya. Tumango ito, mabilis at sunud-sunod. "Let's paint"

Nilapitan nya ang lalaking nagpipintura. Pinarepaint nya ang hotel upang bigyan ito ng mas eleganteng atmospera. Pero mukang kakalimutan nya muna iyon.

"Tapos na ba sa likod?" Tanong nya sa lalaki na kasalukuyang nagpipintura ng railings.

"Opo sir Adam" tila natatakot na sagot nito.

"Big guy wants to paint. Pwede ba guguluhin muna namin. Patungan nyo na lang ulit ng puti pag natapos kami" binalingan nya si Rebbel na siyang siya at halos tumalon na sa excitement.

"Sige po sir"

"I'll gave you a bonus. Thankyou" ngumiti sya at kinuha ang ilang pintura. Tinulungan naman sya nito na buhatin iyon at ilipat sa likod.

Tinitigan nya ang malaking pinturadong pader, ganoon din si Rebbel. Bahagya pa syang natawa ng makitang pareho nilang hinihimas ang baba nila habang nakatingin doon.

"What do we do big guy?" Tanong nya dito.

"Let's paint and draw" sigaw nito at kumuha ng paint brush.. and they mess up the wall.

"Rebbel?" Sabay silang napalingon sa babaeng nagsalita. Ngumiti sya ng matamis ng makitang si Becca iyon.

"Hi mommy" sabay na sabi nila.

"Mommy ka jan" inirapan sya nito at nilampasan. Napapailing na nangiti na lang sya. Nilapitan nito si Rebbel at ininspeksyon. Napaka over protective talaga nito sa anak. "What are you doing?"

"I paint. Tito Adam let me" masayang sabi nito.

"More on.. you messed up the wall. Painting talaga ang tawag mo jan?" Natatawang itinuro nito ang ipininta nyang babae.. babae nga ba? Basta si Becca iyon.

Dealing With My RapistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon