Chapter 1
Chantel's Point of View
"Namiss kita. Pwede bang tayo nalang ulit dalawa?"
"Hoy."
"Hoy."
"HOY!!!"
"AY MUKHA KANG BAYAWAK! Ano ka ba kuya! Kung makapang gising ka ha. Sabado naman eh. 5 minutes pa pleasssse? *Puppy eyes with matching pout*
"HAHAH. Itsura mo ha. At hoy! SInong mukhang bayawak ha? Gumising ka na pwede! Kakain na tayo. Umalis na sila Mama. At aalis din ako mamaya. May date pa ko kaya pwede ba bumangon ka na!"
"Naman to o. Walang pakisama. Ang ganda ganda ng panaginip ko e. Andoon na eh malapit naa tapos... Fine Fine. Shoo. Alis na sa kwarto ko. Maghihilamos lang ako."
Ganyan kami ng kuya ko. Laging nagbabangayan. Nagsisigawan. Nagaasaran. Pero mahal na mahal ko yan. <3 Para siyang si Toya, yung kuya ni Sakura sa Cardcaptor Sakura na anime kung makaasta. Okay segway. HAHA. Pero laging andiyan yan kapag kailangan ko siya.
Hay bakit kaya ganoon? Kung kelan nandun ka na sa climax ng panaginip mo saka naman napuputol? BADTRIP diba? Parang sinasadya? Oh well.
First, let me introduce myself. My name is Chantel(Shantel) Klarisse Suarez. My friends call me Chantel most of the time. 18 years old. 3rd year College sa isang kilalang University and I am currently taking up a pre-medicine course. I only have one sibling, si Kuya Kian, isang Engineer na ngayon. Well ano pa ba. Simple lang ako. Mahiyain. Masikreto. Medyo maputi at hindi ako maarte sa katawan. If there's something that I should be proud of, yun ay yung pagiging honor student ko. :> Hindi naman ako yung iniisip niyong geek type. HAHA. And I am a certified NBSB - No Boyfriend Since Birth.
Maraming nagtatanong sa akin kung bakit daw hanggang ngayon eh NBSB daw ako. hindi naman ako manhater. It's just that... You'll eventually know why. One of my best friends is a guy. A biological guy. You know what I mean! And speaking of him/her... ayan na nagtext na siya.
[From : Jan]
[Hey Chaantel! Gurl! Don't forget our meeting later for our project. Starbucks na lang sa SM Megamall. I'll see you at 6! Bavooosh!]
Oo nga pala! May date pala kaming tatlo mamaya. Tatapusin lang namin yung project sa SB then magwiwindow shopping na kami. Jan and I were on the same school in HS. Ngayon, together with Mia, same courses ang tinatake namin. Silang dalawa nga pala ang bestfriends ko. Lahat ng bagay tungkol sa akin alam nila. Lalo na pagdating sa pagibig.
|Starbucks|
"Hay. nasaan na ba yung tatlong yun? Ang tagal tagal. Sabi nila 6 daw. Eh anong oras na ba? 6:15 na ah!"
"We're here!" - Jan and Mia
Ay sa wakas! So ginawa na namin yung project namin. Madali lang naman siya so keri lang. We had some chit chats and then we decided to go home. But before going home, I decided to buy my favorite drink sa SB.
"Wait lang sisters ah. Bibili lang ulit ako ng Frapp. Wait for me outside."
"Okay!" Jan and Mia
"One grande chocolate chip frappucino with extra choco chip and syrup for tsjhdkhasfd!" - Barista
Hindi ko masyadong narining kung para kanino yung frapp pero ako lang naman yung naorder ng ganoon so hinawakan ko na yung cup pero nagulat ako nung biglang may humawak naman na isa pang kamay dun sa other side ng frapp. So ang kinalabasan eh nagkadikit yung kamay namin.
*DUGDUGDUG.*
Bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kung bakit. Nilingon ko kaagad yung matangkad na lalaki na nasa harapan ko. Pagsasabihan ko na sana siya na akin yung frapp na yun. Pero nung tinanggal niya yung aviators niya, ang naging resulta eh nabitawan ko yung baso at tumapon ang laman at nalaglag ang hawak kong mga gamit sa kaliwang kamay ko. Dali dali kong pinulot ang mga gamit ko at tumakbo palabas ng Starbucks.
Hindi ako kumikibo hanggang sa makarating kami ng bahay. Gamit namin yung kotse ko pero si Jan ang nagdrive. Hanggang sa paghiga ko sa kama, I was still dumb-founded. Hindi ako umiimik. Hindi ko nanaman maintindihan kung ano yung nararamdaman ko. Kung ano ano nanaman ang pumapasok sa isipan ko.
After 4 long years... He's back. He's really back. At parang isang napakalakas na hangin na bumalik nanaman ang sakit ng nakaraan. The memories that are still fresh in my mind even after 4 long years. Hindi ko namalayan na may tumulo nang luha mula sa mga mata ko.
You're really back. Hindi lang sa panaginip...
Lance Nathan Gutierrez....
My first love.
BINABASA MO ANG
Let's Start Again
RomanceWill their story be the same with their past? Or will time and fate work with them now?