Chapter: 0 - Si Arwin

25 3 1
                                    

Ako nga pala si Arwin Santos, kadalasan tawag nila sakin ay Win. Hindi ako gaanong matalino ngunit hindi rin naman ako bobo. Nasa kalagitnaan ako ng dalawang iyon.

Sa aking mga araw sa isang maliit na paaralan, ang buhay ko ay puno ng galit at pagsisisi. Kung minsan lang ako makaranas ng kasiyahan sa isang araw noong nag aaral pa ako roon.

Ang mga pang aasar saakin... Alam ko hinahayaan ko lang mga iyon. Kasi alam ko sa sarili ko na mawawala rin lahat ng iyon sa hinaharap.

Kaunti lang ang mga naitawag kong TUNAY na kaibigan doon sa paaralang iyon. Ang aking pinapangarap ko lang noon?

"Makaalis sa impyernong ito."

Nang dumating na ang araw na gagraduate na ako doon, tumayo ako ng maayos at napangiti na lamang dahil alam kong tapos na ang mga araw ng paghihirap ko.

Ako ay lumipat sa isang paaralan na malayo roon sa dati kong pinag aaralan. Ang pinaglipatan kong paaralan ay di gaanong malaki ngunit di rin naman ito maliit. Katamtaman lang ang laki at di tulad noon sa dati kong paaralan, di mainit dito at hindi kulong ang init. Doon lamang ay nakaranas ako ulit ng munting kasiyahan.

Nang kumuha ako ng Entrance Exam, kinabahan ako dito dahil wala akong kasiguraduhan kung ako ba ay makakapasa o baka bumagsak at hindi matanggap. Sino ba naman hindi kakabahan sa ganun.

Nang matanggap ko na pasado ako at pwede na akong I-interview para makapasok na ako sa paaralang ito, natuwa ako at sabay kinabaham ulit dahil nagtataka na ako kung sino kakausap sakin.

Nang pumasok na ako sa Guidance, sinalubong ako ng Principal at binati ako na nakangiti at pinaupo ako roon.

Ang mga kamay ko biglang nanlalamig at tila nanginginig ang aking boses habang kinakausap ako.

"Why of all schools, did you choose this school?"

"What is your dream job?"

Ganyan ang kaniyang tanong sa akin at pasalamat nalang at nasagot ko ng maayos ang tanong nya na pa ingles rin.

Aba ang hirap mag ingles ng tuloy tuloy ah. Buti nalang talaga naka pasa ako. Nang matanggap ko na ang isang card na nakalagay ang impormasyon ng aking klase, ako ay natuwa talaga.

Ang nasabi ko lang sa sarili ko noon,

"Hindi ko to pagsisisihan."

-end.

Cherry BlossomsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon