Ito na. Ito na talaga ang unang araw haay. Di ko masabi kung ano talaga nararamdaman ko e. Halo halo na ng kaba, tuwa, at iba pa. Nang pagpasok ko sa pinto, nahalata ko na kung sino sino mga dati nang studyante sa hindi.
Umupo ako sa dulo ng room dahil may bakante roon at pansin ko na tahimik rin yung mga katabi ko roon. Di ako nakipag usap kahit kanino doon nung umagang yon. Lupit no?
At doon na sinabi ng Adviser namin na magpakilala na at sabihin ang konting detalye tungkol sa sarili. Nagsimula sa pinakauna na magpakilala. Sinimulan nakong kabahan doon dahil mabilis ang pagpapakilala nila.
Nang nagpapakilala ang mga Old Students nagsisitwanan ang kapwa nilang Old students din. Pero sa mga new students, tahimik lang sila. Ang room nga pala noon ay 50% New Students at 50% Old Students.
Palapit na ang pagpapakilala ko at kinakabahan na talaga ako. Nang dumating na para magpakilala ako tumayo ako at nagsalita ng normal sa harap. Nawala ang kaba ko habang nagsasalita.
"Arwin. Arwin Santos. Galing ako sa Maligaya School at ako ay 14 pa lamang."
Whoo. Buti nalang natapos na din. Wala nako masabi. Nauuutal na ako hahaha.
Ayun, nang matapos ang pagpapakilala, inayos kami ng adviser sa aming seating arrangement para sa 1st Quarter. Ako ay nakatabi ng isang lalaki na pangalan ay Ken Crisostomo. Siya rin ang kumausap sakin nung first day.
"Arwin diba? Pre, Ken pangalan ko. Kinatutuwa ko makilala ka."
Hahaha Himala. May kumausap sakin. Natuwa na ako noon at naging kaibigan ko kaagad si Ken.
Nang pinapili kami kung anong club sasalihan namin, nagusap kami ni Ken.
"Pre, anong club salihan naten? Social Science oh."
Akala namin parehas na tungkol talaga sa Science yung club na iyon at tumuloy na kami doon. Nang dumating kami sa loob at nag explain ang club adviser kung ano ang mga ginagawa doon...
"Pre namali yata tayo. Di tungkol sa science yung inaaral dito."
"Onga e. Aruy. Puno na rin yung ibang club pre. Wala pa naman ako alam sa Agham shete."
Pero lumipas yung mga araw naging maayos samin ang club na iyon.
Medyo masaya naman siguro ang unang araw para sakin. Wala nga lang nangyari na kakaiba at nakakilala pa ako ng kaibigan.
Ang napunta sa aking isipan?
"Ang saya dito."
BINABASA MO ANG
Cherry Blossoms
RandomPag ibig na matamis, masaya, nakakaaliw, ngunit mabilis maglaho.