Chapter: 02 - Her

22 3 3
                                    

Lumipas maraming araw, unti unti akong nasasanay at nakakausap sa mga ibang tao. Nakisali ako parati sa mga usapan ng laro ng LoL o League of Legends at tila parati ako nakikilaro sakanila. Ang mga araw ko doon ay nagiging masaya talaga.

Nang tumunog ang bell, pumasok ang adviser namin at nagpalit nanaman ng seating arrangement dahil sa kaingayan ng klase. Nasabi ko na ayaw ko muna mahiwalay kay Ken kasooo, nahiwalay kami at balik nanaman ako sa walang kausap sa tabi.

Nang tawagin na pangalan ko,

"Arwin, tumabi ka doon sa tabi ni Iza."

Nang umupo ako doon ayos lang. Tahimik sa simula. Pero nung tumagal kinausap ko rin siya.

"Hellooo? Iza? Iza dibaa?"

Hoho kinapalan ko mukha ko at straight na ganon ang ang pagbati ko. Napangiti nalang siya at sinabing...

"Oo Iza nga. Diba si Arwin ka?"

"Oo."

Nagtuloy tuloy kwentuhan namin noon basta may free time. Dun ko rin nalaman na masaya to kausap at kasama. Tuwing magkakaroon ng Partneran, si Ken o kaya si Iza ang pipiliin ko na partner.

Nang pinapili kami isang beses, tinanong ko si Ken kung meron na siya partner, malas. Meron na. Tapos biglang may tumawag sakin. Tumalikod ako at si Iza pala iyon.

"Arwiiin! May partner ka na?"

''Wala pa nga eh."

''Ayuun. Edi mag partner nalang tayo!"

"Sige lang."

Nang tanungin ako ni Iza na maging ka partner niya ako, nawala na yung kaba ko na mawawalan ako ng partner sa activity na iyoon.

Lumipas nanaman ang maraming araw, tila parang naging isang pamilya na ang buong section namin. Lahat ay magkakakilala na. Kaso, isa na rin siguro ang section namin sa pinakamagulo noon. Maingay, makulit, at narereport parati sa office. Hahaha. Pero masaya.

Isang tanghali, nakilala namin ni Iza ang isa sa mga tahimik sa klase namin. Pangalan nya Jenny. Kaso tawag nalang namin sakanya Jen. Nagkausapan kami 3 sa baba noon kasi Recess pa. Akala ko talaga tahimik yun. Hindi pala pag nakilala mo na.

Halos araw araw siguro nakakausap ko si Jen at isa sya sa mga naging matalik kong kaibigan. Ganun rin ang lagay ni Iza at Jen. Para naman silang magkapatid sa tingin ko. Ganun rin kasi trato nila sa isa't isa.

Maraming pagkakataon nakikipagkulitan ako kay Jen noon kaya napapagkamalang may gusto ako sakanya. Pero hindi talaga ganun.

Maraming araw ang nagdaan, may napapansin ako sa sarili ko. Unti-unti akong nahuhulog para kay Iza. Di ko naman masabi ng maayos yung pakiramdam na iyon. Parang ang hirap makipagusap na ng maayos kay Iza at di na ako makatingin ng maayos sa mga mata nya habang kausap sya.

Nasabi ko na rin bang sa 4 na quarters na ito, si Iza parin ang katabi ko. Napansin ko rin na bigla nalang ako napapasulyap sakanya ng di ko namamalayan. At pag nahuli ako, mapapaalis nalang tingin ko bigla.

At ayun na, pagsapit ng January,

Hulog na talaga ang loob ko para sakanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 18, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Cherry BlossomsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon