"KYAAAAAAAH! GUUUURL NAKASABAY KO SI CRUSH KANINA! AT HINDI LANG YUN NA---" Sigaw ko na nagtititili at nagpapaikot ikot sa kama habang kausap sa phone yung best friend ko.
[Anteka okay? Relax lang 'te! Lakas mo eh hindi naman ako bingi. Jusko buti na lang wala ako diyan sa tabi mo baka pinaghahampas mo pa ako.] Sigurado ako nakapoker face 'to babaeng 'to. [Ano ulit 'yun? HUWAIT! Pakihinaan boses!]
Okay Anne, hinga malalim. Let the gas exchange take place. And release the aaaaaaair.
"Dennise, listen very well. Nakasabay ko si 19th floor guy! Kyaaaaaaah! At eto pa! Eto pa! NAKAUSAP KO SIYA JUSKO! KYAAAAAAH HAVEY NA HAVEY! JUSKOPO!!!!"
Ang tinutukoy ko kasi is yung crush ko nga na si 19th floor guy. We live on the same condo but, unfortunately, sa 19th floor siya nakatira habang ako sa 16th floor naman. Kung pwede lang baliktarin ko yung number 6 na yun para maging 9. Oh eh di magkapit bahay kami kung sakali! OMG naman kasi. Yun nga lang, hindi ko alam kung anong unit niya. Sana 1915 din! Para meant to be kami! Kasi sa 1615 ako. OSIGE PWEDE NIYO NA AKONG I-STALK!
'Yun nga lang. Hindi ko alam name niya. Ay before that, I'm Anne Fernando pala! Third year high school. Yung kausap ko si Dennise Merka. Best friend at classmate ko. At yung pinag uusapan namin si 19th floor guy. Kaso hindi ko alam kung anong year na siya. But I'm guessing HS graduating na siya. Ayun matagal ko na siyang crush. Almost everyday kasi nakikita ko siya. Almost lang naman.
Pero 'yun nga! Havey na havey talaga ang nangyari kanina! Jusko! Kasi naulan, buti na lang suot ko yung hoodie ko. Ang kaso kasi hinihintay ko si crush sa station ng LRT. Nung minsan kasing nakasabay ko siya pauwi tinignan ko talaga yung time para alam ko na next time kung anong oras siya umuuwi! Tapos nga hinihintay ko siya with isa ko pang friend na si Linda. As in everyday namin siya hinihintay! Tapos 'yun nga akala ko hindi dadating kasi ang tagal! Pero nung napalingon ako sa kaliwa ko! JUSKO AYUN SIYA PADATING KAYA INIWAN KO NA DIN SI FRIEND KO! KASI IBANG WAY KAMI. Sorry friend.
Tapos pagbaba namin ng LRT. Lumabas na kami. Ako nauna maglakad. HOHOHO FEELING KO NGA BINABANTAYAN NIYA AKO. FEELING LANG NAMAN KYAAAA KINIKILIG TALAGA AKO.
Tapos maya maya habang naglalakad ako may narinig akong "ehem". Yun bang nag clear ng throat. Tapos nakita ko siyang tumawid na. Yung condo kasi parang isang compound. Yung condo na tinitiran namin nasa gitna.
Umuulan pa kanina. Wala akong payong. Tapos ako naman nag assume kung bakit siya nag clear ng throat. Kasi ang nilalakaran ko kanina is yung way niya nga. Pag kasi nagkakasabay kami lagi umuwi, ako agad yung tumatawid papuntang condo namin, yung tawiran kasi is yung daanan lang ng mga sasakyan palabas ng compound, tapos siya dirediretso lang. Eh this time dirediretso lang ako. Gusto ko kasing subukan yung dinadaanan niya. Hahaha okay.
Tapos yung nga narinig ko siyang nag ehem. Wala nag assume lang ako. Tapos pagdating sa may harap ng condo, binuksan niya ng malaki yung first door! JUSKO! Ako naman kinilig! Kasi feeling ko pinagbuksan niya ako ng pinto. Okay enough with my presumptions. Tapos pagpasok mo kasi, may main lobby door pa. 'Dun mo ifaflash 'yung key card mo para mag open.
Akala ko bubuksan niya with his key yung pinto. Yun pala! Hinihintay niya lang din ako magbukas. Kaso tinamad akong magkalkal sa bag ko. Kaya hindi ko dala 'yung key card ko. Nagkatinginan pa muna kami bago kami nag separate. Nagpunta siya sa left side ako sa right at pinaglaruan yung directory. Nahihiya pa akong humarap sakanya! Kasi nag fofog yung glasses ko! Tapos maya maya may dumating na babae, siya yung nagbukas ng pinto.
Nung nasa elevator na kami, nasa likod ko si 19th floor guy. Tapos nung bumaba na yung girl sa floor niya, nagpunta si 19th floor guy sa side. AKO NAMAN NAGLAKAS NG LOOB HUMARAP SAKANYA AT KINAUSAP!
BINABASA MO ANG
19th Floor Guy (Two Shots)
Romansa19th Floor Guy. That's what I call him. He will always be a mystery to my heart.