FLASHBACK : 4 Years ago
Jan and Chantel are 3rd Year High School Students while Lance on the other hand, is one batch higher than them.
"Oyy sister. Andiyan nanaman si Lance. Sinusundo ka na ng Mr. Loverboy. Kelan mo ba balak sagutin iyan ha?" Jan
"Malapit na malapit na. Humahanap lang ako ng tiyempo."
"Sus. Kung ang iniisip mo gurl eh yung baklush na babaitang feelingerang ex girlfriend niyang si Lance, Hayaan mo na siya pwede ba. Wag mo na siyang pansinin at isipin. Isipin mo kung anong magpapasaya sayo."
"Umaariba kananaman sisterette sa advices mo ah. HAHA."
"E ikaw kasi napakaduwag mo eh. Takot kang magmahal. Ano ba yan Chanty. Paghindi mo pa sinunggamaban yan si Fafa Lance eh ako ang susunggab diyan. hindi yan makakatanggi sa maladiyosa kong kagandahanan!"
Oo na. Tama na si Jan natatakot ako. Natatakot akong masakatan. Ang tange tange ko diba? :)) Natatakot din ako sa magiging reaksyon ng magulang ko. Kung magiging kami kasi ni Lance, siya ang kaunaunahang boyfriend ko. At ang isa pang major factor kaya hindi ko maibigay sa kaniya ang pagkatami tamis kung OO eh yung dahil sa ex-girlfriend niyang si Ashley.
"Bwahahahaha. Ambading mo talaga..."
"Hi Klarisse! Hi Jan!" -Lance
"Hi Fafa L."
"O____O Stop calling me Fafa L. Ampangit pakinggan. Pre pwede pa."
"Hayaan mo na nga yan Nathan. Ano tara na? Uwi na kami Jan ah! See you tomorrow sister!"
Araw araw akong sinusundo ni Nate sas school. Yup. Nate ang tawag ko sa kanya. :"""> Ipapakilala ko muna siya sa inyo okay?
Siya si Lance Nathan Gutierrez. Nate ang tawag ko sa kanya at Klarisse ang tawag niya sakin. 4th year high school. 1 batch ahead siya samin. Suitor ko siya for almost 8 months na. Gwapo, team Captain ng Volleyball team (Varsity section siya ako naman sa Start Section), Matangkad, at higit sa lahat, napakasweet. Minsan astig minsan patawa. Kaya nga ako nainlike diyan eh. Siya ang unang nagtetext sakin sa umaga at huling magtetext sa gabi.
Now maybe you're asking kung bakit hindi ko pa siya sinasagot? Weeelll. Let's say MU na kami. To other people kami na daw. Pero hindi official kasi hindi ko pa nga nasasabi ang magic words. Bukod sa mga nasabi ko na na mga dahilan eh umeepal kasi si Ashley. YUP. yung EX niya.
Araw araw ba namang magtext sayo at sabihing, "Nasasaktan ako kapag magkasama kayo.Mahal na mahal ko pa din yan si Lance. Kahit na 2 years na ang nakakaraan at umaasa ako na magiging kami ulit. Please, wag mo siya sasagutin."
AT hindi ako nagbibiro guys. ARAW ARAW. Idagdag mo pa ang pagpost niya ng mga patamang messages sa Friendster at sa GM. At dinadaanan pa ko ng GM niya. Pwede ba. O___O Ang sama ko tuloy tingnan sa mata ng iba.
Sino ba namang hindi magdadalawang isip na sagutin yung suitor niya kung ganyan yung ex niya diba? Syempre naguguilty din ako.
Habang palabas ng school grounds,
"Oh, Klarisse. Parang ang lalim ng iniisip mo." Nate
"Ah wala." *Nakita ko kasi si Ashley na andun sa gilid. nakatingin nanaman sa amin.
Pagdating sa bahay:
|You set it again, my heart's in motion
Every word feels like a shooting star
I'm at the edge of my emotions
Watching the shadows burning in the dark
And I'm in love
And I'm terrified
For the first time and the last time
In my only life|
Sino kaya itong nagtetext na ito? nanunuod pa ko ng My GirlFriend is a Gumiho eh.
|From: Nate <3|
*Klarisse, pwede bang magtanong?
Oo naman. Ano ba yun? Kinakabahan ako. Paano kung magtext iyan si Nate eh laging may smiley sa dulo o yung alam mo yung masaya. Pero ngayon, may kakaiba.
*May pag-asa ba talaga ako sa iyo?
Hahayaan ba naman kitang manligaw for 8 months kung wala. Syempre meron. Ano bang klaseng tanong yan.
*Yun na nga eh. 8 months na. Hindi ko alam kung ano nilalaman niyang puso mo. Ni minsan hindi mo nasabi sa akin kung anong nararamadaman mo. Nakakapagod din maghintay Klarisse...
OMO. Anong gagawin ko? anong sasabihin ko? >____<
*Ano ang pumipigil sa iyo? Si Ashley ba? Binubulabog ka nanaman ba niya? DIba sabi ko sayo wag mo na siyang pansinin. Ikaw na mahal ko hindi na siya. Hayaan mo na lang siya.
Ha? darating din tayo dun Lance. Konting oras pa.
At hindi na siya nagreply. Yun na yung huling paguusap namin sa text. Ginusto ko siyang kausapin personaly pero lagi siyang umiiwas.Miss na miss na miss ko na siyaaaaaaaaa. :((((
Nasa MOA kami ngayon ng family ko. Naghihintay ng fireworks. Nasabi ko ba sa inyo na sobrang hilig ko sa fireworks? Parang wala lang. Nakakatanggal ng problema. Sumasaya pakiramdam ko kapag nakakakita kao ng Fireworks.
[You set it again, my heart's in motion
Every word feels like a shooting star
I'm at the edge of my emotions
Watching the shadows burning in the dark
And I'm in love
And I'm terrified
For the first time and the last time
In my only life]
Tiningnan ko kaagad ang inbox ko. At nagulat na lang ako sa nakita ko.
Kung ang expression ko kanina ay ganito (^_^) naging (T_T) sa isang iglap.
Sumabay sa pagputok ng makukulay na Fireworks sa kalangitan ang pagsabog ng luha mula sa aking mga mata. Kung pwede lang sumabog ang puso, ganoon din siguro ang nangyayari sa akin ngayon.
Hindi ko alam na sa simula ng araw na ito, hindi na kaligayahan ang maidudulot ng Fireworks sa buhay ko kung hindi labis na sakit at kalungkutan... T_____T
|From: Nate|
Klarisse, ilang beses ko na nasabi sayong mahal na mahal na mahal kita diba? Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito sa totoo lang. Ilang beses na kong sinabihan ng mga kaibigan ko na pinapaasa mo lang daw ako. Pero hindi ako sumuko. Kasi nga mahal kita eh. :((
Pero hindi sapat yung nakikita ko mula sayo. Ni minsan hindi mo sinabi sa akin yang nilalaman niyang puso mo. Sa 8 buwan na magkasama tayo, hindi mo sinabi sa akin na masaya ka. Masakit Klarisse. Sobrang sakit ng gagawin kong ito. Pero eto ang tingin kong nararapat kong gawin sa ngayon. Tao lang din ako napapagod. Hindi ko sinasabi na nasayang ang oaras ko saiyo kasi sa 8 buwan na yun, naging sobrang saya ko. Naguumapaw yung kaligayahan na nararamadaman ko sa tuwing magkasama tayo. Sa tuwing nagkakausap tayo. Pero mahirap at masakit umasa sa wala Klarisse. Ginagawa ko ito para hindi ka na mahirapan pang magisip. Lalayo na ko sa iyo.\
Good Bye and Thank you, Klarisse. Je t'aime.
NOTE: Yung nasa right side po yung message alert tone ni Klarisse :) Pakinggan niyo din. LSS ako diyan eh. Lalo na sa boses ni Zachary Levi. <3 Nakakainlove.
SUPER THANK YOU NGA PALA PO, @lechir18 and @leyn_deiq2. Grabe.Sobrang saya ko at thankful sa inyong dalawa ngayon. :) Thanks talaga. I hope we can be friends :)

BINABASA MO ANG
Let's Start Again
RomanceWill their story be the same with their past? Or will time and fate work with them now?