Two

25 2 1
                                    

"So you're the mysterious note poster huh? Caught in the act, Anne." He moved closer at napalunok naman ako. 

"L-let me explain?" Halos pabulong ko ng sabi.

"No need. This will do." 

Then he claimed my lips with his.

"I'm not gonna lie but I love you, said this 19th floor guy." Mahina niyang sabi pagkatapos akong halikan. He sweetly smiled at dahan dahan na nilapit ulit ang mukha niya sa mukha ko. Napapikit ako ng madiin at hinihintay na dumikit ang malambot niyang labi sa labi ko.

Pero bago ko pa man maramdaman ang labi niya ay biglang may tumunog. Malakas na tunog para magising ako sa katotohanan. Napatingin ako sa gilid nang kama ko at masamang tinignan ang alarm clock kong nag iingay. Inabot ko iyon at pinatay. Isang panaginip.

Napatingin ako sa ceiling ng kwarto ko at napabuntong hininga. Akala ko naman totoo nang mahal niya ako at hinalikan.

It's been three months simula nang tinulungan ko siyang makauwi nang unit niya. Pero simula 'nun hindi ko na ulit siya nakita. At mas lalong nawalan ako ng pag asang makita siya ngayon dahil summer vacation na namin. 

Tinigil ko na din ang paglalagay ng post-it note sa pintuan ng unit niya.

Mabilis na natapos ang summer vacation ko. Wala naman masyadong ginawa, lagi lang akong tambay sa bahay. Lumalabas din naman minsan kapag nag aya ang mga kaibigan ko. Grade twelve na ako ngayon.

Nag toast lang ako ng tinapay at kinuha iyon at umalis. Kagat kagat ko pa ito habang sinasara ang pintuan ng condo unit ko at dali daling naglakad papunta sa elevator. Maaga akong umalis ngayon dahil may morning practice kami ng dance troupe. Napatingin ako sa relo ko at nakitang malalate na ako.

Pagkababa sa lobby, mabilis akong tumakbo papunta sa bus stop ko. Naghihintay ako ng bus habang mabilis na kinakain ang toasted bread ko nang may mapansin akong lalaki na naglalakad sa tapat ko. Huminto siya habang nakatingin sa gawi ko habang naghihintay na mag go for walking signal papunta sa kabilang bus stop na nasa kanan ko pero sa kabilang side ng kalsada.

Nanlaki ang mga mata ko pero hindi ako sigurado kung napansin niya ba kasi nasa kabilang side nga siya. Nabalik ako sa sarili nung magsimula siyang malakad at tumawid sa kabilang bus stop. 'Dun ko napansin na napatulala na pala ako sakanya at naka taas pa ang kamay ko habang hawak hawak ang toasted bread na natigil kong kainin dahil nakita ko siya. 

Ang bilis nang tibok ng puso ko. Naghihintay siya ng bus nang maya maya ay dumating na ang bus ko papuntang West. Wala pa 'yung bus niya na papuntang East nung nakasakay ako.

Bakit kaya ang aga niyang pumasok? Alam ko mas late ang pasok nang mga public school kesa sa amin na mga taga Catholic school.

Hindi ko siya tinignan nung nagsimulang umandar ulit ang bus. Natatakot ako na baka makita niya sa mukha kong gusto ko siya.

At hindi ko inakala na 'yun na pala ang huling beses na makikita ko ang mukha niya.

Natapos ang buong grade twelve year ko nang hindi ko na ulit siya nakita. 

Nagsimula ang university life ko nang hindi na ulit siya nakita simula nung huling kita ko sakanya 'nung umagang 'yun.

Hindi ko man lang nalaman ang pangalan niya. Hindi ko siya mahanap sa facebook.

Nagkaroon ako ng mga bagong crush at nawala na sa isip ko si 19th floor guy. I also had my first boyfriend. Hindi naman nagtagal ang relationship namin dahil iniwan din niya ako matapos ang isang buwan.

It never crossed my mind na magiging rebound ako in my very first relationship. Masakit, aaminin ko. Sobra akong nasaktan. But I somehow didn't let it get to me.

19th Floor Guy (Two Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon