Still in the Past
Ilang araw matapos kong matanggap yung message na yun, hindi na kami muling nagpansinan. Iniwasan na niya ako ng tuluyan. Sinubukan ko siyang kausapin pero tila may isang malaking harang sa aming dalawa na sa tuwing lalapitan ko siya, it's either nawawalan ako ng lakas ng loob o siya na ang kusang lumalayo.
Aaminin ko. Masakit. Sobrang sakit. Kung alam niya lang kung anong nararamdaman ko. Gabi Gabi akong umiiyak kaya nga namumugto lagi mga mata ko. Lagi rin akong puyat kaya naman hirap na hirap akong makaconcentrate sa klase. Buti na lang mabait ang bestfriend kong si Jan. TInutulungan niya akong makahabol sa mga lessons namin.
At habang lumilipas ang mga araw na hindi kami nagkikita, unti unting nagiging klaro sa akin ang lahat. Unti unti kong narerealize na isa akong napakalaking t*nga na hindi ko nasabi sa kanya ang lahat. SInayang ko ang mga pagkakataaon na dapat ay nasabi ko sa kaniya ang hinihintay niyang mga salita mula sa akin. Ang tatlong salita na maaring nakapagpabago ng lahat. Ang kataga na kung sana ay nasabi ko noon, hindi ako makakaramdam ng ganitong klaseng kalungkutan. Ganito pala yun. Dati takot na takot akong masaktan. Ang hindi ko alam, nang dahil sa takot na yun, mas matinding sakit pa pala ang aking mararamdaman.
Sana nasabi ko sa kanya ang mga katagang, "I love you." Hindi. Kulang pa pala yon. Mas maganda sana kung, "I love you so so much."
Puro sana. Sana. Pesteng salita yan oh. Oh Ayan. Nagdradrama nanaman ako. O__O Kasi naman.
At alam niyo ba kung ano ang pinakamasakit?
Yun ay pagkatapos ng dalawang linggo, malalaman mo na lang na sila na ulit ng Ex niya. SIla na ulit ni Ashley. DALAWANG LINGGO.
BWIISET na yan. Hindi ba niya alam and three month rule?! Lahat ng nagmahal at nasaktan alam yun! Bat ba kating kati kang palitan ako, LANCE NATHAN GUTIERREZ HA?! MAY ILANG LINGGO PA KO, NATE! Galit na galit ako sa iyo LANCE :((
Ayan tuloy. Buma-Basha ang drama ko ngayon. >_____< Nakakadala kasi si Popoy at Basha eh. At teka. Hindi pala applicable samin yun. Hindi nga naman PALA kami. :((((( OUCH. IT HURTS YOU KNOW.
Nang malaman ko yun, sino ba naman ako para pigilan pa sila diba? Ang naging misyon ko sa buhay pagkatapos ng lahat ng pangyayaring yun eh magmove on. Tanggapin ang mga pagkakamali ko. Life must go on sabi nga nila. Pero mahirap. Lalo na at siya ang first love ko. Weird diba? :| Hindi naging kami pero First love ko siya. Hay buhay. Parang Life.
Nalaman ko na lang din na umalis na si Lance. Pumunta na silang Canada. Hindi na siya dito grumaduate. Ni isang salita wala na kong narinig sa kanya. Wala na kong balita. In short, para kaming hindi nagkakilala. Pinilit ko ring wag ng makibalita. Sobrang sakit kaya. Kailangang ipagpatuloy ang buhay... ng walang Lance Nathan. :( Mahirap pero kakayanin. DAPAT kayanin.
Kaya kayong mga kabataan, Huwag niyo kong gagayahin. Wag kayong magpakaduwag. Utang na loob. Kung may mahal kayong tao, sabihin niyo. Eh ano bang pakialam ng ibang tao sa inyo diba? Sila ba masasaktan? Hindi naman diba?
At ayun ang buong kwento ng aming nakaraan. Masaklap pero wala eh. Hindi umayon ang oras at pagkakataon sa amin. :(
At kung anong mangyayari sa love story namin dalawa, ba eh malay ko. Basta ang alam ko alng ngayon, hindi pa rin humuhupa yung galit ko sa sa kanya at sa sarili ko.
At hindi ko pa rin tuluyang natutupad ang aking misyon. :(
Note: Last na ito sa flashback. :> Ang mga susunod na chapter well, magsisimula na ko sa happy at sweet moments. :) HAHA. :> Kailangan lang ng konting background.
Sigeee. Super thank youuu po talaga. :) Good Night!
BINABASA MO ANG
Let's Start Again
RomanceWill their story be the same with their past? Or will time and fate work with them now?